♥️Chapter 42♥️

Start from the beginning
                                    

"Mommy" tawag ko sa kaniya pagkapasok ko ng pinto

"Bakit anak?" lumabas siya galing kusina

"Totoo bang anak ko ang mga anak ni Danica?" diretso kung tanong

"Saan mo naman nakuha yan?" si Mommy

"Kuya" saad ni Atasha na kakarating lang

"Sagutin mo ang tanong ko Mom, anak ko ba ang kambal?" sigaw ko sa sobrang galit at hindi na napigilan pa ang emosiyon

"Oo anak mo" sagot ni Mommy

"Bakit hindi niyo sakin sinabi?" ako

"Kasi ayaw ni Danica na makita ka at malaman mong may anak kayo, galit na galit siya sayo" sagot ni Mommy

"Anak ko rin naman sila eh at may karapatan ako sa kanila" ako

"Anak alam ko yun pero nagmakaawa siya sakin na hindi ko sabihin sayo, kung alam mo lang gustong gusto kung sabihin sayo noon" si Mommy

"Pinagkait niyo naman sakin yung pagkakataon" saad ko

"Anak"

Bago pa man ako mahawakan ni Mommy ay agad na akong humakbang palabas ng bahay at sumakay ng kotse, gusto ko makausap si Leonel ngayon

Narating ko ang condo kung saan siya nag sstay at agad na kumatok sa pinto, pagkaraan lang ng ilang minuto ay bumukas ang pinto at tumambad siya sa akin pati na sina William, Raiven at Terrence

"Andrew" saad niya at bigla ko nalang siyang sinuntok

"Gag* ka" saad ko at kwinelyuhan siya

"Ano bang problema mo bro?" saad ni William

"Huwag kayong makialam dito" ako

"Ano bang kasalanan ko sayo?" tanong niya

"Marami" nangigigil kung sagot

"Bro pwede naman kayo mag usap ng maayos" Raiven

"Sabihin mo sakin, ako ba ang ama ng mga anak ni Danica?" ako

"Saan mo nakuha yan?" tanong niya sakin pabalik kaya sinuntok ko siya ulit

"Sagutin mo ang tanong ko" ako

"Anak ko sila" saad niya kaya sinikmuraan ko siya

"Huwag mo kung ginagag* Leonel" ako

"Tama na" saad niya

"Sumagot ka" sigaw ko

"Oo anak mo siya, anak ninyo ni Danica" sagot niya

"Bakit hindi mo sakin sinabi?" ako

"Para saan pa niloko mo siya diba and she don't deserve it Andrew" saad niya at sinuntok din ako kaya nabitawan ko siya

"Hindi mo alam kung ano ang rason" ako

"Bakit pa aalamin, minahal ka niya eh sobrang minahal tapos yun lang ang kapalit nun, masiyado siyang nasaktan at nadurog dahil sayo Andrew she loves you so much at alam kung hanggang ngayon minamahal ka parin niya" saad ni Leonel at masama akong tiningnan

"Mahal niya pa rin ako hanggang ngayon? Walang kayo?" tanong ko

"Walang kami Andrew, ni minsan hindi na ako nagkaroon ng chance sa kaniya" sagot niya

"Yung naaksidente ba siya alam niya ng buntis siya nun?" mahinahon ko ng tanong

"Oo isang buwan na at alam mo rin bang may sakit siya sa puso kaya kasabay nung nangyari ay pinaoperahan siya sa puso" Leonel

"Ano?" ako na nabigla

"Oo Andrew kaya sobrang hirap ang pinag daanan ni Danica" Leonel

"Hindi ko alam" ako

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now