Chapter 15

170 14 9
                                    

Kinabukasan

"Hanamichi patay ka kay ma'am" sabi ni mito tinignan naman siya ni sakuragi na animoy walang pakialam

"Ano ngayon" sabi nito at tumabi sa kaibigan at sumabay kay mito na kumakain

"Hahaha biro lang" wika ni mito

"Kumain ka na nga lang ang ingay mo" sabi ni sakuragi at kumain na ng almusal para makaalis na

Nangmatapos na si sakuragi kumain agad na itong nag handa para pumasok ng school at iniwan si mito sa bahay

Nangmakarating na si sakuragi sa gate ng school nag hihintay naman sa kanya si haruko, kaya agad itong lumapit sa dalaga

"Sinong hinihintay mo?" tanong ni sakuragi

"Ikaw. sya nga pala may ibibigay ako sayo, ito oh" nakangiting wika nito at may inabot kay sakuragi

"Ano to?" tanong ulit ni sakuragi

"Cookies yan, ako mismo gumawa niyan" nakangiting sagot nito

"Masarap ba to?" birong tanong ni sakuragi sumimangot naman si haruko sa tanong nito nakinatawa ni sakuragi

"Biro lang ito naman" nakangiting wika ni sakuragi

"Masarap yan wag kang mag alala" nakasimangot na wika ni haruko

"Hoy wag mong seryosohin ang sinabi ko biro lang yon" ngiting wika ni sakuragi

"Oo na" wika ni haruko at aalis na sana ng biglang nag salita si sakuragi

"Maraming salamat haruko" nakangiting wika ni sakuragi kay haruko namula naman ang dalaga at hindi na pinansin ang pagpapasalamat ni sakuragi at tumakbo nalang papasok ng gate dahil sa hiya

"Huh! ba't tumakbo yon?" nag tatakang tanong ni sakuragi sa sarili

"Okay naba kayo ni haruko?" biglang tanong ni kazumi sa likod napatalon naman sa sobrang gulat si sakuragi

"Wag ka ngang susulpot kong saan saan nakakakilabot ka" sabi ni sakuragi habang nakahawak sa dibdib niya wala namang naging reaksyon ang mukha ni kazumi sa sinabi nito at nakatitig lang sa kanya ng seryoso

"Mukhang mag kasundo na kayo ngayon ah" sabi ni kazumi habang nakatingin sa kanya ng seryoso

"Sya nga pala kazumi kamusta date nyo ni sendoh?" tanong ni sakuragi para maiwasan si haruko sa usapan nila

"Okay naman masaya nga siyang kasama eh" nakangiting sagot ni kazumi

"Tangina sana pala hindi nalang ako nag tanong" sabi ni sakuragi sa isipan

"Sayang nga eh, sana pala hindi nalang ako umuwi ng pinapauwi na ako ni tita nakasama kopa sana si president ng mga oras na yon" sabi ni sakuragi

"Nag-assume pa ako na mag seselos siya hindi naman pala" sabi ni kazumi sa isipan

"Sya nga pala ano yang nasa kamay mo?" tanong ni kazumi

"Ito ba, cookies to bigay ni haruko my friend" sagot ni sakuragi

"Gusto mo?" tanong ni sakuragi

"Isaksak mo nalang yan sa lalamunan mo" bulong ni kazumi at nag lakad na papasok ng gate

Naiwan namang nag tataka si sakuragi kong bakit dalawang babae ang nag walk out sa kanya ngayong araw

"Ba't kaya ganon" bulong ni sakuragi

"Makapasok na nga lang" sabi nito at nag lakad na papasok ng gate

Nangmarating na ni sakuragi ang classroom nila nag tataka naman siya kong bakit hindi siya pinapansin ni kazumi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAYBE MEANT TO BE [Slamdunk]Where stories live. Discover now