Chapter 4

92.7K 2.4K 45
                                    

Chapter 4

"Ano'ng nangyari sa iyo, Kai?" kunot-noong bungad sa akin ni JM nang nakarating ako sa VIP lounge ng Custody Booze, usual table na naman at usual na naman ang setting.

I shrugged. "Hays, wala."

Tinaasan ako ng kilay ni Trisha, "hahaha. Is this about your dinner with your Dad and his bestfriend's son? Tell me, is he hot and handsome?"

Kumunot noo si Ethan sabay tingin ng masama kay Trisha, I already get that look of his, he is jealous.

Nagbuntong-hininga ako, "to tell you honestly, it was a setup dinner date."

Nanlaki ang mga mata nila at sabay-sabay silang napahampas sa table, "who?!" sigaw nila. Mabuti na lang at maingay ang loob dahil sa pop music na tumutugtog.

"This is a clue... dad bribed me to a date for his new business partner. Yes, he sold me for one night to a totally possessive stranger."

Suminghap si Vivien, "business partner ng dad mo? Meaning matanda?!"

Tumawa sina Blue at Trisha.

I twitched. "Of course he isn't that old, I think he's in his late twenties but he look like he is twenty-two for some reasons." Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga, "I know you guys know him very much, I mean really, you all do."

Umiling si JM, "maupo ka nga muna dito sa tabi ko and let's enjoy the night! Basta ang mahalaga, you survived the setup date with Mr. Stranger! Hahaha. C'mon!"

Ngumiti ako, agad naman akong binigyan ni Blue ng baso ng isang cocktail. "I want to loosen a bit, can I have one drink of Jack Daniels?" ngayon lang ako mag-initiative na humingi ng alak kaya naman halatang nagulat sila.

"Kai... tell us, may nangyari ba sa dinner nyo?" takang tanong ni Ethan. Maybe because I was behaving strangely. Hindi ko alam pero ayaw umalis ang mga sinabi ni Travis sa akin sa aking isipan.

Huminga ako nang malalim, "yeah, a lot happened and my brain is still on the processing stage. I think my life is ruined..." asar na sagot ko sabay inom sa JDs.

Umiling si Vivien, "pumapag-ibig na si Kai. Hahaha!" asar niya sabay belat sa akin nang nginusuhan ko siya.

Hanggang ngayon, napapraning pa rin talaga ako sa mga pangyayari, lahat pabigla bigla, habang lutang ang utak ko sa mga posibleng mangyari lalo na't nakatira na sa baba mismo ng floor ko si Travis ay nakaramdam ako na may sumiko sa akin.

"What the hell?" inis na napatingin ako kay JM.

"Bigla kang natahimik." saad niya, hindi ko namalayan na kinakabahan na pala ako lalo na't alam kong wala akong takas kay Travis, marami siyang koneksyon na maaaring magamit para mapalapit sa akin, of course he have, he isn't a billionaire for nothing.

I'm afraid of becoming close to him especially that he is someone out of my reach, I'd rather become a nun than marry that billionaire, he will just ruin my life and leave me when I'm broken up.

Hindi ko alam kung ilang baso na ng mga iba't ibang klase ng alak ang nainom ko, basta habang nag-iisip ako ay umiinom ako ng alak.

"Kai, masyado ka nang maraming nainom, stop already." suway ni Trisha sa akin.

Ngumisi ako, "t-this is nothing... hik... I can manage my shelf.."

"You're drunk, stop." pagsuway din sa akin ni JM. Ano ba?! Kung ayaw kung uminom, pinipilit nila ako at ngayong gusto ko pinipigilan nila ako? Yong tataa?!

Ngumuso ako, "I want more!" I don't know but I think my brain isn't functioning at the moment, all I could think of right now is forgetting what happened the next time I wake up, yes, pretend this is just a dream and that I never even met this billionaire!

Akmang iinumin ko na sana ang laman ng wineglass sa kamay ko nang may biglang humablot dito, kahit na malakas ang tunog ng musika ay dinig na dinig ko ang pagkabasag ng baso. Napalingon ako, saktong iyon ay nakita ko ang pares matatalim na matang nakatitig sa akin, malamig ito at nakakalunod na tingin.

Lumunok ako, naka-jacket siya ngayon na may hood na nakatakip sa ulo niya kaya hindi halata na siya si Travis lalo na at madilim rin sa pwesto namin kaya mahirap masabi pero alam kong siya si Travis, magaling mag-disguise ang lalakeng ito.

"T-Tra-"

Nagulat ako nang bigla nya akong hinila mula sa silya ko, halatang nagulat din ang mga kasama ko, "wait dude! What are you doing with my cousin?!" sigaw ni JM.

Binaling ni Travis ang atensyon niya kay JM habang malamig pa rin ang ekspresyon sa mukha, ako ngayon ay buhat-buhat ni Travis na para bang bagong kasal.

"Why didn't you try to stop Kai?" masyado akong lasing at nahihilo para maintindihan ang pinag-uusapan nila. Naparami nga ata ako ng inom.

"Put her down, bro." boses ni Blue.

"Sino ka ba at kung umakto ka parang ikaw ang boyfriend ni Kaira?" halatang inis na tugon ni Ethan.

Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Travis, "who I am? I'm Kaira's future husband, you heard that right. I'm her future husband, she'll marry me."

After that, all I can remember is that... I puked, yes, I puked while I'm on this billionaire's arms.

"What the fuck?!" sigaw ni Travis pero sa kabila ng pagsusuka ko sa kanyang damit ay hindi niya ako binitawan sa kanyang pagkakabuhat. "Ugh! You are really going to pay me for this, Kai." ramdam kong naglalakad na siya palayo... I tried struggling but I'm too tired to do that, all I know was that... I felt comfortable in his arms despite of my puke.

"Where are you taking my coz?!" sigaw ni JM.

"Home." plain na sagot ni Travis bago nakipagsiksikan sa dance floor.

Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata as I realize how stupid I was to drink so much and try to forget because this isn't a dream, I'm fully awake, I feel dizzy, this is my reality. I have to confront it.

"Now Kai, try to escape me one more time and I'm going to do something you won't like." mahinang saad ni Tray sa akin habang binubuksan niya ang likod ng isang sasakyan, "tsk, you're really a pain in the ass." I felt him wipe my wet cheek bago niya ako pinahiga sa likod ng sasakyan, I think it's my car, amoy na amoy ko ang mabango niyang damit kahit na may halo itong suka ko.

"You made me worry so much, I'm going to punish you."

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon