Prologo

24 4 0
                                    

"Okay, we're rolling in five minutes! Ready na, Vien." Saad ni sir Reynold na busy sa pagbabasa ng mga script na para sa akin.

Si sir Reynold ang ka-trabaho ko bilang isang newscaster dito sa Pilipinas. Siya ang nagre-record sa akin at ang kasa-kasama ko simula no'ng unang pasok ko pa lang sa trabaho.

Si sir Reynold ay 47-Years Old na and he is happily married. May asawa't anak na siya. Tatlo na ang mga anak niya at isa ay graduate na habang ang dalawa ay nag-aaral pa. Ang asawa naman ni sir Reynold ay housewife at ang nag-aalaga sa mga anak nila.

Alam ko ang lahat ng 'yon dahil close ako sa kanila. Simula kasi nang mapasok ako dito sa trabaho—which was seven years ago; si sir Reynold ang umalalay sa akin.

Kung may mga tanong at kailangan man ako ay laging nandiyan si sir Reynold para umalalay.

Parang siya na 'yong tumayong father figure ko.

"Vien, 'yong iconic line mo ha. 'Wag mo kakalimutan 'yon kasi 'yon ang favorite line nila." Paalala ni sir Reynold.

Ang tinutukoy niyang sila ay ang mga heads namin. Mababait naman sila, mga strikto at strikta nga lang pagdating sa work.

Tumango ako kay sir Reynold saka nag-thumbs-up dahil alam ko naman na 'yon.

Nandito kami ngayon sa Okada Manila na isang malaking hotel na sikat na sikat ngayon at halos puno na dahil may event na gaganapin ngayong araw.

Ngayon kasi gaganapin ang grand event na gawa ng malacañang. Party para sa grand opening ng successful na pakikipag-trade ng Pilipinas sa bansang Europa.

Ang event na ito ang isa din sa pinaka-inaabangan dito sa ating bansa. Lalo na sa mga news, dahil bilang isang newscaster, ito ang laman ng mga balita ma-pa dyaryo, telebisyon, radio, at social media man, laman ito.

"Vien, 'yong mic mo." Biglang saad ni sir Reynold sabay abot sa akin ng mic.

"Opo, thank you, sir." Nakangiting sagot ko saka kinuha mula sa kaniya 'yong mic.

Hawak ko ang mic sa kanang kamay ko habang inaayos ko ang butones ng suot kong black na polo shirt.

Simple lang ang ayos ko. Isang black na polo shirt lang na fitted sa katawan ko kaya medyo kita ang hubog nito saka isang high-waisted stretchable jeans na kulay blue. Nakasuot naman ako ng black na heels.

Nakalugay ang mahaba at straight kong buhok na dark brown ang kulay. May suot din ang blue na hairclip na may design na star.

"Nandito tayo ngayon sa Okada Manila dahil ngayong araw gaganapin ang grand event bilang selebrasyon para sa matagumpay na pakikipag-kalakalan ng bansang Pilipinas sa Europa."

Kinakausap ko ang sarili at nagpa-practice ng speech para sa simula no'ng ibabalita ko. Hindi naman kasi talaga ako handa ngayon dahil hindi ko inaasahan na ako ang ia-assign ngayon na magbalita.

Usually kasi, sa office lang talaga ako pero ngayon, iba. Ako ngayon ang inatasan na magbalita patungkol sa selebrasyong gaganapin dito sa malacañan.

"Magandang magandang magandang umaga, Pilipinas! Welcome to Philippine News Agency, Ako si Viviene Mae Villanueva at nandito tayo ngayon sa Okada Manila palace dahil ngayong araw mismo gaganapin ang---" Paulit-ulit na bulong ko sa sarili upang makabisado ang speech ko.

Wala pang ilang minuto ay tinawag na ako ni sir Reynold at pinapuwesto sa opening ng malacañan palace.

Ako naman ay agad na sumunod at tumayo sa bandang tapat ng gate, sinenyasan ako ni sir Reynold na huwag nang gumalaw dahil nakatutok na sa akin ang camera.

A Love To WhisperWhere stories live. Discover now