Chapter 5

3 0 0
                                    

Me and Cairo is just waiting for Jay to pick us up. ako tumawag kay Jay pero si Cairo nag salita, sana na nga lang wala siyang importanteng gagawin ngayong araw. Cairo looks so happy nung pumayag si Jay na sasama siya. nakakahiya nga kasi siya pa nagsabi na susunduin kami eh p'wede namang magkita kita nalang sa simbahan. parehas sila ni Cairo, mapilit!

" Avaline, nandito na si Jay. " Sabi ni ate Yaya at pinababa na kami ni Cairo dahil nasa kwarto kami.

" Good morning. " Sabi ko kay Jay at tumango lang siya. hindi ako magrereklamo dahil pinagbigyan niya na ang kapatid ko at sinundo pa kami.

" Good morning po. " bati namin ni Cairo sa driver ni Jay at nag mano.

Saglit lang ang byahe at sa buong byahe na 'yon nagdadaldalan lang si Jay at Cairo. Mukhang masaya si Cairo sa pinaguusapan nilang Minecraft kaya kahit halatang hindi nagegets ni Jay, nakiki-oo nalang siya.

Tahimik si Cairo dahil nasa simbahan na kami, dito mo lang mapapatahimik ang madaldal at walang preno na bibig ng kapatid ko. nakahawak siya sa kamay ko at sa kabila naman sa kamay ni Jay habang nakikinig ng mabuti.

" Ava. " Jay said nung nakita niyang pinipicture-ran ko sila. Come on! ang cute nila masyado para hindi sila picture-ran, mukha nga silang magkapatid. hindi naman sila mukhang mag tatay dahil masyadong pogi 'tong isa para mag mukhang tatay.

" You should listen. " sabi ni Jay sa'kin. napasimangot naman ako dahil nakikinig naman talaga 'ko at natripan lang na picture-ran sila.

After the church inantok na ng tuluyan si Cairo kaya buhat buhat na siya ni Jay ngayon sa likuran niya.

" Where do you want to eat? " Jay asked me pagka upo namin sa kotse niya.

Cairo is at the car beside me now, resting his head on my shoulder.

"I'm fine anywhere. " I wasn't hungry. Ang gusto ko tanungin kung saan gusto kumain ay si Cairo, kaso tulog.

" Kahit sa comfort room? " Sabi niya at nung mapasimangot ako bigla siyang natawa.

Ano? Siya lang mangaasar? No way.

" Ay wow. Comedian pala kausap ko? Katawa. Hahaha. " I said.

He rolled his eyes and I heard manong driver laugh. Sus, Masungit! but in fairness, he looks so gwapo sa blue polo niya. Bagay sakanya, parang ako lang.

We stopped at Starbucks. Jay said he wants a drink kasi. I told him na 'wag na ako bilhan dahil nag kape na rin naman ako sa bahay. Gigisingin ko na rin 'to si Cairo para malaman na kung saan kakain dahil baka gutom na rin 'to si Jay.

" Ang ganda niyo po, ma'am " Sabi ni Manong driver.

" Thank you po. " I smiled at him and laughed a little. Pa cute yarn.

" Ay ang cute naman po ng nasa pisngi niyo, ma'am. " I know exactly what he means.

Kapag ngumingiti o tumatawa kasi ako may tatlong linya na lumalabas sa magkabilaang pisngi ko. Parang sa mga pusa lang. Madali 'yon mapansin ng mga tao na kakausap sa'kin dahil mahilig ako ngumiti.

" Cairo, wake up. " I whispered while rubbing his tummy. This is the easiest way to wake him up.

" Hello. " Jay said when he opened the door and nakita si Cairo na nag kakamot ng mata.

" Kuya.. "

"Where do you want to eat?" Jay asked Cairo.

"Jolli.."

" Hmm.. okay. "

Hmm? Hindi ba siya kumakain doon? Ano ba kasi inexpect niya eh bata tinanong niya. Magulat 'yan kung ang sagot ni Cairo ay sa 'Eat all you can' or 'Samgyupsal' kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Million of ways.Where stories live. Discover now