Chapter 10

457 7 0
                                    

Eleonor's POV

Sa wakas ay nakalapag narin kami sa rooftop ng mansion dito sa Eleonor Island.

Nakasimangot na bumaba ng chopper si Zhaldex habang dala-dala ang mga bagahi namin. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Kanina ay walang imik siyang sumama sa 'kin. Sa luob ng chopper naman ay hindi niya ako pinapansin.

Ito ang unang beses na sa ilang oras naming magkasama ay hindi man lang niya ako pinansin. Nagsasalita ako paminsan-minsan pero wala man lang akong nakuhang tugon mula sa kaniya.

Kunting-kunti nalang talaga ay sasabog na ako sa inis!

Pagkababa ko ay nakita kong nag-aabang sa pagdating namin sina Nanz at ang mga katulong, akala ko ay sila lang dalawa ni Heinkel ang nandito ngunit nangunot ang noo ko ng makitang nandito rin si Hazel at Cylem!

What the hell are they doing here?

"Welcome El! 'Wag kang mahiya!" Pabirong sabi ni Nanz. Napairap naman ako.

"Talagang hindi ako mahihiya, ako ang may-ari nito eh!" Natawa naman siya sa sinabi ko at nag peace sign. Tss, daig pa niya ang bata.

"Hi El," Nakangiting ani Cylem bago lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Nanz invited me." Aniya bago paman ako makapagtanong kung bakit siya narito.

Narinig ko naman ang malakas na pagtikhim ni Zhaldex kaya napalingon kaming dalawa ni Cylem sa kaniya.

Bigla nalang niya akong inirapan at nagpatiunang maglakad ng hindi kami nililingon. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

The fuck!

Nabaling lang ang aking atensyon nang sabay-sabay na bumati ang mga katulong sa 'kin. Tanging tango lang ang itinugon ko sa kanila.

Pumasok kami sa elevator at pinindot ang pangatlong palapag ng mansion kung saan nandoon ang master's bedroom at guest rooms. Walang hagdan ang buong mansion kaya gagamit ka talaga ng elevator.

Kasama ko ngayon sa elevator sina Nanz, Heinkel na mukhang wala na naman sa mood, si Hazel na hindi ako nilapitan o tinignan man lang, nakukunwaring hindi kami magkakilala. Ang galing talagang umarte ng king*na. Si Cylem naman ay nakatayo sa gilid ko.

"Bakit nag walk-out ang isang 'yon?" Basag ni Nanz sa katahimikan. Tinutukoy si Zhaldex.

"Iwan ko." Tanging nasabi ko lang.

Hindi naman talaga niya alam kung bakit nagkaganon nalang bigla si Zhaldex. Parang kahapon lang naging okay naman ang atmosphere pagkatapos nilang mag ayaw sa parking lot ng Z bar. May pagka bipolar ang king*na.

"Sino ba 'yon El? Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Cylem.

"He's my P.A." Maikling sagot ko dito.

Bumukas ang elevator kaya agad na kaming lumabas. Bumungad sa amin ang napakaraming pintuan at liwanag ng paligid dahil sa napakalaking chandelier. Ang isa sa mga pintuan ay may nakalagay sa itaas ng pinto na LIBRARY.

"Magkita nalang tayo sa ibaba." Saad ko sa kanila at tumalikod na. Naglakad ako patungo sa master's bedroom.

Pagpasok ko ay halos mapatalon ako ng makitang nandoon si Zhaldex. Walang pangitaas at nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba. Basa ang kaniyang buhok, halatang bagong ligo.

"What the hell are you doing here?" Tanong ko ng nakatingin sa kaniyang mga mata. Natatakot akong mapunta ang tingin ko sa 8 pack abs niya at baka mag laway lang ako. Nakakahiya!

Tinignan niya ako at tinaasan ng isang kilay.

"Masaya bang mahalikan ng lalaki sa pisngi El?" Taas kilay niyang tanong sa 'kin habang unti-unting lumalapit. Shit! Temtasyon lumayo ka sa 'kin!

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now