Naglakad lang ako nang naglakad at napahinto nang makarating sa tapat niya. Dahan-dahan akong umupo at tinanggal ang kaunting kalat. I smiled sadly while wiping the hard thing where her name was engraved.

I put down the flower I was holding next to her name and opened my bag to get the candle. Although my hands were cold, I slowly lit it and placed it on top of her tombstone.

“H-hi, mom..”, tumingala ako at napapikit para pigilan ang namumuong luha sa mata ko.

Yumuko akong muli at pinaglandas ang mga daliri sa nakasulat niyang pangalan. “It’s been fifteen years…”, huminga ako ng malalim nang maramdamang sumisikip ang dibdib ko.

“M-miss na kita.. miss na miss…”, my voice cracked as I started to burst out crying.

Lalo akong naiyak nang maalala ang mga memoryang kasama niya. The surroundings always lit up whenever she was there. The way she took care of me and filled me with so much love. She was a great mom. Pero sa kabila ng ginawa niya sa akin, ako pa ang nagdala sa kaniya sa kapahamakan.

“Sorry, M-mommy.. sobrang kapal po ng m-mukha ko para magpunta pa r-rito… K-kahit alam ko sa sarili ko na ako.. a-ako ‘yung dahilan nang p-pagkawala mo..”, napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawang kamay ko habang umiiyak.

The memories of what I did before kept flashing back in my mind. It was my fault. I already regret it, I swear.

“P-please, f-forgive me… I-it was my fault..”, I murmured countless times.

“I miss you, m-mommy…”, yumuko ako at niyakap ang sarili habang humahagulgol.

Ang sakit sa puso. Ang bigat bigat. Bakit kahit iiyak ko na lahat ng luha na meron ako parang may batong nakadagan pa rin sa puso ko. Umayos ako sa pagkakaupo at pinunasan ang mukha ko. Bumuga ako ng hangin para kahit papaano ay mawala ang bigat sa pakiramdam ko. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang gamot ko para inumin.

Pagkatapos ay humarap akong muli sa puntod ni Mommy. I composed myself to speak clearly and straightly.

“Mommy.. If only I could hug you.. I just really need that right now..”, hindi ko napigilang humikbi.

“If only I could visit you wherever you are…”, pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mata ko.

“M-mom, I’m gonna visit my doctor this week.. It's haunting me again. I actually don’t know what to do.. It feels like.. I wanna give up, kasi baka hindi ko na kayanin..”, pagk-kwento ko.

“Sana hindi na ulit ako mag-therapy, Mommy.. Ayoko na e!”, para akong batang nags-sumbong.

Marami pa akong kinuwento sa kaniya that I was used to do before. Nakakagaan lang din kasi sa loob dahil ayoko naman magsabi sa mga kaibigan ko dahil alam kong may sarili rin silang problema tsaka ni isa sa kanila walang nakakaalam ng sitwasyon ko, noon pa.

Nahiga ako sa tabi niya at tumagilid paharap para kahit papaano nakikita ko pa rin ang pangalan niyang nakasulat sa lapida. Ginawa kong unan ang isa kong kamay para hindi masyadong masakit sa ulo. Saglit na pumikit ako dahil ang init ng gilid ng mga mata ko dala ng pag-iyak.

Nagtagal pa ako ng kaunti sa sementeryo bago nagpaalam kay Mommy. I was grateful I had a chance to visit her on her 15th death anniversary. It has been a decade and a half, but her memories are still lingering in my heart. She’ll never be forgotten.




Pauwi na sana ako nang ma-stuck ako sa traffic. Habang naghihintay ay may biglang sumagi sa isipan ko at owtomatikong gumalaw ang mga kamay ko sa manibela paiba ng daan pagkagalaw ng traffic. I went to a place where I stayed for almost my entire life.

Napangiti ako nang makilala ako ng guard at hinayaang makapasok sa loob ng village. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko habang minamaneho ang sasakyan palapit sa pupuntahan ko. Huminto ako sa hindi kalayuan ng bahay.

Wala pa ring pinagbago sa itsura ng bahay. Gano’n pa rin ang disenyo at kulay nito simula noong umalis ako rito. Napangiti ako noong bumalik sa isipan ko ang masasayang ala-ala sa bahay na ‘yon. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang may lumabas na lalaki mula sa front door ng bahay.

Agad na binalot ng kaba ang puso ko nang makita ang isang tao na matagal ko nang hindi nakikita. Mariin lang akong nakatitig sa kaniya mula sa malayo habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Ramdam ko ang luhang namumuo mula sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya habang siya ay abalang naglilinis ng sasakyan sa tapat.

“He looks even better without me.”, wala sa sariling saad ko.

Hindi ko na napigilan pa ang mga namumuong luha ko at tuluyan na itong tumulo. I smiled bitterly in pain. Unti-unti na naman nilulukob ng mga nakaraan ang isipan ko. Mariin akong napapikit at pilit na kinakalma ang sarili. I was trying to cope with my past trauma. But it was fucking getting worse as I went here.

He still triggered me.

What do I expect when he was the reason why I am still suffering from trauma? But I couldn't blame him, because I was also the reason he was that way. I made him like that. It was me, but I couldn't help but still feel pain in my heart. I’m still hoping that he’ll forgive me for what I did.

Hindi ko rin naman ginusto ‘yon e.


Binalot ng kaba ang puso ko nang biglang walang habas na bumukas ang pinto ng bahay. Natakot agad ako nang makita ang mukha niyang sobrang dilim ng awra at halata ang galit sa mga mata nito habang naglalakad palapit sa akin.

Takot man ay nagawa ko pang punasan ang natuyong luha sa mukha ko dala ng pag-iyak kanina habang nakatitig sa kaniya. Napapitlag ako noong walang sabi-sabi nito akong hinawakan sa damit. Napainda ako sa sakit nang pabagsak ako nitong hinila nito palapag sa sahig mula sa pagkakaupo. My toes automatically curled in fear. I hugged myself tightly as I stopped myself from sobbing. I looked at him with questioning eyes and wondered why he did that.

“D-da—”, I was cut off from what I was about to say.

“Do not fucking call me that. You know what you did?”, galit na galit na bulyaw nito sa akin, namumula na rin ang gilid ng mga mata niya.

I silently shook my head at him. I don’t really know what I did.

He took a deep breath as he looked up at the ceiling. I saw how his tears streamed down as his eyes shut. I was already trembling in fear when he shouted in frustration. He looked at me again, and the next thing he did was the thing I never expected that he could do to me.

“P-please po.. I can’t b-breathe..”, pagmamakaawa ko habang nakahawak sa dalawang kamay nitong nakapulot sa leeg ko.

I was already coughing as I was running out of breath.

“You killed her.”, he shouted furiously at me.

Who did I kill? I didn't kill someone. I couldn't do that.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga nang maayos. Tumingala ako at sinandal ang ulo sa headrest ng driver seat habang habol ko pa rin ang aking hininga. I tried to at least stop myself from crying so I could somehow calm down, but it didn’t work.

Kahit nanginginig ay kinapa ko sa passenger seat ang bag ko para kuhanin. Pagkakuha ay binuksan ko ito at uminom muli ng gamot ko. Pagkaraan ay isinandal ko sa manibela ang ulo ko habang tuluyan pa ring tumutulo ang luha sa pisngi ko.

I don’t know what to do anymore.

Saglit pa ay unti-unti na rin akong kumalma. Sa muling pagkakataon ay pinagmasdan ko ulit ang lalaking pinunta ko rito na ngayon ay papasok na sa loob ng bahay. Pinunasan ko ang mukha ko at bumuga ng hangin bago buksan ang engine ng sasakyan at nagpasyang umuwi.

I wish for the time when you will forgive me and finally have peace of mind.




___________________________________________________

Hi, everyone! I’m sorry for making you wait so long to update. I am very grateful, especially to those who patiently wait and continue supporting this story. I love y’all! 💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now