Nakapantalon siya. Tulad ko, nakaplain white t-shirt din siya. He is also wearing a cap.

"Gusto ko DQ." Tuwang sambit ko kay Jai.

Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagkarga no'n.

"Okay. Prepare to go in hell then." Sagot niya at nag-umpisang maglakad.

That means he'll drive us to Tarlac since wala namang DQ dito. Then...

"Kidding!" Awkward akong tumawa. "Sabi ko nga oks na sa akin ket mango shake lang." Bawi ko sa sinabi ko kanina.

I noticed he changed his walking pace. Mabagal siyang maglakad ngayon kaya magkatabi kaming naglalakad. 'Di tulad dati na kaunti na lang ay tumakbo ako makahabol lang sa paglalakad niya.

"Bakit ka pa nagtatrabaho when you can afford this?" Hinawakan ko ang pulsuhan niya sa kanang kamay at itinaas iyon sabay turo sa relo niyang branded.

I noticed it the moment na kinuha niya ang duffle bag ko sa akin kanina para kargahin iyon.

"Let me buy you your mango shake first then I'll tell you." Sagot niya.

I smiled and agree. Nilakad namin ni Jai ang food bazaar malapit sa palengke. Hindi naman kasi ito ganoon kalayo sa school.

Nang makarating, humiwalay ako kay Jai para i-reserve-an kami ng gazebo sa Gerona Town Plaza, kung saan namin napag-usapan doon tumambay. Pinili ko iyong sa pinakadulo, malapit sa isang puno.

Ilang minuto lang ang makalipas ay natanaw ko na siya, hawak ang binili sa akin. Nakakapagtaka na iisa lang binili niya.

Kaagad ko siyang kinawayan nang matingin siya sa direksyon ko. Nilapitan naman niya ako agad.

"Ikaw ay?" Nagtataka kong tanong nang iabot niya sa akin ang shake.

"Nah." Tanggi nito. "Sensitive ang throat ko sa mga cold foods."

"Ay ganon?"

Naupo si Jairo sa tapat ko. "You remember me as the Kuya Grab Driver, right?"

"Oo." I sipped on my drink.

"I was in Makati that time to be with my family."

"Ha??" Naguguluhan ako. "So hindi mo mother 'yong nasa hospital na palagi mo binibisita?"

"She is my mother." He paused for awhile at napayuko.

Napabuntong-hininga siya.

"Uh... you don't have to tell me if uncomfy ka sa topic or what." Natataranta kong sabi.

Umiling siya para sabihing hindi at diretso akong tinignan sa mata.

"To tell you the truth, anak kasi ako sa labas ng Tatay ko. My Step-Mother learned about me and accepted me as who I am kaya I get to bond with them tuwing vacation kahit papaano. I use my free time as opportunity para makapaghanap pa ng extrang source of income."

"For what?" Chismosa kong tanong.

"Para sa pagpapagamot ni Mama." Tugon ni Jai.

Kita ko ang panlalambot ni Jai nang banggitin niya ang salitang "Mama". He must have a soft spot for her.

"Dad do give everything I need, he spoils me pero... paano naman ang kapatid ko? Paano si Mama... I really have to work for them. Ayokong sabihin kay Dad ang tungkol kay Mama because if Dad knew, everything will be in mess at ayokong mahirapan pa lalo si Mama at ang kapatid ko. Kaya kong magtiis sa pagtatrabaho hangga't makapagtapos sa pag-aaral si Vienne at gumaling si Mama."

Since he already opened a topic like this so comfortably, I guess I can say it to him right? He trusted me with this information kaya wala naman masama if I'd do the same thing. And its not like makakasama ko siya forever, he'll eventually forget about this soon after we parted ways after ng graduation. I know for sure that we will lost contact of each other after this. Not of much importance.

Runaway GirlUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum