Chapter TWENTY-THREE

Start from the beginning
                                    

"Ayus naba ang pakiramdam mo Liv?" nag-aalalang tanong nito na hindi ko na pinansin pa. Deretso kaming lumabas ng hospital at sumakay ng motor.

"Teka marunong ka mag motor?" kinakabahang tanong niya.

"Makakarating ba ako dito kung hindi?"

Napa 'o' siya sa sagot ko at nag-aalangang tinanggap ang helmet sa aking kamay.

***

Lumabas ako at sinalubong ang matandang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo at leader shoes.

"It's nice to see you again, Miller."

Makabuluhang ngiti ang iginawad ni Tito Ricardo sa akin na ikina-tango ko nalang.

"Is it ready?" I asked and he nodded.

"Exactly as what your expecting."

"Did you bring it?" tumango siya saka kinuha sa bulsa ang pinakisuyo ko dito.

"If you need more, just tell me, I'll send it you." Sabi niya na kinatango kong muli. Nanatili ang titig niya sa akin hanggang sa hindi na nito napigilan ang yakapin ako.

"Diyos ko, hija, ang laki-laki mo na. Kailan lamang ng ihatid kita sa Youngville at napaka bata mo pa nuon."

Kumalas ito sa akin at pinanatili ko ang exspresiyon sa aking mukha.

"How's the company?"

"Doing well."

"I'm glad to hear that."

Pinagkatitigan muna ako nito bago muling lumapit.

"Olivia, I badly wanted to tell you something but It's not my place to do so. Your like a daughter to me-"

"Please don't." putol ko ngunit umiling lang siya.

"You can't alter that, hija. I don't want to hurt you because you're like a daughter to me, but life was meant to have twists and turns, and I can't protect you from them."

"Why don't you just tell me?"

"Things have a right moment, Liv. When that time comes, I hope you can be an open book. Ready to accept changes and people." Tiim bagang nalang akong tumango.

"Fine, thank you for this."

"No problem. I'm glad you being concerned with other people. I can clearly see how this young man changes you," aniya naman habang sumusulyap kay Noah na abala sa pagtulong sa mga taong nagpapasok ng gamit sa loob ng bahay.

"I'll go now, call whenever you need me, hija."

"I will, thank you."

Nang tuluyan ng umalis si Tito Ricardo ay pumasok na ako sa loob.

"Kuya, mayaman naba tayo?" tanong ni Messy na agad kinatawa ni Tita Norma.

"Baliw, bahay yata ito ng girlfriend ni Noah," dinig kong bulong ni Julianna na bakas ang inis duon. Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi nito.

"Wag po kayong mahihiyang umutos sa mga guards Ma, kung maykailangan kayong bilhin sa labas at kung maaari wag kayong lalabas ng village na ito. May driver naman po na mag susundo sa mga bata sa school pati sa pag-pasok nila." Tiim bagang na bilin ni Noah sa ina.

"Tatandaan ko anak, basta ipangako mong walang masamang mangyayari sa iyo. Ninenerbyos ako sayo anak, ganyan na ganyan ang sinabi ng papa mo sa akin bago niya tayo iniwan."

Hinaplos ni Tita ang mukha ni Noah saka marahang hinalikan ang pisngi nito. Si Noah naman ay napakagat sa labi at mariing tumango.

"Tandaan mo, Ma. Huwag na huwag kang tatawag sa amin please, wag din po kayong magbubukas ng pintuan, ang mga guards ang gagawa nuon para sa inyo. Juliana please take care of my Mom. Pag may kailangang gawin, tell the guards, they know what to do, okay?" agad na tumango si Tita saka muli silang nagyakapan.

STUNNED Where stories live. Discover now