CHAPTER 37

5.6K 194 22
                                    



Ang naka-simangot na mukha ni Serenity ang nabungaran ni Primo pagka-gising niya, nasa kama na siya pero dito pa din sa magiging nursery room ng anak nila. And speaking of magiging anak nila, he remembered everything. He remembered what he saw inside of the cabinet, the reason why he passed out. Pero bago pa siya makapag-salita ay kinurot naman na siya ng asawa. 





"Nakakainis ka! Ganyan ka na lang ba lagi ha? Lagi ka na lang hinihimatay." Inis na inis na sabi ko, parang nakakatamad na siyang sorpresahin sa susunod dahil lagi siyang nahihimatay kapag may importante akong bagay na sinasabi sa kanya. At ganito din ang nangyari sa kanya no'ng sabihin ko sa unang beses na mahal ko siya diba? He also passed out that time! Tapos heto na naman!



Doon naman bumangon ang alkalde at muling binuksan ang cabinet na naroon. He saw again what inside of the cabinet, hindi naman halos lahat ng mga damit at iba pang gamit ay kulay pink pero isa lang talaga ang tumatak sa isip niya na magiging babae nga ang anak nila. Nakita niya ang iba't-ibang damit na maliliit na pang-babae, he even saw some mittens and socks that color pink and violet too. Pati nga maliit na sapatos ay mero'n din doon. 



"Were really having a baby girl Serenity?" Muling tanong ni Primo sa asawa kahit pa obvious na obvious naman, still he want to hear it again from her. 



"Yes, and ngayon pa lang binabawi ko na ang sinabi ko na sasamahan mo ako kapag nasa loob na tayo ng delivery room kapag manganganak na ako dahil baka mauna ka pang himatayin kesa akin." Imbes na ako ang mang-surprise ay ako pa ang nataranta ng bumagsak na lang siya kanina sa sahig. Kaya naman lumabas ako agad ng kuwarto at nagtawag ng mga bodyguards niya para mabuhat siya sa kama. 



Niyakap ni Primo si Serenity ng mahigpit, nawala na talaga ang pagka-tampong nararamdaman niya dito at napalitan na 'yon ng excitement. "Aabsent ako bukas sa munisipyo, mamili na tayo ng gamit ng baby natin bukas." Sabi niya dito ng tingnan niya ang asawa. 



"Anong mag-absent? Hindi ka puwedeng mag-absent no!" Sabi ko agad, he's happy. Kitang-kita ko ang ningning sa mata niya ngayon hindi katulad kaninang umaga na para bang nalugi siya ng milyones. "Babae ang magiging anak natin, handa ka na ba do'n?"



Mabilis namang umiling si Primo, he's not really ready to have a daughter. Lalo pa at ang pinag-dadasal niya talaga ay maging lalake sana ang una nilang anak. "I'm not wife, I'm praying that hopefully our first baby will be a boy pero hindi nangyari." Sabi niya dito. 



"Pero sure na sure na talaga 'to Primo, babae talaga 'to." Hindi naman dissapointed ang boses niya pero natural lang siguro na gusto ng lalake na maging lalake din ang anak diba?



"But I'm happy, I'm so happy Serenity but in the same I'm scared too." Pag-amin ni Primo, naupo siya sa kama at hinila ang asawa hanggang sa mapaupo ito sa hita niya. Hinawakan niya ang tiyan nito at hinimas 'yon, parang nakakatakot lang kase na isipin na babae pala ang anak nilang mag-asawa. "Parang naiisip ko kase ngayon pa lang na lumalaki siyang maganda katulad mo tapos may mang-liligaw sa kanya. At natural hindi ako papayag na ligawan lang siya ng kahit sino."



"Primo!" Hinampas ko nga na naman siya ulit. "Ano ka ba? Hindi pa nga ako nanganganak tapos 'yan na agad ang iniisip mo?" 



"Of course, our daughter will surely be beautiful like you wife, at syempre iba ang magiging pag-alaga natin sa kanya lalo na ako dahil nga babae siya."





Oh God parang nai-imagine ko na magiging istriktong tatay si Primo ngayon pa lang. "Wag mo nga muna isipin ang tungkol diyan okay? Basta ang mahalaga healthy ang baby natin at maging normal ang deliveryo ko sa kanya." 



"Pero 'yon talaga ang iniisip ko, hindi talaga malalapitan ng kahit sino mang lalake ang magiging anak natin. I will protect our daughter at all cost, and I will treat her like my little princess." Sabi pa ng alkalde, at ngayon pa lang talagang iisipin na niya na dapat tumagal ang buhay niya. Alam naman niya at tanggap din naman niya na mas matanda siya kay Serenity pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi niya na maabutan ang paglaki ng anak nila. He will make sure now that he will have a long life, ng sa gano'n ay silang mag-asawa mismo ang gagabay sa anak nila hanggang sa lumaki ito. 



"At mukhang sa sinasabi mo pa lang ngayon ay magiging istrikto kang tatay." Tumayo na ako sa pagkakaupo sa hita niya, kahit naman hindi niya sabihin na bumigat talaga ako ay alam ko pa din 'yon syempre. Kinuha ko ang damit na kinuha niya sa loob ng cabinet kanina. Dress 'yon at ang cute cute din naman talaga.






"Madami pa akong hindi nabibiling gamit Primo ng baby natin, at kaya ko din sinabi sa 'yo kung ano ba ang magiging gender ng baby ay para kapag wala kang pasok tayong dalawa na ang mamimili ng gamit niya." Madami pa kase talagang kulang, lalo na 'yong mga crib, higaan ng baby, unan at kung anu-ano pa. Pati pala diapers ay dapat makabili na din kami. May listahan kase ako ng kung anu-anong dapat bilhin at kung ano ang dadalhin namin sa ospital at 'yon ang mga wala pa. 





"Yes sasamahan talaga kita at sa Sabado na tayo mamimili. And papa-pinturahan pala natin ulit itong kuwarto. Gusto ko violet pero kung gusto mo naman ng kulay pink ay ayos lang din naman sa akin. We need to paint the wall of this room Sweetheart, 'yong bang pang-babae talaga." Sabi pa ni Primo na nai-imagine na niya ang gusto niyang ipagawa dito sa loob ng kuwarto.





"Palalagyan ko din ito syempre ng cctv ng sa gano'n kahit may pasok ako sa office ay makikita ko pa din kung ano bang nangyayari dito habang wala ako at nasa munisipyo ako. At padadagdagan ko din pala 'yang  cabinet na pinagawa mo dahil siguradong kukulangin 'yan oras na bumili pa tayo ng ibang gamit ng baby natin. Or magpalagay na lang din kaya tayo ng walk-in closet dito?"





Pinulot ko 'yong mga pinag-lagyan ng mga pinag-oorder kong gamit, puro maliliit lang naman 'yon dahil damit lang ang mga inoorder ko. Mukhang mas malala pa sa akin si Primo sa pag-iisip ng gagawin dito sa kuwartong 'to. "Puwedeng pink and violet Primo, may nakita akong nursery room sa internet na gano'n ang kulay at maganda din talaga siya."



"Eh di 'yon na lang, or kung gusto mo kumuha tayo ng interior designer para mas okay ang kalabasan ng kuwarto na 'to?"



"Primo! Anong interior designer pa ang pinagsasabi mo diyan? Hindi na kailangan 'yon no. Saka ayokong gumastos tayo ng malaki." Sabi ko sa kanya, kaya nga hindi ako bumili ng mga branded na gamit dahil alam kong sandali lang 'yon masusuot ng baby namin. Mabilis kase lumaki ang mga bata ngayon at kaliliitan lang nila agad ang mga damit. Tapos siya naman gusto pang kumuha ng interior designer at siguradong mapapagastos lang talaga siya kapag gano'n. 





"So? I don't care if we spend money for interior designer wife, I want the best for our daughter isa pa 'yan kase ang unang natin kaya ganito lang ako ka-excited." Sabi din ng alkalde, hindi nila kailang pagtalunang mag-asawa ang pera dahil marami siya no'n. 



"Alam kong marami kang pera Primo pero hindi naman na natin kailangan 'yon, basta dapat mag-sipag ka pa ng husto sa trabaho dahil magastos ang magka-anak." 



"I know, mag-dodoble kayod talaga ako para mabigay sa inyo ang mga kailangan niyo." Ani ni Primo na tinulungan na lang din ang asawa sa pag-liligpit ng kalat doon. 





"Dapat lang, lalo na at kambal ang magiging anak natin." Sabi ko sa kanya habang naka-pameywang, nginitian ko pa nga siya ng ubod ng tamis pagkasabi ko no'n. 





"Come again? Ulitin mo nga Serenity?" Parang bumilis lang ulit ang pagtibok ng puso ni Primo, dahil maayos naman ang pang-rinig niya at rinig na rinig niya ang sinabi sa kanya ng asawa kani-kanina. 



"Ang sabi ko kailangan mong mag-sipag sa trabaho dahil kambal ang magiging anak natin, dalawang babae Primo."



"Ohhh shoot!" At muli tuloy bumagsak ang alkalde sa sahig at nawalan na naman ng malay.




#maribelatentastories

Call Me Mayor Book 02Where stories live. Discover now