Maganda naman ang bahay kahit simple lang at hindi kalakihan. Moderno iyon, halatang bagong gawa, at sa paligid ng bakuran ay maraming iba't ibang halaman. Hindi mo lang talaga maiisip na ang isang CEO ng malaking kompanya ay dito nakatira.


Isang magiliw na ginang ang nagbukas sa amin ng gate. Stepmother daw ito ni Sussie na nagbabakasyon dito. Nang makita ako nito ay bumungisngis. "Ay, ikaw pala ang manugang ni Norma. Pakagandang babae mo, ineng, ah!"


"Baka kapatid ng hubby ko 'yarn," proud na sabi ni Carlyn dito.


Sa sala ay nagpababa na si Mara sa ina. Sumama ito sa step-mother ni Sussie na si Tita Tess. Pupunta raw sa kuwarto kung nasaan ang anak nina Sussie at Arkanghel na si Shasha. Ako naman ay patingin-tingin sa paligid. Ang linis-linis ng bahay. Moderno lahat ng appliances. Pero nasaan kaya ang mga bisita? Akala ko ba ay may party?


Hinila ako ni Carlyn sa likod ng bahay. Nandoon daw ang mga kaibigan nila sa patio. Nang malapit na kami roon ay saka ko naulinigan ang masasayang boses. Ang aking kaba at takot ay mas lalong lumaki habang papalapit kami. Ano kaya ang ugali ng mga kaibigan nila? 


Sa patio ay bukas ang lahat ng ilaw kahit pagabi pa lang. Dalawang bilog na mesa ang naroroon. Walang maraming bisita, kundi iilan lang. Wala pa yatang sampo sila roon, pero maiingay. Si Sussie ay hindi kami agad nakita. Kausap nito ang isang babae na aking namumukhaan. Si Laila na kaklase dati sa special ni Kuya Jordan!


"Birthday girl!" tawag dito ni Carlyn kaya doon pa lang ito napatingin sa amin.


Napalunok ako nang tumuon ang tingin ni Sussie sa akin. Baka magulat ito kung bakit sumama ako. Baka hindi nito magustuhan na—


"Hala, Jillian!" masayang bulalas ni Sussie na ikinakurap ko.


Pati si Laila ay napatingin na rin sa akin. "Hi, Jillian!"


Ang dalawang babae na magkatabi sa may gilid ay tumingin din sa akin at matamis na ngumiti. "Hi!" Natulala ako sa mga ito.


Paglapit sa amin ni Sussie. "Thank you for coming, Jillian!" Walang makikitang gulat o kahit pagkairita sa kumikinang na mga mata ng babae. Totoo bang masaya ito sa pagpunta ko?


Ipinakilala nila ako ni Carlyn sa mga kaibigan nila. Iyong dalawang babae pala ay sina Vivi at Zandra. Mga schoolmates din namin. Nag-matured lang ang itsura pero pamilyar ang kanilang mga mukha. Lalo si Vivi na naging kaklase ko pala dati. Hindi ko lang namukhaan agad dahil hindi naman ako palakaibigan noong highschool kami.


Si Vivi ay asawa ng pinsan ni Arkanghel na si Isaiah. Sina Zandra at Laila naman ay kaedad ni Kuya Jordan. Ahead sa amin ng taon ang dalawang babae. Ang napangasawa ng mga ito ay mga kaibigan ni Carlyn. Si Zandra ay asawa ni Michael Jonas Pangilinan at si Laila ay special friend daw ni Asher James Prudente.


Sina Zandra at Vivi ay dala rin ang kanilang mga anak. Pareho ding mga lalaki. Sina Mateo Sirach na seven years old at Vien Kernell na nine years old. Pare-pareho ding matatangkad na bata. Parang mga binata na nag-uusap sa garden ang mga ito kasama si Hyde.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now