SCENE 3

52 5 0
                                    

Peyton nodded her head vigorously habang may hawak hawak siyang beer sa kamay niya. She's sporting the white shoes that her Ate Cohen had given up, paired with a tattered jeans and a white hanging shirt.

The music inside the club is blasting and she's dancing to it habang may kasayaw siyang babae sa harap niya. The woman grinded on her body and Peyton looked at her friends across the other side. Nakaupo ang mga ito sa couch na nasa gilid.

She smirked and lifted her left eyebrow playfully. Naka-thumbs up naman na ngumiti sa kanya si Hange.

The woman she's dancing with is the captain of the St. Benild University. Ito ang kalaban na captain ng kapatid niyang si Wren. She just wanted to help her little sister win the game by distracting the young woman dancing next to her.

Hindi niya akalain na baliko din pala ito. Mas madali sa kanya ang bagay bagay.

She held the young woman's hips gently and grinded too. Unti unti nang umiinit ang pakiramdam niya habang ginagawa nila iyon. Cherry held her nape and Peyton wetted her lips.

Maganda din ito. Mapula ang labi. Those fox-like eyes can be quite sexy lalo na kapag lumamlam ang mga mata nito. And Peyton wanted to see those brown eyes rolled inside her eyes kapag pinaungol niya na ito mamaya.

"Let's go somewhere else?" Peyton made sure her voice sounds sultry nang sabihin niya iyon. The young woman nodded her head and they almost stumbled nang hawakan nito ang balikat niya para suportahan ito.

She quickly made a thumbs up in her friend's ways. Nakita niya ang pag simangot ni Oreo nang ibigay nito ang pera kina Kara at Hange na nag hati pa.

Iiling iling na sumama siya sa babae nang hilain nito ang kamay niya palabas ng club. The woman quickly kissed her on the lips nang makalabas sila sa pintuan ng club. The bouncers didn't even look at them. Mukhang sanay na ang mga ito na makakita ng mga kabataang nag hahalikan sa parteng iyon ng club.

She pulled Cherry closer and moaned. "God you are so beautiful. Ang sarap mo din."

The young woman giggled. "Masarap ka din, Del Rio. Though I like your sister. Hindi naman pala masamang magustuhan ko ang ate niya."

Sa sinabi nito ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. May gusto ito kay Wren? Kaya ba lagi nitong binabantayan ang kapatid niya? Basketball is a physical game. Ginagamit ba nito ang pagkakataon para chansingan ang kapatid niya?

Kumunot ang noo niya pero agad din siyang nakabawi. The more she needs to let this woman be crazily obsessed with her then.

Isinandal niya ito sa pader at agad na hinalikan ang leeg. She let her tongue moved up and towards the woman's earlobe. Her perfume didn't smell sweet matapang ang amoy ng pabango nito but she doesn't care. Muli niyang siniil nang halik ang babae. And she slowly caressed Cherry's thighs. Inangat niya ang mga kamay niya hanggang sa makapa niya na ang dulo ng panty nito.

Cherry panted and Peyton smirked. She was about to set aside the small clothing when they heard a slap. It echoed across the dark side of the club where they are. Kahit ang kasama niyang babae ay napatingin din sa deriksiyon nang tunog.

Kumunot ang noo niya.

Napatigil siya at nabitawan ang babae nang makita ang isang pamilyar na mukha. Kahit naka side view ito ay alam niyang kilala niya ito.

Blake?

Nakita niya ang pag punas nito sa mga mata nito gamit ang panyo niya. Nakaharap ito sa isang lalake na kunot na kunot ang noo habang hawak ang pisnging nasampal ni Blake.

Kumuyom ang kamao niya.

She walked towards the two pero natigilan siya nang hawakan siya ni Cherry. Cherry looked at her shaking her head. Naipinid ni Peyton ang bibig niya. She grinded her teeth hard. Napapikit din siya saglit. Should she really intervene?

"Why are you doing this huh? Ano bang ginawa kong kasalanan sayo?"

She heard Blake said and it broke Peyton's heart. Puno ng sakit ang boses nito nang sabihin iyon.

"Why are you accusing me of cheating?! Hindi ba't napag usapan na natin to! My god, Blake! I didn't cheat! For the third time you keep on saying that!" Umangat ang kamay ng lalake at tumigil sa ere ang kamay nito.

She saw how Blake flinched.

"Then why did you kiss her?"

"She kissed me! That's different!"

"No. It's not! Kung ayaw mo nang kiss niya. You could have avoided that!"

"Umuwi na lang tayo! Nakakahiya ka kasama! Napaka kill joy mo!"

Bullshit! Peyton couldn't help herself. Inalis niya ang kamay ni Cherry at mabilis na nag lakad papunta sa dalawa. She was just in time when she saw the guy's hands came down to Blake's shoulder. Nakita niya ang pag ngiwi ni Blake kaya naman hinawakan niya ang kamay ng lalake para alisin iyon.

The guy looked at her with a scowled on his face.

But Blake's crying had stopped nang makita siya nito. Malalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Nagtagis ang bagang ni Peyton. Shit. The audacity of this guy to make Blake cry! He didn't even compare to how much she looks if she becomes a man.

"W-Who are you?!"

"Peyton...." Blake shook her head.

"Why are you doing this to her?" Peyton ignored Blake's pleading voice. "If you don't love her then don't make her hopes high. Iwan mo siya."

The guy scoffed and he forcefully yanked his hands out of hers. "W-Wala kang pakialam! Let's go!"

"Can't you see that she's crying! Ano bang klaseng lalake ka?!" She pushed the guy's shoulder.

Nag init ata ang ulo nito. Kaya umangat ang kamay nito but he got another thing coming. Hindi siya nag aral ng martial arts sa wala.

So instead of simply avoiding his punched. She grabbed it and quickly used his weights to flip him over.

Agad na dinaluhan ito ni Blake.

"Are you ok?"

The guy groaned but then pushed Blake's hands aside. Masama naman ang tingin na ipinukol sa kanya ni Blake bago nito hilain patayo ang lalake.

The guy scowled at her and Peyton raised her eyebrows at him.

Lumarawan ang inis sa mukha nito. He grabbed Blake again and this time. Blake didn't look back at Peyton. Sumunod lang ito sa boyfriend nito hanggang sa makapasok ito sa loob ng sasakyan.

Peyton bit her lip hard. Dapat pala hindi siya nakialam but seeing that face crying made her want to kick something. Pero wala siyang magagawa kung gusto pa din nitong sumama sa bugok nitong boyfriend.

"Hey. Ayos ka lang? Bakit ka pa kasi nakialam?"

Cherry held her hands. Napatingin siya doon. Peyton sighed. Hindi niya din alam bakit siya nakialam but she knew that Blake doesn't want that. Bakit ba ito nag s-stay sa isang relasyon na napaka toxic? Magaling ba yung lalake? O mahal na mahal lang talaga ito ni Blake?

"I'm ok. I think she needed help kaya nakialam ako. You never know who you save from abuse if you meddle."

"Pero delikado pa din yun." Cherry looked at the car that drove past them.

Peyton put a hand inside her jeans. Napabuga siya ng hangin. Bigla siyang nawalan ng gana.

Lintek. Why would Blake want that shrimp man?

Del Rio Series 2: Peyton Del Rio - On GoingWhere stories live. Discover now