Chapter TWENTY-FIVE

Start from the beginning
                                    

Nadaanan ko si Hunter na seryusong seryusong kinakausap ang kaniyang mga playmates. Ganun din naman si Noah na kunot nuo pang nakikinig sa kaniyang captain sabay tatango ng sunod sunod.

"Ts, stupid Noah." bulong ko nalang habang inaalala ang kaniyang tiyan na hanggang ngayun ay hindi pa magaling. Mabuti nalang talaga at naipekto kahit papano yung gamot na binigay ko.

Sa dulo ng mga blechers nakaupo si Neska yakap ang kaniyang mga libro at tulalang nakatitig sa kaniyang mga sapatos. Palibhasa at nasa dulo ang pwesto ko kaya't kitang kita kong tulala siya ngayun at wala sa sarili. Napailing nalang ako ng maalala ang pambabaliwala niya sa mga bully kanina. Umiwas na ako ng tingin at lumapit nalang sa aking bow and arrow at nilinis ito gamit ang puting panyo ko sa aking bulsa. Nang makuntento ay saka ako pupwesto sa shooting board at maayus na sinipat ang palaso sa aking kamay. Nang masiguro kong tama na ito ay ipinikit ko ang aking mata at inihanda ang sarili.

"Liv!" It was Hunter.

Thug!

Malakas na lagabog ang umalingaw-ngaw sa paligid ng bitawan ko ang palaso.

"Neska!" sigaw ni Hunter kaya naman nilingon ko ang blechers.

"Rena!" sigaw din ni coach at halus lahat sila ay nagtakbuhan palapit sa pwesto nito. Natigagal ako sa aking tayo lalo nang maglingunan sila sa akin lahat.

"Liv let's go." Dinig kong sigaw sa akin ni Noah ngunit sadyang nabibingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso.

"Liv tara na!" sigaw muli ni Noah at hinawakan na ang aking pulso. Wala na akong nagawa kundi ang magpatiunod sa kaniya habang nililingon ang mulat na mulat na mata ni Neska. She was mouting something in her lips but I couldn't get to understand hanggang sa tuluyan nalang sumarado ang mga mata nito.

"Run Liv! bilis!" nakarating kami sa likod ng lumang library kaya't agad naming tinukoy ang lumang gate. Wala kaming ginawa kundi tumakbo ng tumakbo hanggang sa makarating na kami sa highway.

"Shit! Shit!" malakas na sigaw ni Noah ng salubungin kami ng mga polis cars.

"Dun!" turo niya sa magubat na tabi ng kalsada at hindi pa man ako nakakasagut ay hinila na niya ako papasok duon. Sinuot namin ang masukal na kagubatan at pinipilit ko ang sariling bilisan pa ang pagtakbo ngunit sadyang hinihingal na talaga ako at alam kong ganun din si Noah.

"We can't stop now Liv, mahuhuli nila tayo." Sabi nito at muli ay hinila ako sa pagtakbo. Huminto lang kami ng bumungad na muli sa amin ang kalsada.

"Let's stay right here, tatawagan ko muna si Julius." Naupo kami sa likod ng malaking bato at duon na nga siya nag simulang mag dial sa kaniyang cellphone.

Inilagay ko ang dalawang palad sa aking mukha at ipinikit ang aking mata. Anong nangyari? Did I just killed Neska? Hindi-hindi ko sinasadya, hindi ko akalaing tumapat siya sa shooting board ko. Pero-pero they think I killed her. Si Coach, si Hunter at yung mga estudyante, lahat sila they think I killed her. Alam naba nila? Did they think I am Olivia Dark? Ofcourse iyun ang iisipin nila ngayun. I can't go back! They f*cking kick me out of the game!

"Liv hey! Stop it! Stop it Liv!" suway ni Noah sa akin ng unti-unti kong iniuuntog ang ulo ko sa sinasandalang bato.

"They knew, they already knew I'm Olivia Dark. Noah anong gagawin ko? I killed Neska, my arrow shot her heart, I killed her, I killed her."

***

Noah POV...

Namjmuo ang luha sa mata ni Liv hanggang sa unti-unti na ngang bumagsak iyon. Kumirot ang puso ko ng marinig ang pinipigil niyabg mga hikbi. Hindi ko malaman kong paano ko pa ipapaliwanag sa kaniya na hindi niya kasalanan iyun. Kusang humarang si Neska sa shooting board and Jeff called Liv kaya hindi niya naiwasang bitawan ang palaso. Sinadya ni Neskang tumama sa kaniya ang arrow ni Liv at hindi ko alam kung anong rason niya ngunit malakas ang kutob kong pakana nanaman ito ng mga Thana. Talagang ayaw nilang makasagabal si Liv sa kanilang mga plano.

STUNNED Where stories live. Discover now