"I guess so. Ganyan din kasi ang nangyari sa kanya noong nagkaroon ng eclipse."

Eclipse...

"Gusto mo bang basahin iyan?" Sabay sulyap ni Blake sa journal na hawak ko.

Tumingala ako kay Blake. "Mamaya na siguro..." Humigpit iyong hawak ko sa journal ni Mommy. Alam ko na may posibilidad na masagot ang tanong ko dito pero sa isang sulok ng dibdib ko ay hindi pa handa na basahin ang journal. Masaya ako na may pagkakataon akong mabasa yun, malaman ang sa isipan ni Mommy but at the same time ay malalaman ko kung anong pagkatao meron si Mommy. I'm also scared that if ever I'm gonna read this ay masisira ang magandang imahe ni Mommy sa isipan ko.

~*~

Ilang oras na ang nakalipas ay nagsilabasan na kaming lahat para pumunta sa Dining Room habang ako naman ay nagpaiwan muna upang bisitahin si Daddy. Ayon sa doktor ay lagnat lang daw yun dahil sa sobrang stress kaya bumalik na naman ang sakit.

Marahan binuksan ko ang pintuan ng master bedroom. Sa pagbukas ko ay bumungad sa paningin ko ang mukha ng madrasta na halatang nagulat pa na makita ako. "Savannah!"

"Titingnan ko lang si Daddy kung maayos na siya. Sabi nung katulong nakahanda na daw yung dinner natin lahat."

Pilit na ngumiti siya sa akin. "Oh okay. Thanks. But I need to skip dinner dahil may importante pa akong lakad. Okay lang ba sa'yo?"

"Importanteng lakad? Mas importante ba iyan kesa kay Daddy?"

Nag-iwas siya ng tingin. Sa pagkakaalam ko ay wala itong alam sa pamamalakad ng negosyo kaya hindi ko maiwasan na magtaka. "Don't be silly, Savannah, your Dad is much more important than this one. But since nandito ka naman at mga kasama mo ay panatag ako na iwan sa'yo si Hiram. Bye." Hinalikan niya ang pisngi ko bago umalis.

Bumuntong hininga na lamang ako nang tuluyan na itong umalis. Marahan sinara ko iyong pintuan. "Dad." Tawag ko. Ilang oras na din siyang tulog and there's no any sign na magigising ito. "Kamusta na po kayo? Galit na galit siguro kayo sa akin dahil ayaw mo akong makita..." Tumigil na lamang ako sa pagsasalita, kapag magpatuloy kasi ako ay baka mapaiyak na lamang ako. Tumabi ako sa kanya at naisipan na ibuklat yung journal ni Mommy. "Dad, alam mo ba ang tungkol sa sekreto ni Mommy?" Hindi makatiis na tanong ko kahit na alam ko na hindi niya masagot yung tanong ko.

I sigh exasperatedly. I begun reading the journal. Kung babasahin ko ito ay maganda na marinig din iyon ni Daddy kahit na tulog.

June 3, 1981 - July 30, 1981

This journal book was given by my brother last year as a gift that i finally manage graduated in college(H.U). Seriously, bakit ito pa? He knows, I never like writing stuff. Anyway, I decided to use it now-for important stuff that I might forgotten. Isusulat ko lang dito ang importanteng bagay na nangyari sa akin o impormasiyon na gagawin ko. Anyway, since ito naman ang una kong entry ay magpapakilala ako. Hi! My name's Salvia Tyler, i'm a biological scientist o biologist. I'm currently employed in wildlife organization.

Sumunod na araw ay may naghanap sa akin na isang lalaking platinum blonde hair. Pangalan niya ay Vladimir Zic, isa din siyang scientist kagaya ko. Kaya daw pinuntahan niya ako dito sa opisina ay para kukunin ang serbisyo ko sa isang secret organization na tinatawag niyang Lavyrinthos Mageia Organization. Pretty weird name, right?

Hindi ko alam kung gusto ko mapasama sa organization niya pero naattempt ako kasi malaki ang sahud. Kailangan ko yun lalo na't may sakit ang nakakabata kong kapatid.

Crimson Night (Hiatus)Where stories live. Discover now