PART 2: Punishment

15 3 0
                                    

Masama ang titig ko sa gunggong na lalaki na nasa harap ko habang nagse-segregate ako ng mga basura sa baranggay namin. Ito kasi ang parusa ko. Mag-segregate
ng basura sa loob ng dalawang araw at ito na ang huli.

'Ang galing kasing umarte ng Ghon na 'yon. Lintik. Sana pala pinatid ko siya sa ano niya. Hmp.'

Kumaway pa siya sa akin. Nag-middle finger ako sakanya. Bahagya siyang napangisi.

Kapag natapos ako rito, bugbog sarado talaga siya sa kin.

'Nakakainis!'

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa ginagawa. Nakakainis din si Kap. Ang unfair kasi ako lang ang may punishment. E, may kasalanan din naman siya. Bakit kasi sumunod siya sa akin di ba?!

Babae ako! Kaya ko nga siya nasuntok kasi pinoprotektahan ko ang sarili ko.

“Ouch. Tinapon na nga ng may ari, sinasaktan pa ng kamay mo.”

Napatungo ako nang may magsalita sa harap ko. Edi sino pa ba? Yung gaGHON. Nakasuot ito ng mask at gloves.
Arte talaga. Akala mo naman may sakit.

Tinuro niya ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na may hawak na nakayuping bottle ng tubig.
Ano naman?

“What are you doing here?” masungit ko pang tanong. Pinasok ko na sa sako ang bottle.

“Tutulungan ka?” 

Napaikot ang mata ko. “Ano? Tulong?” dinuro ko siya,  “Hoy! Isang reminder lang! Hindi ko kailangan ang tulong mo! Bwesit na'to.” sigaw ko sakanya.

“Ganun ba?” walang pake nitong usal.

“OO NA OO!”

Kahit nakasuot siya ng mask, nahahalata ko pa rin ang pagngisi niya. “Okay. Sasabihin ko na lang kay Kap na e-extend pa ng isang araw ang punishment mo kasi hindi ka pa nakalahati.” tumalikod na siya sa akin saka nagsimulang maglakad palayo.

Pumintig ang tenga ko sa narinig. Ano raw?! E-extend pa?

Yumuko ako saka naghanap ng bote ng tubig, at nang makakuha, ay agad ko siyang binato mula sa likod nito.
Napahinto ito nang matamaan ko siya sa likod niya, hinarap niya ako, pero imbes na magalit o mainis sa ginawa ko ay tumawa lang siya ng pagkalakas lakas.

“PFTT! HAHAHAHHAAHA”

Kaya ang ending, ako ang nabwesit sa tawa niya. Inaasar kasi ako. Subukan lang niyang magpakita ulit sa akin, itatapon ko talaga siya ng buhay sa basurahan.

***
Monday

8:50 am

Tumakbo ako ng mabilis na tila hinabol ng isang baliw na aso. Late na kasi ako sa first subject ko. Bawal pa naman malate. Kaya pinipilit ko talagang gumising ng maaga kahit hindi ko gusto dahil ayokong magflag ng mag-isa. Pero ngayon?! Tang*na na lang talaga!

“Opps. Tigil muna hija.” hinarang ako ng panot naming guard.

“Manong Panot! Papasukin mo na ako!” usal ko. Umiling-iling si Manong sa akin. “Nagmamadali ho ako,”

“Pwes hindi ako nagmamadali hija.” tugon ni Manong, kinuha niya ang ballpen niya.

“Pangalan?”

“Keith Maganda.” seryoso kong sagot, pinagmasdan ako ni Manong Panot.

Napailing-iling si Manong Panot sa naging sagot ko. “Ayusin mo sagot mo, hija. Hindi ako nagbibiro rito.”

'Hindi rin ako nagbibiro!'

“Keith Maganda nga.”

“Anong klaseng apilyedo 'yan?”

A Love That Was Never Meant To Be [COMPLETED]Where stories live. Discover now