"Ano?"


"Secret. Basta punta ka dito bukas ha. Dito ka na din magdinner at hindi yung mamimili ka kung anong flavor ng canned tuna ang kakainin mo." sabi nito. Napatawa ako ng mahina. Alam talaga nito na yun ang kakainin ko.


"Okay. Okay. I'll see you tomorrow. Bye Agnes. Miss you." nakangiti kong sabi dito kahit di ako nakikita nito.


"Okie Dory. Bye. Miss you too." at tinapos na ang tawag.


Ano kaya ang very very very good na news sa akin nito at parang ang saya saya at talagang dapat na tatlong very ang gamitin? Di ko na lang inisip at pinuntahan ang kusina para pumili ng ulam ko. Napagdesisyunan ko na afritada na lang. Kumain na ako ng hapunan ko at pagkatapos ay nagshower saglit at natulog na.





Kinabukasan.


Papunta na ako kina Agnes. Habang naghihintay ako ay may nakita akong mag-ina na magkahawak kamay na naglalakad. Makikita mong tuwang-tuwa magkwento yung bata habang nakangiti naman na nakikinig yung nanay niya. Tinignan ko lang sila hanggang sa makalayo sila at nang makasakay ako sa jeep ay may may isang pamilya na masayang nag-uusap sa tapat ko.


Ayoko man makaramdam ng inggit dahil masama yun, aaminin ko. Nakakaramdam ako nun ngayon. Ang cute nilang tignan. Parang ang saya saya nila. Magkakapamilya kaya ako?



Nah! Malabo. Ni boyfriend nga ayoko na eh. Asawa pa kaya? Di ko na lang inisip yun at tumingin na lang sa may labas. Maya-maya lang din ay nakarating din naman ako kina Agnes. Nagdoorbell muna ako at ang asawa nitong si Luke ang nagbukas.



"Oh wala kang duty ngayon?" tanong ko agad dito. Doctor ito. OB Gyne. Samantalang nurse naman si Agnes.



Tumango ito. "Kaninang umaga pa. Tapos na ngayon. Pasok. Kanina ka pa namin hinihintay." nakangiting sabi nito at niluwagan ang bukas ng gate. Pumasok na kami sa main door nila at dumiretso na sa dinning room nila. Nakita ko na maraming handa sila. Napakunot ang noo ko. Anong meron? Sakto naman na dumating si Agnes at may dala itong bagong lutong kanin. 



"Dorryyyyyyyyy!" matinis na tawag nito sa akin. Nilapag muna nito ang bowl ng kanin at bumeso sa akin tapos ay yumakap sa akin. Bumeso at yumakap din naman ako dito.



"Agnes. Anong meron? At ang daming handa ngayon. May graveyard shift ka ba sa mga susunod na araw at ngayon ka na lalamon ng lalamon?" takang tanong ko dito. Ngumiti naman ito ng pagkalaki laki.



"Mamaya ko na sasabihin. Kumain na muna tayo. Dami kong hinanda oh. Saka para hindi ka mamimili kung ano sa mga canned tuna na stock mo ang kakainin mo." sabi nito at umupo na ako. Pinaghila naan ng silya ni Luke si Agnes ng upuan at doon umupo. Umupo na din si Luke at nagsimula na kaming kumain. Masaya kaming kumakain a nagkukwentuhan. Sinusubuan naman ni Agnes si Luke ganun din naman ang asawa nito dito.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Where stories live. Discover now