♥️Chapter 41♥️

Start from the beginning
                                    

"Naku Andrew wala pa yan sa mga naitutulong mo sa amin lalo na kay Kiko" Mang Kanor

"Pagbutihan mo palagi ang pag aaral mo Kiko kunti nalang gagraduate ka na" ako

"Opo Kuya" Kiko

"Tara tingnan mo sa loob" Mang Kanor

Pumasok nga kami sa loob malawak ang sala at malaki ang dinning area pati ng kitchen area, maganda ang pagkakatrabaho at hindi basta basta ang pagkakagawa, sunod naman ay umakyat ako sa hagdan pataas may walong kwarto dito para naman komportable ang mga magbabaksyon

"Kailangan nalang po itong papinturahan at bumili ng mga gamit para sa bahay" ako

"Oo at tapos na" Mang Kanor

"Kuya tara sa rooftop maganda ang view dun" si Kiko

"Tara check natin" ako

Lumabas kami ng bahay at umakyat sa  bakal na hagdan papuntang rooftop, sariwa ang hangin na dumadampi sa balat ko at kitang kita ang mga lugar na nakapalibot dito

"Diba Kuya ang ganda?" saad niya

"Oo Kiko napaka ganda" sagot ko

"Kamusta ka na pala Kuya? Nakita muna ba ulit si Ate Danica?" tanong niya

" Oo kakabalik niya lang sa Pinas" ako

"Talaga, nakausap mo na ba siya?" tanong niya ulit

"Hindi ko pa siya nakakausap ng maayos kasi may bago na siyang mahal at may anak na sila" ako

"Hindi ka na ba niya mahal?" Kiko

"Hindi ko alam eh" ako

"Diba mahal na mahal mo siya, paglaban mo siya Kuya malay mo mahal ka pa rin niya" Kiko

"Hindi ko alam kung sa papanong paraan Kiko pero paglalaban ko siya" ako

"Trust me Kuya mahal ka pa rin ni Ate Danica hanggang ngayon" Kiko

"Sana nga Kiko" ako

"Kuya maraming salamat po talaga kasi nandiyan ka para samin ni Tatay at pinag aaral mo pa ako" saad niya

"Hindi na kayo iba sakin, tinuturing ko kayong pamilya at syempre ang pamilya tinutulongan" ako

"Pangako ko sayo Kuya na pagnaka graduate na ako at nakahanap ng magandang trabaho babawi ako sayo ibabalik ko lahat ng naitulong mo samin" saad niya, hinawakan ko siya sa balikat

"Hindi na kailangan Kiko tulong ko yun sainyo eh ang gawin mo nalang ay tulongan ang Tatay mo pati na ang sarili mo pwede rin naman tumulong ka sa iba kung gusto mo, okay?" ako

"Okay po Kuya" sagot niya at tsaka ko ginulo ang buhok niya

"Andrew may buko dito" sigaw ni Mang Kanor sa baba

"Sige ho, tara" ako at bumaba na

Nag stay pa ako dito ng halos tatlong oras at gabi na nga ako nakabalik sa Manila bago pa man ako maka park ng kotse ay tumawag na sa akin si Jet
Con..

"Hello Jet kamusta?" ako

"Nahihirapan akong mag hanap ng information tungkol sa dalawang bata napaka private ng mga information nila at hindi rin ito nakapublic, are you sure na may anak na siya?" Jet

"Yes Im sure" ako

"Mahirap maghanap pero susubukan ko ulit tatawag ako pag mag nakuha na akong info" Jet

"Sige" at binaba na ang tawag

Bakit napaka private ng information ng anak niya at hindi rin naka public, may tinatago ba siya o baka ayaw niyang maexpose ang anak niya, pero bakit?

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now