IMITATE JESUS

69 0 0
                                    

Text: Efeso 5: 1-14

TITLE : TULARAN SI HESUS

Introduction.

 If you remember I preached the other verses from 15 – 20, the title is expand your light. And this time the message is about from verses 1-14.

Hanggang ngayon marami sa atin ang nahihirap ipamuhay ang pagiging isang maka-dios. O minsam nahihirapan parin tayo makitungo sa kapwa natin kristyano. Tama?

Kaya nga tulad ng kasabihan, paano ka magmamahal sa Dios kung hindi mo kayang mahalin ang kapatid mo sa pananampalataya. The same way, paano mo matotoonan mahalin ang kapwa mo mananampalataya kung hindi mo kayang mahalin ang hindi mananampalataya.

Kung bakit nahihirapan tayo lumago sa bagay na nais ng Dios dahil hindi natin sinisimulan sa ugat.

Ang isang puno hindi siya magkakabunga ng malago at matabang bunga kung hindi maayos ang pinaglalagdyan ng ugat.

So in other word, dapat ugat muna ang matutunan bago ang bunga ng puno.

Kaya sinasabi sa mateo 5: 48

“Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong ama na nasa langit.”

Ang tinutukoy na kaganapan dito ay kung paano mo mamahalin ang mananampalataya at hindi mananampalataya.

Verse 46 “kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan?...”

Ano ba ang sabi sa verse 45

“upang kayoy maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit…”

In other words,

Ang pagiging isang tunay na anak ng Dios ay hindi lamang nahahayag sa loob ng simbahan. Hindi lamang ang pagiging mabuti o pakikisama sa kapwa mananampalataya kundi maging sa mga hindi sumasampalataya.

Ito ang kaganapan na gustong matotonan ng Dios sa atin. Mahirap ito magawa dahil dito nangingibabaw ang pride ng Kristyano.

Dahil dito masusubukan ka kung kaya mo ba talagang maging tunay na anak ng Dios.

At kinakailangan natin ipamuhay ang mga bagay na ito dahil tayo ay mga anak ng Dios.

Efeso 5:1 “Yamang kayo’y mga anak na minamahal mg Dios. Tularan ninyo siya.”

Sino dapat ang tutularan natin?

Verse 2 “mamuhay kayo nang may pagmamahal “TULAD NI CRISTO”.

Alam ninyo mga kapatid, kahit taglay ng Panginoon Hesus ang kalikasan ng Dios. Hindi siya namuhay sa pamamagitan ng bagay na iyon. Kundi kung paano ang isang tunay na tao lumaki at natoto mula sa pagkabata hangangan sa magka edad.

Luke 2:40 “Ang Bata’y (Hesus) lumaking malusog, puspos ng karunungan at kalugod lugod sa Dios.”

Si Jesus lumaking malusog, puspos ng karunungan, at kalugod lugod sa Dios.

Eh, tayo kaya? Paano tayo lumaki?

-         Lumaking sakitin, puspos ng katamaran, at palubog ng palubog sa Dios. (Biro lang)

Binigdyan diin ni Luke yung summarized, yung 33 years na pamumuhay ni Hesus sa lupa.

“Ang Bata’y lumaking” --- kalugod lugod sa Dios.

Yung mga nararanasan natin, naranasan ng Panginoon yan pero mas pinili nya ang maging kalugod lugod sa Dios. Bakit? para ipakita na siya ay tunay na anak ng Dios?

Kaya sinabi sa Efeso 5 verse 10 “Sikapin ninyong matutunan kung ano ang kalugod lugod sa Panginoon.”

Dapat ito yung maging life goal natin lahat. “Mamuhay na kalugod lugod sa Dios”. (Amen)

GO PREACH: TAGALOG SERMONSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें