Chapter 7: Bago yun

Start from the beginning
                                    

Masyado silang nag eenjoy sa ginagawa nila. Parang ako nalang yung tao sakanila.

"Girl!" Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Willa.

"Ano ba?" Tanong ko sakaniya.

"Kanina kapa namin tinatawag, tulala ka dyan? Yung pagkain mo oh kawawa" napatingin ako sa kinakain ko.

Napabitaw ako sa tinidor na hawak ko. Na torture ko na yung isda, kawawa.

"Ano ba kaseng iniisip mo?" Tanong ni Paige.

"Ahh wala" sabi ko.

"Ikaw ba talaga nag lagay nung for sale sign?" Tanong ni Willa kaya mapatingin ako sakaniya bago tumango.

Actually alam ni Paige yun kase siya yung nag print nung mga for sale signs na yon.

"Siraulo ka talaga" natawa ako ng mahina.

"Hindi naman pwedeng lagi nalang sila yung masaya, dapat ako din" napangiti ako sa nga pusible pang mangyare katapos ng araw na to.

Habang kumakain puro sermon ni Willa natanggap ko pero hindi naman ako madadala kase hangga't hindi sila tumitigil, hindi din ako titigil.

"Geez, stop. We're eating" iritang awat ni Paige kay Willa.

"Hindi naman kase pwedeng ganon, dapat hayaan nalang niya kase pag gumaganti parin siya mas gaganti yung nga yon kaya walang katapusang to" sabi ni Willa.

"Mag sasawa din naman sila eh" yan nalang palagi kong sinabi sakaniya mag buhat kanina.

Totoo naman kase na mag sasawa din naman sila sa pambubully nila. Edi pag nag sawa sila, edi back to normal ang buhay ko pero sa ngayon makikipag sabayan muna ako sa trip nila hanggang sa sila na mismo ang kusang sumuko.

Nung matapos kaming kumain, pumasok na rin kami.

Nung nasa hallway na ako papunta sa room namin medyo kinabahan ako kase sobrang tahimik sa hallway. Maaga pa naman pero parang nag start na yung klase kase pag lunch time maingay pa dito pero ngayon sobrang tahimik.

Binalewala ko nalang. Nung nasa tapat nako ng room, nag tataka ako bakit ang tahimik tapos nakasara yung room.

Lagi namang nakabukas to kahit my aircon pag lunch break pero ngayon nakasara na, may teacher na ba?

Teka baka isa nanaman sa pakulo nung dalawang gago to ah. Last time na ganto kase kapasok ko may smile na bumuhos saken ano naman kaya ngayon?

Kumatok muna ako, baka kase may instructor na sa loob eh. Pinihit ko na yung door knob at medyo kabado talaga ako.

Pag bukas ko ng doorknob sobrang tahimik sa loob pero nandito na silang lahat. Ang weird pa kase sakin sila lahat nakatingin. Tumingin ako sa harap pero wala namang instructor tapos ang tahimik nila? Mga nakadrugs ba tong mga to?

Di ko nalang sila pinansin at pumasok na pero huli na nung marealize kong patomba na ako sa sahig.

"Ahh!" Daing ko sa sakit. Ang sakit nung pag kakatomba ko.

May pumatid sakin. Ang sakit, natuhod din ako. Fudge feel ko mag kakapasa pa ako nito eh.

"Amara" tinayo ako ni Noelle. Pero ang sakit ng tuhod ko. Yun yung mas napuruhan talaga.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now