Chapter 5

1.4K 18 0
                                    

(flashback)

Valentines day, February 14, 2022.

7:45 AM

Kanina pa ko pabalik balik sa closet ko dahil hindi ko mahanap ang susuotin kong damit para sa performance namin mamaya sa valentines event namin.

Sure talaga ko na dito ko lang nakita yon kasama ang iba kong uniforms pero bakit nawawala ngayon?!

"Tami!" pasigaw kong tawag sa tita mami ko.

Si Tita Mami ang nag alaga saakin simula ng tumuntong ako ng 5 years old. Kapatid siya ng mommy ko. Hanggang ngayon siya padin ang nag aalaga saakin. Hindi pa patay si mommy, hindi niya din ako iniwan, she's in a better place right now. Sa lugar kung saan mas maaalagaan siya.

"Kanina ka pa sigaw ng sigaw. Bakit ba?" medyo inis nitong sagot saakin pag karating sa kwarto ko.

"Meron po bang pumasok sa kwarto ko?" tanong ko sakanya.

8:30 ang pasok namin, wala na kaming klase dahil whole day ang magiging event namin sa school since madami ding mga naka prepare na activities ang booths para sa lahat. Pero kahit na 8:30 pa pasok ko kelangan kong agahan ang pag pasok dahil mag papractice pa kami ng isang round para sa performance namin.

"Wala naman bukod sakin. Ano ba yon?" balik nitong tanong.

"Yung damit na susuotin ko po kasi sa event mamaya nawawala." nag aalalang sagot ko sakanya.

"Ah iyon ba? Di ka naman nag sasabi ka agad-" pumasok ito sa closet ko at may kinuha sa isang drawer sa may bandang ibaba. "Oh" sabay abot saakin nito.

Binuksan ko ito at napa simangot dahil hindi naman ito yung hinahanap ko damit.

"Oh, oh, wag ka munang sumimangot. I purposely put your clothes in our washing machine after seeing it. Jusko naman Erin, akong model ang kasama mo sa bahay nakikita mo laging naka bihis tas ikaw plain t-shirt at pants ang isusuot? Hindi naman masama dahil bagay naman sayo ang simple pero why not simple but elegant? Kaya ayan, binilhan kita. Suotin mo ha? Good luck sweetie! Gotta go. Adios!"

Hindi man lang ako naka angal?

Sinuot ko nalang din ang binigay niya at dali daling lumabas ng bahay para maka punta na ng school.

Dumeretso ako sa studio at sakto namang pasimula palang sila kaya naka abot pa ako. After ng practice ay nag paalam ako sa mga kasamahan ko na hahanapin ko lang ang mga kaibigan ko.

But unexpectedly, I found Lucas holding a bouquet of chocolates sa labas ng studio.

"Lucas?" bati ko sakanya habang may malawak na ngiti.

"Finally. Happy Valentines dream!" inabot niya saakin ang bouquet.

Dream?

"Mali ka ata ng pinag bigyan, hindi naman ako si Dream." ani ko sakanya.

"Nope. I'm sure that you're dream." naka ngiting sagot nito.

"Eh? Erin po ang pangalan ko. Serena Erin."

"Too long, Dream because you are my dream. The one whom I'm dreaming for. Kaya dream."

"Ang corny mo" medyo inihampas ko pa sakanya ang bouquet dahil sa kilig. "Pero, thank you."

Inaya ko siyang mag lakad lakad, iniwan ko muna sa locker ko ang bouquet na binigay niya. Buti nalang at kasya ito kasi ang weird naman kung hawak hawak ko lang iyon all the time baka sabihin ng ibang tao pinag mamayabang kong may nag bigay saakin ng bouquet.

Well, why not? Ngayon lang ako nabigyan ng bouquet at crush ko pa. Bagay na deserve ipag mayabang.

"So..." panimula niya. "...anong oras kayo mag pe-perform?"

"Mamayang, 10:00 AM." sagot ko.

"Maganda ba yan?" panloloko nito saakin.

"Sus, basta nandon ako maganda yon." medyo makapal ang mukha ko sa part na yon. Natawa nalang din ako sa sarili kong kayabangan eh.

"WOW!" natatawang reaksyon nito. Nag lalakad kami sa open space area ng school kung nasaang ang mga booth.

Out of nowhere sumagi sa utak ko si Heather.

"Lucas?" tanong ko.

"Po?"

"Nung mga araw ba na naiissue kayo ni Heather, may nararamdaman ka na din ba sakanya non?"

"Ha? San naman galing yan?" natatawang sabi niya.

"Wala lang naisip ko lang out of nowhere. So ano nga?"

"Nope. Inisip kung sino si Heather, Oo. Pero yung inisip na gustuhin siya, na-ah."

"Ang harsh?"

"Hindi naman sa ganon, I mean maganda siya oo pero hindi siya yung type ko. Kundi yung katabi ko." naka ngiti nitong bola.

"Ha-ha ewan ko sayo." sana nga, sana nga Lucas,

Maya maya'y naka salubong namin ang mga kaibigan ko na kumakain sa isang booth.

"Erin!" bati nila saakin. Lumapit kami sakanila at naki kain na din. Tumabi saakin si Heather at sinimulang asarin ako dahil mag kasama kami ni Lucas. Sakto namang nag paalam si Lucas dahil nakita niya ang mga kaibigan niya sa kabilang booth.

Naikuwento ko tuloy sakanila ang ginawa niyang pag bigay saakin ng bouquet ng chocolates.

"Awww, ang sweet naman!" ani Pearl. Infairness ngayon lang siya nag react sa mga kwento ko. Hindi kasi siya yung tipo ng tao na laging may react na kasama sa mga sasabihin niya tuwing mag kukwento ka.

"Ayusin niya lang talaga kung hindi mauupakan ko siya." banta ni Zayn.

"Talaga! Kapag nalaman naming sinaktan ka niyan Erin kami na ang bahala, walang wala siya sa muscles ko. Lamang lang siya ng isang ligo sa kagwapuhan." dugtong naman ni Kylo.

Loko talaga ang mga to. Hindi naman siguro ganong tao si Lucas. 

The love I never gotWhere stories live. Discover now