Chapter 7: Bago yun

Magsimula sa umpisa
                                    

"Baliw, malayo naman sa bituka eh." sabi ko.

Napapangiwi ako pag natatamaan niya yung sugat kung saan lumubog kuko ni Yelo. Masakit ah, siraulong yelo yon. What if tunawin ko siya?

"There, all done." napatingin ako sa ginawa niya.  "Hindi ko na nilagyan ng band aid or what." Malayo naman sa bituka eh kaya okay na yan.

"Hindi masakit?" Tanong ni Rhya.

"Hindi, kaya wag ka ng umiyak dyan." sabi ko sakaniya at ginulo ko pa yung buhok niya kaya napasimangot suya.

"Come on, let's buy some ice cream." masiglang sabi niya at hinihila pa ako.

"Rhya, teka lang naman. May klase pa tayo." sabi ko.

"Rhya, don't be stubborn. May klase pa tayo." Nakangiting sabi ni Noelle. Ang ganda talaga ng ngiti niya nakakainis.

Pero kahit gusto kong samahan si Rhya mag ice cream, hindi naman pwede kase lumabas lang naman ata si Miss Castillo para ihatid si Yelo sa principal's office eh.

"Where is she?!" Isang malakas na pag bukas sa pinto at sigaw ang yumanig sa buong classroom namin.

Kaya pala wala siya kanina para umeksena kase ngayon palang siya pumapasok. Inikot niya paningin niya sa buong room hanggang sa magtama yung tingin namin.

Parang naiimagine kong umuusok yung ilong niya sa galit. Agad siyang sumugod saken pero inawat siya agad ni Noelle at Rhya, pilit siyang nilalayo saken.

"You put that fucking for sale sign on my car didn't you?!" Sigaw niya. "And you were the one who put that ice for sale sign on my apartment!" Naririndi naman ako sa sigaw nito.

"Oh? May ibidensya ka?" Tanong ko.

"Wala! Pero alam ko ikaw gagawa non!" Sigaw niya ulet.

"Don't blame her" mahinahon na sabi ni Noelle.

Napatigil si Manyak sa pag pupumiglas at tinulak yung dalawa. Nag papalit palit yung tingin niya sa dalawa.

"Are you two seriously on her damn side?!" Di makapaniwalang tanong niya.

"Hindi naman kami papanig sainyo kung mali naman ginagawa niyo" gusto kong palakpakan si Rhya. Hindi siya madaling ma bad influence.

"She's right. Amara's kind, so stop bullying her and blaming her for something that she didn't do" kalmado pero halata mo yung inis sa tono niya.

"Argh! Whatever!" Napairap pa siya at sinamaan ako ng tingin bago umalis ng classroom.

Mapride siyang tao pero ang bilis ding sumuko o ayaw niya lang makipag talo kay Noelle?

Ilang minuto lang hinintay namin nung bumalik na si Miss Castillio. Nag discuss lang siya ng konti at dinismiss na din niya kami.

Natapos yung morning class namin ng hindi pumasok yung dalawa kaya medyo payapa yung pakikinig ko sa mga instructor namin. Pag kase nandyan sila kundi nila ako babatuhin ng papel sisigaw naman si Manyak ng 'Sir/Ma'am hindi daw po naiintindihan ni Tala' diba, parang mga gago eh.

Minsan naman tatabi si Manyak saken tapos guguluhin niya ako. One time hindi ko siya napansin sa gilid ko tapos bigla niya akong tinusok sa may tagiliran kaya napatayo ako bigla. Ang saklap lang nun kase may instructor kami.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon