Chapter 9

9 3 0
                                    


"And that's the end of the story."

Nandito kami ngayon ni Archie sa loob ng kwarto ko at kinukwento ko sa kaniya ang nangyari kanina sa grocery store.

Pati ang pang-aaway ko kay Arthur na alam kong hindi ko dapat ginawa. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na eh.

"Nakakainis!" Tili ko.

Napasalampak na lang ako sa kama ko dahil sa hindi malamang kahihiyang bumabalot sa buong katawan ko.

"Gaga ka talaga, baksh!" Komento ni Archie habang nginunguya ang niluto kong Pork chop na may kanin na hinaluan ko ng mais.

May papikit effect pa siya habang nginunguya ang niluto ko. Napabuntong-hininga na lang ako saka sumbsob sa unan ko para doon magsisigaw at magtitili.

"Napakasama ko na ba? Baka mamaya tuluyan na siyang hindi pumayag magpa-interview sa akin dahil sa inasal ko." Mangiyak-ngiyak kong saad.

Napahawak na lang ako sa noo ko habang nakatitig sa kisame. Paano na lang ako makakagraduate nito? Paano ako magiging isang successful reporter nito? Paano ako makakahanap ng mayaman at uugod-ugod na asawa na malapit nang mamatay?

"Bakit ba kasi nangyayari sa akin 'to?" Reklamo ko pa sabay sabunot sa sariling buhok.

"Kasalanan talaga 'to ni ma'am Dimaapi." Saad ni Archie na agad kong sinang-ayunan.

Tumango-tango ako saka bumangon sa pagkakahiga. Humarap ako kay Archie na nakaupo ngayon sa study table ko habang kumakain.

"Sa tingin mo ba hate na hate ako ni ma'am?"

Agad umayos sa pagkakaupo si Archie saka sinuklay ang buhok niya gamit ang mahaba niyang mga daliri.

"Sa tingin ko, hindi naman."

Ngumuso ako. Sa tingin ko hindi din naman talaga niya ako hate. Feeling ko may hidden agenda lang talaga siya.

"Kung hindi, eh bakit ako lang 'yong binigyan niya ng warning?"

Ngayon, medyo na-curious tuloy ako kung bakit nga ba sa dami nang mga estudyante niya sa section namin na mas worse pa sa akin, bakit ako?

Inaamin ko, hindi ako matalino. Never kong idedeny ang bagay na 'yon kasi that's the truth and i'm fine with everyone knowing the truth.

"Siguro china-challenge ni ma'am Dimaapi ang kakayahan mo. 'Gaya nga no'ng sinabi ko sa'yo nang magtanong ka tungkol kay Zacaria, baka tinetest lang din ni ma'am Dimaapi kung hanggang saan ang kaya mo." Seryosong saad ni Archie.

Medyo napaisip tuloy ako doon. Posible nga kayang totoo ang sinasabi ni Archie? O baka naman hate na hate lang talaga ako ni ma'am Dimaapi.

Well, kung alin man sa dalawang 'yon... o kung ano man ang rason, sure akong kayang-kaya ko 'tong lagpasan.

"Baka nga... pero ang tanong. Bakit ako?" Nakatingin kong tanong kay Archie.

Nagkibit-balikat lang si Archie bago sinubo ang kutsarang puno ng kanin at Pork chop.

"Aba i don't know. Hindi naman ako manghuhula para malaman 'yon."

Napairap na lang ako sa sagot ni Archie. Ang ayos-ayos namin nag-uusap tapos gaganunin ako.

Apaka!

"Eh basta! Bahala sila, basta ako, hangga't hindi ko pa nakukuha ang gusto ko, hindi ko titigilan si Zacaria."

Siguro, ngayon, hindi pa lumalambot si Arthur, pero hindi ako susuko.

"Viviene Mae Villanueva nevuh retreats, nevuh surrenders, and nevuh give up." I energetically said while raising my right arm.

A Love To WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon