• • • • • • • • • •

"Jared," hinila ko ang jacket niya.

Nilingon niya ako at mabilis na nagpaalam kay Gail para kausapin ako. "Po?"

Pinaglaruan ko ang dulo ng jacket niya at medyo ngumuso, "Tambay tayo sainyo?"

Namilog ang mga mata ni Jared at medyo napakunot ang noo ko. "Tayo?" tanong niya.

"Oo.." sagot ko bago humakbang papalapit. "Ako, ikaw... sila Ethel." Pumameywang siya at napahinga ng maluwag. Tinignan niya ako na para bang sinasabing Really, Adrian? kaya mas lalo akong nag taka. "Bakit?"

"Wala, wala," sagot niya bago basain ang labi niya. Napatingin ako doon sabay sa nunal niya sa pisngi na lumubog sa dimple niya nang kagatin niya ang labi niya. "Yeah sure, let's go."

"Saan kayo pupunta?" tanong ng isang mahinhin na boses. Napatingin ako sa kamay niyang bumalot sa braso ni Jared. Naiyukom ko ang kamao ko at binitawan na ang jacket ng kaibigan ko.

"Tatambay," sagot ko bago itinuro si Jared. "Sakanila."

Tumingala si Gail para matignan si Jared, "Sama ako." Sabi niya dito.

HINDI KA NAMIN KA-CLOSE!

Itinaas ko nalang ang dalawang kilay ko at naglakad palayo, "Pupuntahan ko si Asher," sabi ko para marinig nilang dalawa at hindi mag mukhang nag walk out lang ako.

Tumigil ako sa pinto ng classroom nila Asher at idinikit 'yung pisngi ko sa gilid ng pinto. Nakita ko kaagad siya, izini-zipper na niya ang bag niya. Nag angat siya ng ulo at nagtama ang tingin namin. Ngumiti siya sabay naglakad papalapit sakin.

"Hi," bati niya bago ako halikan sa noo.

Isinandal ko 'yung likod ko sa may frame ng pinto sabay tumingala para matignan siya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaglaruan 'yung mga daliri niya.

"Hello," bati ko pabalik.

"Uwi na tayo?" tanong niya. "Tatambay daw sila James sa bahay. Gusto mong sumama?"

Napa pout ako. Gusto ko pero may plano na din kami ng mga kaibigan ko. "Tatambay kami kila Jared e."

Nangunot ang noo niya sabay itinaas ang isang kamay niya para alisin 'yung mga buhok ko na nakaharang sa mata ko. "Aaah ganun ba," mahinang sabi niya.

Itinaas ko 'yung kamay ko at tinanggal 'yung pilik mata niya sa pisngi pati na din 'yung maliit niyang muta. "Oo, kami kami nila Ethel."

"Anong block ulit 'yun?"

"Nineteen po."

"Hindi kayo mag pupulang jeep?"

"Hinde," sagot ko. "Dilaw muna sabay puti."

Tinignan niya akong mabuti, "May payong ka?"

"Wala..."

Hinawakan niya 'yung hood ng jacket niya na suot suot ko at inilagay 'to sa may ulo ko. "Isuot mo 'to ah," aniya habang ginagalaw galaw 'yung kamay niyang nakahawak parin sa ulo ko. "Wag kang magpapa ulan."

Hindi ko mapigilang hindi ngumisi ng pagka lawak lawak, "Opo itay."

Nag make-face siya kaya naman napatawa ako. "Sige na pala, hinihintay na nila ako sa baba. Mag ingat ka," at nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ako sa baba sabay hinalikan.

Napako ako sa aking kinatatayuan at saglit kong nakalimutan kung paano huminga. Oh my shit. Pinanood ko ang bulto niyang naglalakad na palayo sakin sabay ang pilyo niyang ngiti nang lingunin niya ako.

Nag-kissー kiniss niyaー edi baー diba friends nalang kami?!

Napasandal ulit ako sa pinto at nanlambot ang mga tuhod ko. Nanginginig ako sa kilig at pakiramdam ko any moment ay sasabog na ang puso ko.

Inilabas ko ang phone ko at naisipang i-text siya. Habang kinikilig pa ako ay magpapaka tanga na muna ulit ako.

ADRIANNA: miss you agad :(

ASHER: Aww
ASHER: Haha
ASHER: Sama ka nalang kase sakin

ADRIANNA: kung pwede lang

ASHER: Bakit naman hindi?

"Gomez!" rinig kong pagtawag ni Ethel. "Bilisan mo habang mahina pa 'yung ulan!"

Tumingin ako sa may labas at nakitang tumila na nga ito saglit pero alam kong mamaya ay malakas nanaman 'to.

"Okay! Wait lang," sabi ko at nag type ulit ng reply.

ADRIANNA: may lakad na nga kasi ako :/

Ibinulsa ko na 'yung phone ko at bumalik sa sarili kong classroom para makuha 'yung bag ko. Hindi ko pa pala naligpit ang mga gamit ko at nawawala nanaman ang bago kong HBW. Lintek! Sayang ang limang piso.

Tinignan ko ulit 'yung phone ko nung papalabas na ako ng room pero agad din 'tong binulsa nang makita kong wala pang reply si Asher.

"Asaan na si Tris?" tanong ko kay Kei.

"Sinama ni Jared sa canteen," aniya. "Ibibili niya daw lahat ng gusto, sumama lang."

"Eh si Gail? Sasama?"

"Hindi," nakanguso niyang sagot. "Ayaw ni Jared isama."

Napataas ang kilay ko, "Bakit daw?"

"Ma o-op lang naman siya satin e," sagot ni Kei. "Mabait siya oo, pero obvious naman na hindi siya feel ng barkada."

"Ahhh," YES YES YES! "Oo nga naman." YES PAKYU LABANOS!

"Tara na?" aya ni Ethel habang sinusubukang buksan 'yung payong niya.

"Mamaya mo na buksan 'yan babe kapag nasa labas na," sabi sakanya ni Angelo bago kunin 'yung payong sa girlfriend niya.

Inayos ko 'yung bag ko, "Asan na si Kris at Henry?"

"Nasa CR," sagot ni Angelo. "Ayaw daw sumama ni Henry eh."

"Ha? Bakit daw?" tanong ko pero hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nagdire-diretso ako papunta sa kabilang hagdan at bumaba ng third floor papunta sa banyo ng mga lalaki.

Bukas ang pinto at nakita ko si Henry at Kris na nag uusap sa loob. Pumasok ako at halatang parehas silang nabigla.

"May nag dadasalsal jan sa isang cubicle Adrian! Anong ginagawa mo dito?" ani Henry.

Napatingin ako sa cubicle sa dulo at narinig ang nabiglang ungol ng kung sino man ang nasa loob. Hindi niya siguro alam na may nakaka alam ng ginagawa niya doon sa loob.

Tinakpan ko yung ilong ko at ginamit 'yung isang kamay ko para hilain si Henry palabas ng banyo, si Kris nakasunod lang.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Henry.

"Kila Jared."

Sinubukan niyang hilain 'yung kamay niya pero hinigpitan ko lang ang kapit sakanya. "Ayokong sumama!"

"Halika na," sabi ni Kris bago kunin 'yung isang kamay niya.

"Ayoko ngang sumama!"

"Maraming pagkain doon," sabi ko sakanya.

"Tangina! Mukha ba akong patay gutom?!"
Sabay namin siyang nilingon ni Kris at agad siyang natameme.

"Sasama ka sa ayaw mo't sa gusto."

"Magagalit sakin si Mama! Pinapauwi na ako," sabi niya saamin.

"Tut mo bulok," sagot ko. Si Henry? 'Di pinayagan ni Tita? Kahit yata 'di umuwi 'yan ng ilang araw hindi hahanapin e.

Pagdating namin sa canteen, nandoon na sina Ethel. Naramdaman kong kumapit si Henry sa uniform ko at parang nagtatago sa likod ko. Samantalang si Tris, proud na proud na nakakapit sa braso ni Jared, sandamakmak na lollipop ang nasa kamay niya at may hawak pang plastic ng chichirya.

Nag ngitian kami ni Jared, "Tara boss?"

"Tara."

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now