Chapter 6

139 10 1
                                    

Anathea's POV

"Lady Anathea, nandito po si Prince Matthew." tumingin naman ako kay Esther at nakita na kasama nga nya si Prince Matthew.

"Magandang umaga, your highness." salita ko at tatayo na sana sa pagkakaupo ko ng agad nya akong pinigilan at pinaupo ulit.

"You look terrible, my lady. I think I should go back tomorrow so you can rest." salita nya at halata ang matinding pag-aalala sa mukha.

"Okay lang ako, prinsipe Matthew. Akin na ang lalagyan." sagot ko at ngumiti ng marahan. Alinlangan naman nya'ng binigay ang container na bitbit nya.

Nanghihina man ay nagawa kong hiwain ang palapulsuhan ko at kumuha na naman ng dugo mula sa puso ko. Simula n'ung mapagaling ko si Prince Seven, inalok ko ang dugo ko para pagalingin nila ang bayan na tinamaan ng sakit.

Labag man sa loob nila, hinayaan nila ako na magbigay tulong. Mag iisang linggo na akong nagbibigay ng dugo sa kanila at napagaling na ang bayan sa loob ng Sinclair, ang sinunod ko naman na tulungan ay ang nasa labas.

"Malamit nang maperpekto ng mga healers ang gamot na ginagawa nila galing sa dugo mo, my lady." salita ni Prince Matthew. Napangiti ako lalo, ginagawa rin nila ang lahat para makagawa ng gamot dahil kung ako lang ay hindi ko mapapagaling ang bawat kaharian na nasa labas, mamamatay nalang ako dahil sa kawalan ng dugo at enerhiya.

Gaya ngayon, alam ko'ng sobra na akong namumutla at nanghihina araw-araw, pero ayuko maging pabigat sa kanila kaya si Esther ang nagpapagaling sakin araw-araw, mabuti nalang at healer din pala sya.

Nakagawa na ako ng isang daan nang manginig ang kamay ko at biglang nandilim ang paningin ko. Lumalim rin ang hininga ko at wala na akong marinig. Tuluyan na akong sinakop ng dilim at nawalan ng malay.

***

"Your Majesties, there's no need for her to take her blood anymore. We have completed our cure and we will distribute it outside."

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang pigura ng Hari at Reyna na may kausap na Healer.

"I'm glad you're awake." salita ni Lady Ynna na syang umupo sa gilid ko at syang unang nakapansin na gising na ako.

"What happened?" tanong ko. Bumuntong hininga naman sya at pinitik ang noo ko.

"Sinabi na kasing tumigil ka na, yan tuloy nahimatay ka na." sagot nya.

"We were so worried when we found out that you pass out." napatingin naman ako sa Reyna na nakalapit na pala samin, kasama ang hari.

"Don't worry about the people, Lady Anathea. Our best healers has the cure, so you should take a rest." salita naman ng Hari.

"Thank you, your majesties." sagot ko.

"We'll go ahead and let you rest, Lady Anathea." salita ni Lady Persia at nagsilabasan na nga sila sa kwarto ko.

Muli akong pumikit at umidlip ulit dala ng antok siguro.

****

Nagising ako dahil sa kamay na nakahawak sa kamay ko. Pag mulat ko ay bumungad sakin si Prince Giovanni.

"This is the reason why I didn't want you to get involve." salita nya.

"Ano'ng kailangan mo sakin, mahal na prinsipe?" tanong ko at pinilit na kalmahin ang dibdib. Wala pa akong lakas na tumayo o mag-ayos man lang, maiintindihan naman nya siguro.

"Di mo ba nakikita ang sarili mo? Halos ikamatay mo na." mahinang sambit nya. Ano naman pakialam nya? Tyaka bakit ang isang kagaya nyang nasa mataas na katungkulan ay mag-alala sakin?

Anathea and the Seven Princes ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora