Chapter 11: Your Love

Mulai dari awal
                                    

"Nag-dinner ka na, mahal?" maamong tanong niya habang hinahagod ang buhok nito.

"Hindi pa," umiiyak na tugon ni Divine.

"Okay. Dinner muna tayo tapos tulog na."

Tumango lang si Divine at dinala na niya ito sa kuwarto para bihisan.

Ayaw tumigil ni Divine sa pag-iyak. Parang batang kusot nang kusot ng matang ayaw hintuan ng luha. Kapag mabigat ang pakiramdam nito at hindi niya puwedeng painumin ng gamot, hindi na niya ito pinatatahan. Hahayaan lang niya itong umiyak hanggang mailabas nito ang lahat ng bigat na dala nito sa loob.

"We'll sleep na after dinner, ha?" sabi niya rito habang naghahanap siya ng damit na ipapalit sa suot nito.

Naghatak siya ng knitted sweater at iyon lang ang magiging damit ng asawa niya sa buong gabi.

Patuloy pa rin sa pagkusot ng mata niya si Divine. "Sana safe yung dog . . ."

"I'm sure someone will take care of the dog, Mine. If he's near us, puwede sana nating iuwi." Mabilis na isinilid ni Eugene ang kaliwang kamay sa laylayan ng blouse ng asawa at isang kamay lang ang ginamit pagtanggal sa hook ng skirt at pagbaba ng zipper sa likuran nito, habang ang kanang kamay

niya ay sunod-sunod na inalis ang butones sa pang-itaas ni Divine.

Kusa nang dumausdos pababa sa katawan ni Divine ang skirt at ibinaba na muna ni Eugene ang mga braso ng asawa niya para alisan ito ng blouse. Mabilis din niyang inalis ang hook ng bra nito at walang hirap na hinatak iyon pahubad dito saka ibinagsak ang piraso ng damit sa sahig.

"Don't worry. The dog will be fine," paalala ni Eugene nang may ngiti at dinampian ng halik sa noo ang asawa niyang hikbi pa rin nang hikbi. Isinuot na niya ang ulong parte ng sweater dito at inangat ang isang kamay nito para ipasok doon ang isang butas ng manggas. "Kain lang tayo ng dinner tapos papahinga na rin tayo." Isinunod niya ang isang manggas at inayos ang pagkakaladlad ng sweater sa katawan nito. "Doon ka muna sa sala. Prep lang ako ng dinner natin."

Tumango lang ang asawa niya at hikbi pa rin nang hikbi nang lumabas ng kuwarto.

Dinampot na ni Eugene ang mga damit ni Divine at dinala sa laundry hamper na naroon sa bathroom sa labas. Kinuha niya rin ang bagong biling box ng tissue sa cabinet na nasa

banyo at ibinigay sa asawa niyang namumula na ang mga mata, ilong, pisngi, at labi.

Ni-reheat na lang niya ang lahat ng inihandang panghapunan nila at binalikan ang asawa niyang ayaw pa ring huminto sa pag-iyak.

Paglapag niya ng mga pagkain nila sa mababang mesa sa sala, lumuhod siya sa harapan ni Divine at halos magpantay lang ang taas nila sa ganoong posisyon. Pumagitan siya sa malamig na mga hita nito at sinapo ito sa pisngi.

"You still feel bad?" malambing niyang tanong.

Nanginginig ang labing tumango si Divine at nagpunas ng ilong gamit ang nababasa nang tissue.

"Aww . . . ang asawa ko, umiiyak na naman." Ibinalot niya ang mga braso sa balikat nito para yakapin ito nang may tamang higpit. Lalo pa tuloy itong humagulhol sa pagyakap niya.

"Jijin . . ."

"Kakain lang tayo, then we'll sleep na, ha? I love you." Paulit-ulit niya itong hinalikan sa pisngi at bumitiw na rin sa

yakap. Binalingan niya ang mga pagkaing nasa likuran lang at sinubuan na ito kahit umiiyak pa rin.

May mga araw at pagkakataon talaga na kapag nagkakaganoon ang asawa niya, kahit hindi man gustuhin ng iba, nagpapasalamat siya na siya ang napangasawa nito. Iniisip pa lang niya na paano kung ibang lalaki ang napangasawa ni Divine at walang pakialam maliban sa negosyo, talagang kawawa ang asawa niya. Hindi na niya nakikita ang sitwasyon na iyon bilang dagdag pasakit sa kanya. Aalagaan niya ang asawa niya anumang oras at gagawin niya iyon hangga't nabubuhay siya.

Good Boy's DilemmaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang