Chapter 1

186 14 0
                                    

Second year high school nako pero wala pakong jowa bakit bakit isinumpa bako ng kong sino man" wika ni sakuragi sa isipan

Hays tignan nyo na babaliw na talaga siya" wika ni takamiya

Ikaw ba naman mag sumikap para sa taong gusto mo tapos ang ending hindi naman kayo mag kakatuluyan, talagang mababaliw ka" sagot naman ni mito habang tinitignan ang kaibigang si sakuragi

Hayst grabe naman kasi tong si haruko hindi makita ang halaga ni hanamichi" sabi ni ohkusu

Oo nga" sang-ayon naman ni noma sa sinabi ni ohkusu

Nako anong gagawin natin mito sa susunod na araw na pasukan natin as second year tas nag ka ganito pa si hanamichi" sabi ni takamiya

Gawan natin ng paraan" wika ni mito

Anong paraan" tanong ng tatlo

Hindi ko alam kong gagana to pero bahala na, ganito lang gawin nyo gatungan nyo lang bawat sasabihin ko" sagot ni mito tumango naman ang tatlo, agad naman nilang nilapitan si sakuragi na tulala

hanamichi napansin ko lang yong pagkaka bastid mo kay haruko parang may kinalaman si akagi pero hindi ko lang sure" sabi ni mito napatingin naman sa kanya si sakuragi na nagulat

oo nga oo nga" sabi ng tatlo habang patango tango pa

Pano mo naman na sabi na may kinalaman si gori" tanong ni sakuragi nanakatingin kay mito

Hindi Naman sa may kinalaman si akagi, pero isipin mo ayaw ni akagi sa ugali mo na bastos" sagot ni mito napaisip naman si sakuragi sa sinabi ng kaibigan

Iwan ko, may kinalaman man siya o wala pero still bastid parin ako kay haruko" malungkot na sabi ni sakuragi

Hayst be matured hanamichi mag bago kana kong gusto mong mag ka jowa" sabi ni mito na kinainis naman ni sakuragi kaya naman binigyan niya ito ng bukol sa ulo pati ang tatlo na damay din, sabay labas ni sakuragi sa bahay nila mito

Sabi ko na nga ba ganito ang mangyayari" mangiyak ngiyak na sabi ni takamiya

Habang nag lalakad naman si sakuragi naisip niya ang sinabi ng kaibigan na mag bago na ito

Mag bago patawa" bulong nito sabay nag lakad na papuntang park

Nang makarating na ito sa park na upo ito sa may bench at pinapanod ang mga batang nag lalaro habang nakangiti, maya maya pa ay biglang Lumapit ang mga bata sa kanya at inaya siyang mag laro

Kuya laro po tayo" aya ng bata habang nakangiti kay sakuragi

Sige, anong laro?" tanong ni sakuragi sa mga bata

Habol habolan po" masayang sagot ng bata kaya naman na pangiti nalang si sakuragi

Sige, takbo na kayo ako taya" sabi ni sakuragi

kaya naman nag sitakbuhan na ang mga ito hindi naman binilisan ni sakuragi ang pagtakbo para maging masaya ang mga bata, na tatawa naman si sakuragi sa mga bata dahil habang hinahabol niya ang mga ito ay inaasar pa siya, habang nakikipaglaro si sakuragi sa mga bata may babae naman ang napadaan sa hindi kalayuan at pinapanood siya hindi naman tumagal ang panonood nito kay sakuragi ng umalis na ito, ng matapos na ang laro nila sakuragi nag si uwian naman na ang mga ito at hindi nag tagal umuwi na rin si sakuragi sa bahay nila mito

Hanamichi san kaba nag punta hanap ako ng hanap sayo" tanong ni mito

Don sa park nakipaglaro sa mga bata, bakit anong meron?" Sagot ni sakuragi

Pupunta tayo ng mall ngayon libre ni papa" sabi ni mito

ang gara naman ni tito may pa mall-mall pa" wika ni sakuragi bigla naman lumabas ang mama ni mito sa kusina

na promote kasi sa trabaho ang tito mo ngayon ngayon lang" nakangiting wika ng mama ni mito

Eh yong tatlong itlog saan hindi ba sila sasama?" Tanong ni sakuragi

Iwan hanap din ako ng hanap sa mga yon" sagot ni mito

Mag bihis kana hanamichi maya maya dadating na ang tito mo pati narin ikaw mito" sabi ng mama ni mito sa kanila

