CHAPTER 11: DRUNK

Start from the beginning
                                    

"Wais! Parcel mo raw!" Sigaw mula sa baba, nag aayos palang ako ng buhok eh, "Teka!" Sigaw ko rin.





Nilapag ko muna ang hawak kong suklay at mabilis na kinuha ang wallet ko, nag mamadali akong bumaba para kunin ang parcel na dumating sa 'kin ngayon. Pag baba ko nga ay nakita ko si kuya rider sa tapat ng gate kaya lumapit agad ako at inabot ang bayad ko.








"Pasensya na kuya natagalan, nag aayos po eh." Paumanhin ko.




"Sige lang po sir, no prob po! Nag bago na pala kayo ng adress, 'no?" Sabi niya, napatingin naman ako ulit sakanya nang marinig ko ang sinabi niya.



"po?" Medyo kumunot ang noo ko, "Ako po kasi palagi nag bibigay ng mga padalang sulat sayo nung.. sa dorm palang po kayo nakatira?"




"Ahh.. 'yon ba? Oo eh, hayaan mo na 'yon!" Ngumiti nalang ako sakanya at nag paalam na rin. Pagkatapos kong makuha yung mga parcel pumasok narin ako sa loob. Madami dami nga ang dumating ngayo, hindi ko naman inexpect na mag sasabay sabay.











nang makapasok na ako sa loob ay dahan dahan kong inilapag ng mga dumating na parcel, habang medyo inaalala ko pa kung ano-ano ang  mga dumating na items ngayon sa 'kin naka kuha ng atensyon ko si boss Tyrke nang mapansin ko ito.








"Bagong mga resin nanaman ba 'yan?" Biro niya, "Mamaya na 'yan, puntahan mo muna sila don sa stock area." 




napa kunot naman ang noo ko, "stock area? anong ginagawa nila ro'n? wala bang practice?"




He shakes his head as no, "Wala muna, balak ko sana palinisin yung stock area sa taas para may kwarto naman si Vee tsaka yung bagong darating na member if ever 'diba." Sagot niya.







"Okay but.. where's Vee by the way?" I asked. Simula kaninang umaga pa hindi ko siya nakita, umuwi ba siya?






"Oh, ba't hinahanap mo?" Napansin ko Ang pag ngiti ni Boss Tryke parang nang aasar pa ata.






"Nag tatanong ako boss, tanong 'yon." Tsk. Ba't ko naman hahanapin.. nag tanong lang eh.






"Sus, nasa stock room din nag lilinis sila do'n kaya umakyat kana para may katulong na sila."










Ayoko ngang nag lilinis eh si boss Tryke talaga eh. Kahit labag sa loob ko umakyat parin ako, syempre ayoko naman mag mukhang tamad kahit totoo naman. 








Jusme, sobrang dami nilang inaalis na gamit, halos alikabok na ata laman ng kwartong 'to.







Napapatingin nalang ako kay Vee, every time na babahing siya. Ewan ko ba rito bakit pa nandito eh alam naman niyang sensitive yung ilong niya.








"Paki labas nalang ng iba pang mga kahon." Sabi ni Coach, "Sige coach kunin ko na." Sagot naman ni Vee.
















Napa buntong hininga nalang ako, lumakad ako palapit sa mga kahon na ipinalalabas at binuhat ang mga ito.








"Ako na." Maikling sambit ko at lumakad na palabas ng kwarto. Masyadong malaki ang area na ito siguro parang halos dalawang kwarto na.










"Daming alikabok 'no, kuys?" Sabi ni Edward habang nag papagpag. Tumingin naman ako sakanya pag tapos kong ilapag ang mga kahon. nasa rooftop kami, dito inilalagay pansamantala ang mga gamit na nilabas mula sa stock area.









"May naalala kaba kagabi?" Tanong ko sakanya, I know this will be sound weird, random ba naman akong mag tatanong ng ganito eh.







"Oh.. wala naman, bakit?" Nakahinga ako nang maluwag sa sagot niya. "Okay." Malamig na sagot ko.






"Ah, Ed may favor pala ako." Muling napatingin sakin si Edward.





"Ano 'yon?" Tanong niya, "Pababain mo nalang si Vee."






Kumunot naman ang noo niya, "Kuys, alam kong hate na hate mo siya pero ang sipag niya Kuys! Kung alam mo lang, kanina pa kaya kami rito."






"Ayon nga eh, kanina pa siya rito pagod na 'yan panigurado." Sagot ko, "Sensitive yung ilong n'yan, sigurado akong after nito mag kaka sipon pa 'yan eh."






"Oh.. so.. mali pala ako eh.. hindi mo pala siya hate kasi.. parang concern kapa sakanya—" Hindi na niya naituloy ang gusto niyang sabihin ng bigyan ko siya ng seryosong titig.









"sige kuys, noted 'yung sinabi mo kanina." Ngumiti siya at tinapik pa 'ko bago siya umalis.









napahawak nalang ako sa bakal at tumingin sa malayo,






... Bumabalik nanaman..


__________________________________________________.🌙

The Almost Us Where stories live. Discover now