Chapter 8: Handkerchief

93 6 0
                                    

Is this how life would throw me? Into a marriage na hindi ko naman gusto? I have the right to complain but I don't have the strength to go against my parents, and I hate myself for letting them decide on my part. I can't even do anything as of this moment.

I clenched my jaw while placing myself inside the car of my mom. I'm mad. I want to shout on her, but she still my mom.

"Say something." malamig na tugon nito.

Naiiyak ako. Gusto ko magwala. I'm trying myself to be calm. Ayoko sa ganito. Bakit kasi yumaman pa kami? Bakit kasi naging politiko pa si mama? Bakit naging negosyante pa si papa? Kung ganito lang rin naman ang kapalit sana nahumay nalang kami sa Los Baño ng matiwasay, kahit simple lang ang pamumuhay at least masaya kami. Pero tingnan mo nga naman? Kung saan na sila dinala ng pera at kapangyarihan.

"Ano pabang gusto niyong sabihin ko? Gusto niyo bang magwala ako? Kahit naman magreklamo ako ma, alam ko naman na wala kayong gagawin. Hahayaan niyo nalang ako matali sa isang bagay na hindi ko naman gusto." walang emosyon na sambit ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"I want the best for you." she said that made me stopped. Hindi ko maiwasang matawa ng pagak habang nilingon ko s'ya.

"The best for me?" natatawang sambit ko sakanya. "If being married to stranger is the best for you, then I'll better be dead!" sigaw ko dito.

Napatagilid ang ulo ko nang maramdaman ko ang palad nito na dumapo sa pisnge ko. Gulat na tiningnan ko s'ya. Alam kong pati s'ya ay nagulat sa nagawa n'ya.

"I-I'm so-"

"You are not my mom anymore." mariin na sambit ko sakanya habang pinipigilan ang luha na unti-unti umaalpas sa mata ko. I could see a hint of concern in her eyes but I couldn't careless.

Bago paman siya may sabihin ay mabilis na lumabas na ako ng sasakyan. Narinig ko pa ang boses nito na sumisigaw sa'kin pero patuloy parin ang pagtakbo ko palayo. I know i'm still in Cornelia St. but I don't know kung saang lugar na ako dinala ng paa ko.

Minabuting tumigil ako sa isang waiting shed. I could hear the thunderstorm. Tiningnan ko ang ulap, mukhang uulan pa ata eh. Ang saya naman talaga.

"Just great, really." bulong ko nang magsimulang umulan. Napatingin ako sa orasan. Pasado alas kwatro na pala. Hindi nalang ako papasok dahil hindi narin naman ako makakaabot.

Napasandal ako habang pinikit ang mata ko. Nakaramdam ako lamig pero parang hindi naging epektibo ito dahil na rin sa luha na umaagos sa gilid ng mata ko. I bit my lips to prevent myself from sobbing.

Tangina naman eh! Hindi dapat ako umiiyak ngayon! Lintik na luha to ouh ayaw makinig. Napayuko ako at huminga ng malalim.

"Crying doesn't really suit you, Hermsé."

Napatigil ako nang makita ang dalawang piraso ng sapatos sa harap ko. Inangat ko ang tingin, only to find out that it's Miss Amora.

May hawak na payong ito sa kanang kamay habang inaabot sa'kin ang panyo. Nakaiwas rin ang tingin nito sa'kin habang inaabot nito ang panyo.

"What are you doing here?" mahinang sambit ko habang inaayos ang sarili ko.

"It's none of your business." masungit na sambit nito. Dapat magalit na ako sakanya ngayon eh, kasi sa ganitong porma pa n'ya ako nakita.

Tumikhim ito."Kung ayaw mo sa panyo ko, edi wag." sambit nito. Kita mo to attitude parin. Mas mabuting umalis nalang s'ya kung labag naman sa loob ang pagbigay.

Nagdadalawang isip pa'ko kung kukunin ko ba ang hawak n'ya, pero kalaunay kinuha ko nalang dahil narin sa naiirita n'yang mukha na parang ilang segundo nalang ay ipapakain na sa'kin yung panyo na hawak n'ya.

Midst of Euphoria Where stories live. Discover now