CHAPTER 3 - slightly m

Start from the beginning
                                    

"Fine."

I don't have choice binuhat ko ito palabas at sinara ang pinto gamit ang paa, bago pa man kami makapasok sa market ay ibinaba ko ito, ngalay na ngalay ang magkabilaang braso ko, gosh, pinagtitinginan kami ng mga tao.

"hays, ano ba nakain mo at nagpabuhat kapa."

"wala, may kakainin palang." umiling naman ako rito at tinignan lamang ako nito ng may halong pang-aasar, hinawakan nito ang kamay ko papasok ng market.

Habang bumibili kami ng mga sangkap ay nakakapit lang ito saakin, saan ba to pinaglihi?

"Dad oh, look, EGGplant." napaubo naman ako nang idikit nito sa pisngi nito yung talong.

Kahit kailan talaga, Yna. Juice ko.

umiling nalang ako rito at patuloy na tumitingin ng mga ingredients habang itong si Yna yapos nang yapos saakin habang bumibili kami.

confirmed. may lahi itong linta

Pagkatapos namin makabili ng mga sangkap ay laking gulat ko ng makita ko si Miss Valdez. Nagkatitigan kami nito, nang ngitian ko ito ay nanlaki ang mata at sinamaan ako ng tingin.

grabe naman to

hindi na ako tumingin pa rito at nagpunta nalang kami ni Yna sa counter.

Ako na ang nagbayad ng pinamili namin, gusto pa nito makipag talo kanina dahil gusto niya sya ang magbayad pero inabot ko agad ang card ko sa cashier.




Nakarating kami sa bahay nila, gosh ang laki, pagkapasok ay walang katao-tao, tanging kami lang dalawa. Agad ko naman kinuha ang phone ko at nagpaalam kila dada na bukas nako uuwi. ngayon kolang naalala may pamilya nga pala ako, eme.

"Gino, let's go there na." Hinawakan nito ang kamay ko patungo sa kitchen area nila. Mangha pa rin ako sa laki ng bahay nila. Ngunit walang katao tao rito.

"Angganda ng bahay niyo ano, kaso ikaw lang ba talaga dito?" Pagtatanong ko pa rito

"Uhm, just for 3 months. Wala sila daddy nasa France, I'm so free to do whatever I wanted to do here in our house." She smirked at me again at isinuot saakin ang apron.

nagkatitigan kami habang ang mga kamay nito ay nasa batok ko. Bumaba naman ang mga mata nito patungo sa labi ko kaya ako na agad ang pumutol ng eye-contact namin, tatanggalin ko na sana ang mga kamay nito nang bigla nitong kabigin ang batok ko.

"go daddy, cook for me." She whispered at me, nginitian ko na lamang ito.

ganito ba talaga pag kaibigan?

Pinapanood lang ako nito habang hinihiwa ko ang sibuyas, inilagay ko na ang kawali isinunod ang mantika at sinimulang ilagay ang sibuyas sa kawali kasabay ng bawang. Habang iginigisa ko ang bawang at sibuyas ay iniwan ko ito saglit at nagbatil ng itlog, mas masarap ito kapag sasamahan ng itlog.

"Oh, egg, I love that." Biglang saad nito at kinagat ang ibabang labi nginisihan ko nalang ito.

Habang iginigisa ko ang ampalaya ay ramdam ko ang pagyakap nito sa likod ko, gosh siguro miss lang nito pamilya niya kaya sobrang clingy, well need ko masanay kasi ayoko namang ma-offend ito.

"Smell so good daddy, ang sarap" kinilig naman ako sa compliment nito well dapat chef nalang ako, ayoko na mag engineer change goal na agad. charot.

Onti-onti naman bumaba ang kamay nito sa tiyan ko at agad ko itong tinanggal, I'm not comfortable na.

"Y-yna what are you doing?" kinakabahang tanong ko rito dahil baka saan pa mapunta ito.

"Chill dad, I'm just hugging you." Tumango nalang ako at isinalin na sa plato ang nailuto ko, agad naman itong kumuha ng spoon and fork namin. Nilagyan ko ng kanin ang plato niya at ulam. amoy naman ito nang amoy sa niluto kong ampalaya. at nakatutuwa lang isipin na appreciated niya luto ko.

I'm In between, ProfessorWhere stories live. Discover now