♥️Chapter 45♥️

218 9 0
                                    

Isang buwan na ang nakakaraan ng mag explain ako kay Dan at maging okay kami lalo na sa mga anak namin, pero hindi niya pa rin ako totally napapatawad at syempre ginagawa ko ang lahat ng pwede kung gawin palagi ko siyang binibigyan ng flowers at time lalo na pagdating sa kambal

"Anak lets go na malalate na kayo sa school" saad ko pagkadating sa bahay nila

"Yes Daddy" sigaw ng dalawa na nasa hapag at kumakain pa

Ako ang palaging nag hahatid at sumusundo sa kanila kahit na may trabaho ako sabi ko nga noon at pangako ko na babawi ako sa kanila sa lahat lahat

"Nasaan po si Danica Nanang Belen, pumasok na po ba siya sa company?" tanong ko kay Nanang

"Nasa taas sa kwarto niya, hindi pa bumababa masakit daw ang ulo niya at tinatamad" saad ni Nanang

"Ahh sige po akyatin ko muna" ako at pumunta na sa taas

Pagbukas ko ng pinto ay nakahiga nga siya at tulog na tulog, mag aalas 7 na tulog pa rin siya hindi naman siya tanghali kung gumising ah

"Love gising na, hindi ka ba papasok?" bulong ko ng makalapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo

"Love love mo mukha mo" pagsusungit niya

"Ang aga aga nagsusungit ka na naman" ako at naupo sa gilid ng kama

"Hindi ako papasok tinatamad ako at ang sakit ng ulo ko nahihilo pa ako" saad niya

"Palagi nalang ata masakit ang ulo mo at nahihilo, magpacheck up ka na kaya" ako at hinaplos ang buhok niya

"Ayuko dito lang ako gusto ko magpahinga" saad niya

" Sige kumain ka na tsaka magpahinga ulit, ihahatid ko na sa school yung dalawa" saad ko at tumango lang siya

Bumaba na nga ako dahil hinihintay na ako ng dalawa at malalate na rin sila sa school, pinasakay ko na sila ng kotse tsaka ko na ito minaneho

"Daddy okay lang ba si Mommy?" tanong ni Dussher

"Masama daw ang pakiramdam niya anak at nahihilo rin" saad ko

"Palaging sinasabi ni Mommy na nahihilo siya" Devonne

"Alagaan mo po muna kaya si Mommy Daddy" si Dussher

"Oo nga po Daddy" Devonne

"Oh sige aalagaan ko ang Mommy niyo" ako

Hanggang sa nakarating na nga kami sa school at sinamahan ko pa sila hanggang sa tapat ng room nila

"Good luck babies and take care, I love you" ako

"We love you too Daddy" sagot nila at niyakap ako

"Sige pumasok na kayo" ako

"Babye po" sila at pumasok na

Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko ay biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si Danica

"Hello my love, bakit?" ako

"Nasaan ka?" tanong niya na parang umiiyak

"Nandito ako sa school ng kambal, bakit anong problema? umiiyak ka ba?" nag aalala kong tanong

"Bumalik ka dito" saad niya at nagsimula ng umiyak

"Shhh stop crying pabalik na ako diyan" saad ko bago ibaba ang tawag

Nagmaneho na nga ako pabalik at pagkarating ko ay agad kung tinungo ang kwarto, nakita ko siyang umiiyak habang nakasandal sa headboard ng kama

"Hey whats wrong?" tanong ko at nilapitan siya

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now