Chapter 12: Hallucinations

Start from the beginning
                                    

Alas-onse na natapos ang meeting nila. Nahihiya si Eugene na magpa-deliver dahil malakas ang ulan at kawawa ang rider kung manggagaling pa sa malayo, kaya naman, napilitan na siyang magluto para sa tanghalian nila ni Divine kung ayaw niyang magutom silang dalawa.

Hindi na niya hinubad ang white long-sleeves niya at hinayaan na lang na ipares iyon sa boxer shorts niyang pagkaikli-ikli pa man din sa kanya.

Nakasuot ang asawa niya ng yellow long-sleeves din na kamukha ng suot niya at iyon ang pambahay nito ngayon. Ilang beses nitong inaway ang wearable blanket nito dahil mabigat nga raw sa balikat kaya nagsuot ng magaang tela para hindi mainis.

"Dapat ikaw na lang yung prof namin sa lahat ng courses ng third year," nakangusong sabi ni Divine. Nakatabi siya kay Eugene at nanonood sa ginagawa nitong paghihiwa ng sausage.

"You know na impossible 'yan kasi puno na ang schedule ko," sagot ni Eugene.

Nagtaas ng kamay si Divine para magbilang. "Dalawang subject sa Monday. Isang subject sa Tuesday. Day-off mo sa Wednesday tapos Thursday ulit na isang subject. Tapos dalawa sa Friday and walang subject sa weekends. See? May pasok ka lang every Monday, Tuesday, Thursday, and Friday. Tapos ang class na meron ka sa reg. form ko, yung Monday and Friday lang. Twice lang kita makikita sa school sa buong linggo."

"May corpo naman ako seven days a week," sabi ni Eugene. Kailangan ko pa ring maglaan kahit five hours lang for my office work, Mine. Full pa rin ang schedule ko."

"Bakit minsan, parang wala ka namang ginagawa?" nakangusong tanong ni Divine at sinilip ang mukha ni Eugene sa mula sa gilid.

"Kasi tinatapos ko agad ang work kaya hindi ako natatambakan ng workload, pero marami pa rin akong ginagawa," nakangiting sagot ni Eugene at inipon na sa isang plato ang lahat ng sangkap ng balak niyang lutuin.

Pagkatapos makapaghugas ng kamay, binalikan niya ang phone na nasa gilid ng mga garapon ng pampalasa at pinanood ulit kung paano ba lulutuin ang dapat na lulutuin niyang sopas.

"I'll pray na okay ang lasa nito," sabi pa niya kay Divine dahil kahit siya ay hindi confident sa kalalabasan ng lulutuin niya.

Naupo si Divine sa isang dining chair na naroon at tumanaw sa balcony. Hindi pa siya nakakainom ng gamot at wala rin siyang balak uminom sa araw na iyon. Kahit paano'y kaya na niyang dalhin ang bawat panginginig ng kamay niya at kinokontrol na lang ang boses para hindi bigla-biglang hihina o bigla siyang matutulala nang walang matinong dahilan.

"Ilang araw daw uulan?" tanong niya kay Eugene nang mangibabaw ang katahimikan sa kusina.

"Hanggang Friday daw, sabi sa forecast. Hoping humina na kahit sa Thursday."

Ipinatong ni Divine ang mga braso sa sandalan ng upuan at patagilid na umupo. Tumulala na naman siya sa balcony sa sala kung nasaan ang sampayan ni Eugene na mukhang hindi nito muna magagamit sa linggong iyon.

"You know . . . when I was twelve . . . sa bahay ng janitor ng school namin dati . . . ang creepy doon tuwing gabi."

Bahagyang napalingon si Eugene kay Divine at naibalik lang ang atensiyon sa niluluto nang mainitan na ang kamay na may hawak sa takip ng kaserola.

"I was there for five days. Sa morning . . . okay lahat. Sobrang okay lahat."

Hindi na alam ni Eugene kung ano ba ang uunahin: ang niluluto niya o ang kuwento ng asawa niya.

"Yung bahay nila, along the road. Doon dumadaan yung mga provincial bus pa-north. Yung buong lote nila, surrounded ng mga puno saka halaman. Honestly, before that, walang issue sa akin mentally. Walang history sa amin na may ganitong case na gaya ko."

Good Boy's DilemmaWhere stories live. Discover now