"Ahhhmm, Bella anak, siya yung sinasabi ko sayo kanina na si Elley, yung bunsong anak ko na magiging bodyguard mo?"pagpapakilala ni nanay sa akin ng anak niya.

"Ohhw, you mean siya nay? You gotta be kidding me nay. Wala na bang ibang nakita si daddy at babae nalang ang kinuha niya?"hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.


Nakatitig lang siya sa akin at seryoso ang mukha. I cant read her expression right now dahil naka biglang nagpoker face ito. Siguro dahil sa sinabi ko.

She then walks towards me na nakapagpakaba pa sa akin lalo.

Mga isang dangkal nalang ang agwat na itinira niyang pagitan sa aming dalawa ng tumigil siya sa paglalakad. Napaatras naman ako bigla ng isang hakbang dahil sa awkwardness na nararamdaman ko.


"Franelley Ann Hernandez , po at your service ma'am,may problema po ba tayo kung ako ang magiging body guard mo, PO?"sabi niya na may halong pang iiinis sa akin sabay lahad ng kanyang kamay pero nakatitig lang ako rito.


Napatulala ako dahil sa ginawa niya. Mas lalo pa akong kinabahan ng bigla siyang yumoko at may kinuha sa likuran ko. Dahil sa hindi ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.

Akmang tatalikod na sana siya ngbigla niya akong hinarap at muling nagsalita.


"And by the way, don't underestimate me dahil babae lang ako. I can do what my brothers do or what a men can do too."at tuluyan na siyang umalis sa harap ko at lumabas ng mansyon.


I was stunned. I was left dumbfounded. I saw her smirking before she turns her back at me.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, bago ako umupo sa couch at huminga ng malalim.


"Ok ka lang ba 'nak?"tanong ni Nanay Dory sa akin na siyang nagpabalik sa aking pagkatulala.


Aarrgghh!!!

Nakakainis!!

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa inasal ko kanina. Why am I got intimated to her?

She's just my bodyguard and ngayon ko lang siya nakilala pero bakit iba ang dating niya sa akin.

Yeah, I'm a Bi, I'm aware that I am attracted to both sex but this is not so me. I mean I flirt who I wanted to but never involve any feelings into it. At alam ito ni nanay. Tanging siya lang at mga kaibigan ko ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Dahil takot akong malaman ni daddy.


"Masama ba pakiramdam mo 'nak, nanginginig ka eh?"nag-aalalang tanong niya sa akin dahil nakita niya ang kamay kong nanginginig dahil sa tense.

"Wala po to 'nay! Naiinis lang ako sa anak nyo! Tsssss!",sabi ko sa kanya at padabog na tumayo.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko huh. Mabait naman yun eh, ha mo't magkasundo rin kayo nun."paghingi sa akin ni nanay ng pasensya.

"Tssss.. naiinis pa rin ho ako sa kanya!"pagdadabog ko sabay talikod sa kanya.


Wala ako sa mood ngayon dahil sa'yong babae ka. Hmmm, babawi ako, I swear!

Kelangan ko lang ibaling tong inis ko sa sarili ko sa iba para maiwaksi ko sa katawan ko yung kakaibang nararamdaman ko sa kanya.


Then an idea hit me.


This is what you want huh?!

Then bring it on. Tingnan lang natin hanggang saan kaya ng pasensya mo ang ugali ko.


Paglabas ko ng pintuan nakita ko agad siya na nakatayo sa may kotse at nag iintay sa akin.

I smirk as I see what car we're going to use.

She then opened the backdoor of the car for me pero di ako pumasok dun bagkos lumigid ako sa harap at binukasan ang pintuan ng driver's side. Dali dali akong pumasok dun at sinara ang pintuan.

Pinaharurot ko agad ang sasakyan bago pa man siya makapasok sa loob through backdoor. Buti nalang open na yung gate bago pa man ako makarating dun.

Natatawa akong iniwan siya labas ng mansyon habang walang nagawa kundi ang tingnan na lang ang kotseng minamaneho ko ngayon na papalayo.

Yeah , this is me, wag lang talagang painitin ng maaga yung ulo ko coz when I revenge for sure mas iinit talaga ang ulo mo.

Hindi naman talaga ako naiinis sa kanya,kundi sa sarili ko. Sadyang ang sarap lang talagang ibaling sa iba yung nararamdaman mong inis sa katawan.

I saw her through my side mirror kaya ibinaba ko ang window ng kotse ko and wave bye to her bago pa man ako tuluyang makalabas sa gate namin.

Hingang tagumpay ako ngayon pagkatapos dahil sa naiwan at naiwasan ko pa siyang makasama sa iisang sasakyan.

Natetense ako sa kanya kanina pa so no choice. Buti nalang din na dala dala ko palagi ang spare key ng sasakyang ito.

Saka ko na iisipin ang maaring sabihin niya dahil sa ginawa ko pagnagkita na ulit kami sa school. For sure makakasunod din naman yun sa akin.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon