Wala na kong nagawa kundi ang lumipat.

Ewan ba, sa tuwing ginagawa ni Pablo yun ay natutulala na lang ako.

Magkaiba kasi ang feeling pag sya yung gumawa compared sakin.

Siguro dahil wala sa character nya ang maging ganon sakin.

We're heading to his home town now at sa buong byahe ay tahimik lang ako. Sino ba naman ang hindi matatahimik sa ginawa nya.

Yun talaga ang specialty nya noh.

Ang manggulat.

Hindi mo talaga mahuhulaan
ang kasunod nyang gagawin.

Ngayon naiintindihan ko na ang A'tin kung bakit baliw na baliw sila pag nagpost na si Pablo. 😣

Parang ganon din kasi ako eh, in another way nga lang.🥹

Flash back.....

"Dami mong sinasabi, tumabi ka na nga dyan para makaalis na tayo." Naiinis na sabi ni Pablo. Tong tao talaga na to, ang bilis mag ate chona.

Sya na nga ipagdadrive ayaw pa.

Eh sa yaw ko mga syang mapagld eh.

Saka alam naman nya na nanliligaw ako sa kanya kaya ako nagpapaimpress.

"Ako na nga kasi~~~~" Di ko na natuloy pa ang sasabihin ko. Bigla nanaman akong kinabig ni Pablo sa aking leeg at ginawaran ako ng isang mabilis na halik sa labi.

Natulala na lang ako nang gawin nya yun.

"Move, I'll drive." Para akong robot na naging sunod sunoran sa kahit anong sabihin nya.

End of flashbacks......

"Anong nginunguso mo dyan?" Tanong sakin ni Pablo dahil kanina pa nga ko tahimik. Tapos panay pa ang pout ko. Ewan ba

Bakit ba twing hinahalikan nya ko ay nagkakaganito ako?

Ito na yata yung pangatlong beses na nangyari to.

Una is yung sa room nya nong si Athena sya, sunod yung sa living room nong nagmo-movie marathon kami, tapos kanina.

Pero kahit yata ilang beses pa nyang gawin yun.

Matutulala at matutulala pa rin ako. 😣

Kasi naman, nambibigla. 😤

"Nakakahalata na ko sayo Paulo, masyado mo na yatang inienjoy ang lips ko.😣" Lakas loob na sabi ko kahit alam kong nahihiya ako. Di rin kasi ako makatingin sa kanya.

"Makulit ka kasi eh." Sagot ni Pablo nang di manlang ako tiningnan.

Ay bongga, parang gusto ko nang maging makulit habang buhay. 😇

"Bakit?" Gusto ko sanang malaman kung bakit nya rin ginagawa yun.

I mean, hindi naman sa nagmamadali ako na maging kami.

Pero hindi naman pwede na wala lang yun sa kanya diba?

Bakit ikikiss nya ko ng wala lang? Tapos bakit takot sya pag nawawala ako.

"Paulo." Tawag ko sa kanya kasi di sya sumasagot.

"Ano ba Stell, nagdadrive ako oh." Inis na sita nito sakin.

"Bakit kasi?" Pangungulit ko pa sa kanya.

"Please Stell, i-enjoy na lang sana natin kung anong meron tayo ngayon."

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now