PART 3: I Beg You

14 2 0
                                    

“Ano? Kami?” Natawa ako nang malaman na kami ni Ghon ang magiging bida ng roleplay namin. Sinulyapan ko si Ghon gamit ang nangungusap na tingin na magreklamo ka rin! “E hindi nga ako marunong umarte! Kaya bakit ako!”

“Sige na, Keith. Alam ko namang may tinatago kang talent e.” pamimilit sa akin ng leader namin, pero buo na talaga ang isip ko.

“Ayoko! Iba na lang please.”

“Sorry Keith pero ikaw na talaga ang bidang babae.”

Napahilamos na lamang ako ng mukha, at napaindak ng paa. “Kung si Ghon ang kapares ko, huwag na lang. Baka magwrestling lang kami sa harapan.” naiinis kong sambit at masamang tiningnan si Ghon na parang Mark, tahimik lang.

“Sino bang gusto mong kapares? E lahat kami may mga roles na.”

Isa-isa kong tiningnan ang mga ka-grupo ko, tatlo lang ang lalaki kabilang na si Ghon, at tatlo ring mga babae. Si Rio, Ghon at yung gunggong kong ex-boyfriend. 

Tumigil ang mata ko kay Brayle na tahimik habang nakatitig sa akin. Pansin ko sa mata nito ang pagkaselos. Selos? Naks. Selos well, labs.

“Sige na nga!” 

“Yun oh!” sigaw ng leader namin sa tuwa.

Plastic ko siyang nginitian at pasimpleng tiningnan si Brayle na ngayo'y umaaktong binabasa ang script. Napataas ang kilay ko.

Ano ngayon? Ikaw lang ba ang marunong? Marunong din ako dude. Pasakitan na lang ng damdamin.

Isang linggo na ang lumipas simula nong lumipat dito si Ghon. Isang linggo na rin kaming nag-aasaran, nagbubugbugan, at nile-leche ang isa't isa. Oo, leche talaga. Kasi simula noong lumipat dito si Ghon e parati na akong napaparusahan.

Ang daldal kasi kahit lalaki. Bwesit.

“What?” naiinis akong lumingon sa likod nang tusukin ako ni Ghon sa tagiliran habang nagkaklase.

“I love you.” bulong nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito, tumalikod ako at kinuha ang makapal na notebook na nakapatong sa mesa ko at sinapak siya sa ulo.

“Aray”

Napahiyaw siya sa sakit na nararamdaman. Agad naman na napalingon ang teacher namin sa aming dalawa. Nahuli niya akong may hawak na notebook samantalang sapol ngayon ni Ghon ang kanyang ulo.

Ang landi kasi tang*na.

Tinanong kami kung anong nangyari. Hindi ako nagsalita pero itong si gungGHONg nagmamarunong. Kaya ang ending nasa labas kami ngayon habang nakataas ang dalawang kamay nang may nakapatong na tatlong makakapal na libro sa kamay namin. 

Masama kong tiningnan si Ghon na nasa tabi ko habang natatawang nakatingin sa akin. Kung alam lang niya na gusto ko na siyang upakan ngayon.

'Argh! Bakit ba kasi siya lumipat dito!'

“Tang*na mo!” parang gusto kong maluha dahil ang sakit na ng kamay ko. 20 minutes na kami sa labas, na bawal gumalaw o tulungan man lang ang isa't isa. Nang hindi ko na matiis ang pananakit ay agad kong ibinaba ang libro at inilipat sa kamay ni Ghon.

Bahala na. Tutal kasalanan naman ng pagiging malandi niya edi sakanya na ang parusa.

Halos mawalan siya ng balanse sa ginawa kong paglipat. Nahulog pa ang mga libro na nasa kaliwang kamay niya kaya napalabas ang teacher namin at pinagalitan ulit kami.

“It's all your fault.” pangsisisi ko sakanya habang nakapangalumbaba na nakatayo sa harapan niya.

Bahagyang tumaas ang kilay niya at pasimpleng pinipigilan ang ngisi. “Isang I love you lang naman 'yon pero kung maka-react ka parang in love kana sakin ah?”

A Love That Was Never Meant To Be [COMPLETED]Where stories live. Discover now