Sige po tita" sagot ni sakuragi

Ang mama at papa ni mito ay ang naging pangalawang ama at ina ni sakuragi at ang mama at papa din ni mito ay childhood best friend ng papa ni sakuragi kaya ng mamatay ang papa ni sakuragi sila na ang nag alaga dito at tinuring na rin nila itong isang anak

At habang nag bibihis sila sa kani-kanilang mga kwarto dumating naman ang papa ni mito nanakasakay sa white na ban busina naman ito ng busina nakinainis nila mito at sakuragi

Tita sino ba yang nasa labas nakakainis busina ng busina" tanong ni sakuragi

Tito mo yon baliw" sagot nito sabay pukpuk sa ulo ni sakuragi

Wala naman tayong sasakyan ah" sabi ni mito

Nag rent lang siya ng ban para hindi tayo mahirapan sa pag uwi, tara na nga ang dami nyong pang sinasabi" wika ng mama ni mito nag lakad naman na sila palabas ng bahay ng makalabas na sila agaran naman silang pumasok sa ban

Hindi ba sasama ang ibang mga kaibigan nyo mito at hanamichi" tanong ng papa ni mito

Hanap ako ng hanap sa mga yon, eh hindi ko makita kaya hindi sila makakasama satin ngayon" sagot ni mito

Ganon ba" sabi nito at pinatakbo na ang sasakyan

Nang makarating na sila sa mall sinamahan naman nila ang mama ni mito mamili ng mga kakailanganin para sa bahay at ng mga pagkain ng matapos na sila mamili para sa bahay pumunta naman sila sa bilihan ng mga damit at don namili sila sakuragi at mito ng mga damit na nababagay sakanila ng makapamili na sila agaran naman nag bayad ang papa ni mito, matapos pumunta sa bilihan ng mga damit pumunta naman sila sa bilihan ng mga cellphone nag taka Naman ang dalawa kong bakit sa bilihan ng phone sila pumunta bagamat nag tataka hindi nalang sila kumibo maya maya pa ay binigyan sila isa isa ng papa ni Mito ng iPhone nakinagulat naman ng dalawa

Sige na tanggapin nyo na sa bahay natin kami lang ni honey ang may cellphone kaya tanggapin nyo na para hindi na kami mag alala kong nasan man kayo dahil tatawag nalang kami sa mga phone nyo" nakangiting wika naman ng papa ni mito, mag rereklamo pa sana ang dalawa ng biglang nag salita ang mama ni mito

Sige tanggapin nyo na sabihin nalang natin na gift namin sainyo yan dahil naka graduate kayo" sabi ng mama ni mito habang nakangiti kaya naman parang maiiyak ang dalawa sa sobrang saya bigla naman silang niyakap ni sakuragi at nag pasalamat

Salamat po tita at tito" tuwang tuwa na sabi ni sakuragi kaya naman na napangiti nalang ang mag asawa

Hoy hanamichi baka naman gagamitin mo lang sa mga babae yan tapos pag nabastid ka iiyak iyak ka nanaman" nang aasar na sabi ni mito na kinatawa naman ng mag asawa nainis naman si sakuragi sa sinabi ni mito

Tumahimik ka" sigaw ni sakuragi habang pinagtatawanan ng tatlo

Umuwi na tayo baka san pa mapunta ang asaran nyo" sabi ng papa ni mito kaya naman umuwi na sila

Nang makarating na sa bahay nila mito nag paalam na si sakuragi na matutulog na Ito

Matutulog na po ako tita tito" paalam ni sakuragi

Hapon pa matutulog kana, hindi kaba sasabay samin sapagkain" tanong ng mama ni mito

Hindi na po tita" sagot ni sakuragi at nag tungo nasa kwarto niya

Anong nangyari don" tanong ng papa ni mito

Binastid kasi yon non nakaraan buwan lang hindi matanggap ng loko kaya iyak ng iyak kada gabi" sagot ni mito

Sino nambastid sa kanya mito anak" tanong ng mama nito

Yong nag ayang sumali kay hanamichi sa basketball, ang pangalan haruko akagi" sagot ni mito

MAYBE MEANT TO BE [Slamdunk]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα