Rukawa the Suitor - Part III

Magsimula sa umpisa
                                    

Natapos ang second half ng laro at napababa nila ang lamang ng Shoyo sa 9. Naglalakad kayo papuntang changing room pero biglang may humila sayo.

"Hi [y/n]."

"Oh Kyota, bakit?"

"Wala lang. Gusto lang sana kitang makausap. hehe."

"Hahaha! Ikaw talaga. Sige tara dun, ako naman manglilibre sayo! :)"

Nagpunta kayo sa may vending machine.

"Anong gusto mo Kyota?"

"A-ahh, Pocari sweat nalang [y/n]. Salamat."

Bingay mo ang inumin sa kanya at naupo kayo.

"Kamusta nga pala ang laban ng Shohoku?"

"Ayos naman, lamang lang ang Shoyo. Pero naniniwala akong kaya nila yun."

"Mahirap talunin ang Shoyo, kahit daw sina Captain Maki dati ay nahirapan din, pero syempre, sila pa din ang panalo."

"Kaya nga eh, pero naniniwala akong kaya nila yun. Para sa pangarap ng Kuya kong Hisashi, at syempre nina Captain Akagi at kuya Kogure."

"Te-teka! Kapatid mo si Hisashi Mitsui?"

"Haha oo! Di ba halata? Hawig kaya kaming dalawa!"

"Aah! Oo nga no! Pareho kayo ng mata at ngiti! Girl version nga lang!"

"Hahaha! Alam mo ba, sobrang pinagmamalaki ko yang si kuya! Sya ang pinaka mabait at pinakagwapong kuya! Kahit na minsan sira ulo, mahal ko pa din yun!"

"Tapos mo na ba akong ipagmalaki [y/n]?" Nakaismid na sabi ng Kuya mo.

"Kuya! Kanina ka pa ba dyan? "

"Oo, at narinig ko ang mga sinabi mo." Lalo pang lumawak ang ngiti ng kuya mo.

"Ang laki nanaman ng ulo mo kuya! Pasalamat ka mahal kita!"

"Hahaha! Oo na! Mahal din kita!! Kaya tara na!"

"Hahah. Alam nyo, kung di ko lang alam na magkapatud kayo, mapagkakamalan ko kayong nagsyota!" Singit ni Kyota.

"Hahaha. Sige, bye na Kyota!" Sabi mo at lumapit kay Mitsui at inakbayan ka nya.

"Kita nalang tayo sa Finals!" Sabi ni Mitsui.

"Sige! Pero pasensya na Kuya, tatalunin kita!" Mayabang sabi ni Kyota.

Naglakad na kayo pabalik ng court.

"Kuya daw! Ts. Di kami close no! Wag akong matawag tawag na kuya nung mayabang na yun! Ts."

"Hahaha! Kuya talaga oh!"

"Mitsui! Madali ka, mag sisimula na!" Sigaw ni Akagi. Agad namang tumakbo si Mitsui sa loob ng court. Naupo ka sa bench katabi ni Ayako.

Maganda ang ipinakita ng Shohoku, pero lamang pa din ang Shoyo. Limang minuto na lamang ang natitira sa laban ng mapansin mong sumasakit na ang tuhod ni Mitsui.

"K-kuya.."

"Kilala mo ang kapatid mo [y/n]. Kapag nagiging dehado ang laban ay mas gumagaling sya." Sabi saiyo ni Coach Anzai.

"Alam ko po iyon Coach pero sa tuhod nya po ako nagaalala."

"Wag kang mag-alala [y/n], kaya yan ni Mitsui." Sabi sayo ni Ayako.

Ngumiti ka sa kanya. Nang matapos ang huling limang minuto ng laban ay nanalo ang Shohoku.

Nagtatalon sa tuwa ang buong Shohoku team.

"Kuuuuyaaaaaaaa!! Ang galing mo!! Congratsss!" Yumakap ka sa kanya.

"Ako pa ba? [y/n]? Hahahah"

When Kaede Rukawa Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon