"Bakit hija?" Nag-aalalang tanong ni Tita Ayeth.


"Baybay am... mamurmuryot lang ayta." Tumatawang sabi ni Tita Baby sa kapatid.


"Madi ah... sapay ikaskastam atta ulo mo, balasang ko?" Si Lola naman ngayon.


"Madi kano mapakali ta isisipin na attta nobyo na nga ni Jairo kano." Pabirong sabi ni Tita Baby dahilan para hampasin ko siya.


"Huwag mong sabihin narinig mo din usapan namin ni Jai kagabi?" Natataranta kong tanong.


Hindi ako sinagot ni Tita Baby, bagkus ay tinawanan lamang niya ako. Alam ko na ang sagot.


"Balasang nga talaga ni Caca."


With that, umalis ako ng bahay nang nakasimangot at nakanguso na parang bisugong unggoy dahil sa pang-aasar na sinabi nila sa akin kanina. Mas lalong hindi tuloy mawala sa isipan ko si Jairo.


"Hi!"


Speaking of the devil...


Napatingin ako kay Jairo na inakbayan si Justin. May pinag-uuspan sila na kung ano. The whole time we're walking around the school campus, parang mamatay ako.


"You can breathe." Para bang nakuryente ang buong sistema ko nang walang pasabing bumulong sa akin si Jairo.


Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya, kasabay naming naglalakad.


"Huminga ka, Bianca." Natatawang sabi niya.


Napaiwas ako ng tingin. I didn't realized I wasn't breathing. Glad he said it kasi kung hindi, baka nalagutan na ako ng hininga ngayon, pinaglalamayan.


"Lunch mamaya aneh?" Masiglang saad niya sa akin, nakaturo pa ang isang daliri sa akin. Pagkatapos, tinalikuran niya kami ni Justin at saka tumakbo palayo, nakasabit sa isang balikat niya ang itim niyang bag.


"Ahh!" Napasigaw ako nang wala sa oras nang kurotin ni Justin ang tagiliran ko. "Problema mo?!"


Tinawanan lang niya ako. Ang weirdo ng mga taong nasa paligid ko ngayon. Iniwanan ko nalang si Justin para hindi na ako maasar pa at nagtungo ako sa silid namin para doon nalang tumambay.


Naupo ako sa upuan ko. Lumingon ako sa paligid, kaunti pa lang ang mga kaklase kong nandito and... there's a new guy?


He's like a social butterfly tulad ni Justin. Napapalibutan siya ng mga kaibigan niya. May pagka-moreno siya. Makapal ang kilay na dinedepina ang mga mata niya. May pagkatangos din ang ilong. Manipis ang itaas na labi niya kumpara sa ibaba. Kita ko kung gaano katalim ang jawline niya nang lingunin niya ang kaibigan na kadarating lang.


Mukha siyang greek god sa suot niyang uniform na hinuhubog ang katawan niya. Masikip din ang parteng braso nito dahilan para makita nang lalo ang biceps niya. Mukhang nag-wo-workout siya.


"Hi!" He waved his hand at me when he caught me starring at him.


Pinanood ko siyang lapitan ako at saka inilahad ang kamay niya. "I'm Zyron Kinsley De Gracia, and you?"


Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo at saka inirapan. Hindi ko siya sinagot at tumingin nalang sa pinto ng silid namin, inaabangan si Jairo.


"Dang! Dude... rejected agad."

"You hit on the wrong girl."

"Baka Bianca 'yan."


"Shut up! I'll make her mine."

Runaway GirlWhere stories live. Discover now