Oo na. Sila na sweet. K fine.



Nang matapos kami at nasa dessert na kami ay nagsalita si Agnes.



"Dory. Kaya nga pala pinatawag kita ay dahil may napakagandang balita kami ni Luke sa'yo." masayang sabi ni Agnes.



"Oo nga. Very very very good pa nga ang sabi mo eh. Ano ba kasi yun at nagpahanda ka pa?" tanong ko dito.



Nagtinginan ang mag-asawa at ngumiti. Maya-maya lang ay tumayo si Agnes at may kinuha sa isang drawer. Nang makuha nito iyon ay nilagay nito sa likod at lumapit sa amin.



"Lookie Dory!" masayang sabi nito at sabay pakita ng nasa likod nito.


Isang pregnancy test iyon. At may dalwang guhit.



"Oh my! You mean..."


Tumango tango ito. Maluha luha pa ito. "Yes Dory! Magiging mommy na ako! Magiging parents na kami. Nagcheck-up na kami at I'm 4 weeks pregnant!" masayang masayang sabi nito at yumakap sa bewang nito ang asawa niya. Kitang-kita mo na maligayang maligaya ang mga ito. Napatayo ako at yumakap dito.


"Oh my gosh! Congratulations! Magiging mommy ka na! I'm so happy for you!" maluha luha kong sabi habang nakayakap dito. Yumakap din ako sa asawa nito. "Congratulations Luke! Magiging daddy ka na!" masayang sabi ko dito. Yumakap din ito sa akin at nagpasalamat.


"Kaya pala nagpahanda ka. Magiging parents na pala kayo." nakangiting komento ko sa mga ito.


"Oo nga eh. Alam mo ba yang si Luke nagtatalon pa ng malaman na positive." kwento nito at tumawa pa. 


"Syempre naman. Magiging tatay na ako. Matagal ko ng pangarap yun. Bakit di ako matutuwa nun? Saka ako na ang tatalon sa ating dalawa at baka mapaano pa kayo ni baby natin." nakangiting kwento nito at hinaplos pa ang hindi pa maumbok na tiyan ni Agnes. Hinawakan naman ni Agnes ang kamay ni Luke na nasa tiyan nito.



Awwww. Ang sweet talaga nila. Kailan kaya ako magiging ganyan?



Haaaaaaaaaaaaa. No way! As in NO WAY!


"Ikaw, Dory, kailan ka mag-aasawa?" Biglang tanong ni Agnes. Tong bruhang to. Kakasigaw ko nga lang sa sarili ko sa loob loob ko tapos bigla naman niyang tatanungin yan?


 Sinimangutan ko siya. "Wala. Uulan na sa Saudi pero di pa rin." nakasimangot na sabi ko. Tumawa lang ito.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora