"I'm sorry Ma, natakot kasi ako na hindi nyo ko matanggap kaya naglihim ako." -Pau

"Hindi mo dapat ginawa yun. Pamilya tayo. Kami dapat ang unang tumutulong sayo. Dapat hindi mo sinasarili ang lahat ng hirap na pinagdaanan mo. Andito kami Paulo." Sabi naman ni Tito Ted at nakiyakap na rin sa mag-ina. Niyakap na rin si Pablo ng buong pamilya nya habang nag iiyakan.

Nang medyo mahimasmasan na sila ay kwinento ni Pau ang lahat ng nangyari sa kanya mula simula hanggang sa malaman ng grupo namin ang totoo. Yun nga lang. Di kasama sa kwento ang tungkol sa aming dalawa.

Ganon pa man ay masaya akong nakikitang masaya si Pablo sa piling ng pamilya nito nang di na kailangan na magtago pa.

Nakiusap din si Pablo na wala sanang lalabas sa mga nangyari ngayung gabi at sumang-ayon naman agad ang pamilya nito.

"Teka lang Kuya Pau, ano nang itatawag namin sayo ngayon? Ate o Kuya?" Naguguluhan na tanong ni Denise na ikinatawa naman ng pamilya. Oo nga naman. Babae sya ngayon pero lalake pa rin sya.

"Ang daya naman, masmaganda ka pa kesa samin." Nakapout naman sa sabi ni Alex.

"Kayo talagang dalawa. Pinagtitripan nyo lang ako eh." Marahang ginulo ni Pablo ang buhok ng dalawang nakakabatang kapatid na babae.

"May isa pang problema." Sabay sabay kaming napatingin kay Kuya Kevin nang magsalita ito.

"Ano kaya yun?" -Alex

"San matutulog si Stell?" Seryosong tanong ni Kuya Kevin.

Oo nga naman, san ba ko matutulog 😅. Umuwi na lang kaya ulit ako?

"Sa kwarto ko? Sanay naman yang matulog katabi ako eh." Patay malisyang sabi ni Paulo.

'Ay ambot. Dislocated yata utak ni Pablo pag babae to. Napansin ko lang.'

"Aba, baka gusto mong ibalibag kita dyan. Kahit na lalake ka, babae ka pa rin ngayon. Alangan namang tabi kayong matulog?" Singhal ni Kuya Kevin kay Pau.

"Eh bat nagagalit?" Sabi ni Joshua.

Pagtingin ko naman kay Pablo ay nakataas ang kilay nito, mag aAtiChona pa yata ang loko kaya siniko ko sya.

Eh kaso, mukang sakin naman yata sya magagalit. Bigla ba naman akong tingnan ng masama.

Katakot...😭

'Ano ba Pau, wag ka na lang kasing kumontra.'

"Protective yarn?" Biro naman ni Denise kay Kuya Kevin.

"Tumigil na nga kayo dyan." Sita sa kanila ni Tita Grace. "Tama si Kevin. Hala Pau, dun ka muna matulog sa kwarto ni Denise. Ikaw naman Denise, lipat ka muna kay Alex."

"Tabi tabi na lang kami nila Kuya, Ma. Gusto pa namin makakwentuhan si Kuya Pau." -Alex

"Sa sala na lang ako matutulog. Dun ka na sa room ko Stell." Sabi ni Pablo saka patagong inirapan ako.

'Ano nanaman ba ang kasalanan ko? Di na nga
ko nagsasalita dito eh.' 😭

"Eh di dito na lang din kami sa sala matutulog. Sige na Kuya Pau. Bonding na tayo. Nood tayong Kdrama." Pag lalambing pa ni Alex, kumapit pa ito sa braso ni Pablo. Ganon ang ginawa ni Denise at nag puppy eyes pa ang mga ito sa nakatatandang kapatid.

"Kayo talagang dalawa. Sige na, magbabonding na." Pag suko ni Pablo sa ka-cute-an nang dalawang kapatid. Natawa nalang na naiiling sa kanila ang mga magulang nila.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now