"Maaga pa, umaga pa lang kaya magsilayas muna kayo dito sa opisina ko. Saka kakainom lang nating no'ng Linggo ah kaya sa susunod na lang ulit." Ani ni Primo, doon pa nga sila sa yate niya nag-inuman eh. At sa gitna pa talaga sila ng dagat, he's really enjoying the yatch he recieved from his friends. Pero hindi pa nila nabibinyagan 'yon ng asawa niya kaya sana bago ito makapanganak ay makapag-overnight man lang silang mag-asawa doon.




Pinag-patuloy niya ang pag-pirma ng mga papel na nasa ibabaw ng lamesa niya. He have lots of paper works now, 'yong iba dito ay kahapon pa talaga nandito sa office niya pero dahil nag-ikot siya sa Santa Clarita ay hindi niya 'yon natapos. 



"Parang bad mood ang Mayor namin ah, ano? wala kang sexy time no?" May pang-aasar pa sa boses ni Elijah. 




Agad naman dinampot ni Primo ang kulay brown na folder na nasa lamesa niya din at hinampas 'yon sa kamay ng kaibigan. "Shut up! tigilan niyo na nga ako at umalis na kayo." 
Masungit niyang sabi dito.



Nagtatawanan tuloy na umalis ang dalawa sa office ni Primo, mukha ngang badtrip talaga ito dahil hindi talaga nagpatinag kahit anong pag-aaya pa nila na uminom sana sila. Bandang ala una ng hapon naman ng makatanggap si Primo ng text message mula sa bodyguard na naka-assign sa asawa niyang si Serenity. Pauwi na daw ang mga ito sa mansyon niya kaya naman bigla siyang napatawag dito dahil baka kung ano ng nangyari. But Serenity assured him that she's okay, and she just went home early to rest. Kahit naman nagtatampo siya dito dahil nga hanggang ngayon ay hindi pa din niya alam kung lalake ba o babae ang magiging anak nila ay ito pa din talaga ang priority niya. Ayaw naman niya itong pilitin na sabihin sa kanya ang gender ng anak nila kahit pa may karapatan talaga siya tungkol doon dahil inaalala lang niya na baka pagtalunan lang nilang mag-asawa ang tungkol doon. 



Suarez mansion..

I smiled after I put the last baby clothes inside of the cabinet, finally natapos ko na din sa wakas ang pag-aayos ng mga gamit. Ito talaga ang dahilan kung bakit umuwi ako ng maaga, gusto ko ng mag-ayos ng mga gamit na inorder ko lang online na natambak na sa bakery. Doon ko kase pinapa-deliver ang mga inoorder ko dahil baka kapag dito sa mansyon ay makita pa ni Primo ang tungkol dito. Actually itong cabinet lang naman talaga ang inuna kong ayusin at kay Primo ko na ipapagawa ang iba, gusto ko dalawa kaming mag-ayos ng kuwarto na 'to ng magiging anak namin.




But when I heard someone opened the door I looked at my back only to see my husband. "Primo.."  I called his name and smiled at him, hindi ko na namalayan at anong oras na pala dahil naka-uwi na siya. 




"Kanina pa kita hinahanap pero wala ka naman sa ibaba at saka kuwarto natin, 'yon pala nandito ka lang." Naka-pamulsa na sabi ng alkalde, maraming plastic at maliliit na kahon ang nakakalat sa sahig at siguradong dito ang asawa sa magiging nursery room ng anak nila ito nag-lagi simula pa kanina. Hindi na siya pumunta sa bahay ng kaibigan niyang si Noah kahit panay ang tawag nito sa kanya kanina, dahil ang mga loko-loko niyang kaibigan ay talagang nag-inuman pala talaga kasama si Garreth. He went straight on their home because he's worried about his wife, baka kase may masakit dito kaya umalis agad sa bakery kanina at hindi lang nagsabi ng tawagan niya. 




"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya matapos ko siyang lapitan, hindi niya kase ako kanina kinakausap no'ng ihatid niya ako sa bakery at alam ko naman kung bakit. 



"I'm not mad Serenity, pero nagtatampo ako sa 'yo." Pag-amin ng alkalde, hindi niya magagawang magalit sa asawa at 'yon siguro ang huling puwedeng mangyari. 



"Sorry na alam ko naman na naiinis ka na sa akin dahil hindi ko pa sinasabi sa 'yo kung babae ba o lalake ang magiging anak natin." Naka-labi na sabi ko sa kanya sabay yakap na din sa beywang, I smelled his perfume at pang-lalake talaga ang amoy ng pabango niya pero hindi gaya ng iba na masakit sa ilong dahil 'yong kanya ay mabango. 




"Alam mo naman pala na naiinis ako pero hindi mo pa din sinasabi sa akin hanggang ngayon." Hinimas ni Primo ang buhok ni Serenity at saka kinintilan ito ng halik sa noo. Wala na tanggal ang inis niya at tampo niya dahil niyakap na siya nito. 




Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Halika may ipapakita pala ako sa 'yo." 




Pinuntahan nilang dalawa ang bagong gawa din na cabinet na napipinturahan ng kulay puti.


"Buksan mo." Turo ko sa cabinet na nasa harapan namin. 




"Why? Okay naman ang pagkakagawa nito ah, nakita ko na 'to kaninang umaga and this one was really furnished."
Ani ni Primo, ito daw ang lalagyan ng mga gamit ng anak nila na hanggang ngayon naman ay wala pa din laman.



"Basta buksan mo nga muna." Sabi ko pa ulit sa kanya. 




So he did, Primo opened the cabinet infront of them and he felt his heart beat stop after he saw what's inside of it. At napatingin na lang siya tuloy kay Serenity pagkatapos. "Y-You mean?" Kinuha pa niya ang isang damit doon na naka-hanger, kulay pink 'yon na may touch ng kulay violet at pinakita din sa asawa. 



"Yes, we will have a baby girl Primo." Parang maluluha na sabi ko. 

"Oh God, baby girl huh?" There is amazement on his voice while looking on the little dress he's holding and to his wife Serenity. Babae ang anak nila! Babae ang una nilang anak!


Pero napatili na lang si Serenity ng matapos niyang makita na tuwang-tuwa ang asawa ay bigla na lang itong hinimatay at bumagsak sa sahig.


#maribelatentastories

Call Me Mayor Book 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon