Chapter 2

129 12 0
                                    

Rukawa residents

Nasaan nanaman ang babaeng yon papa" tanong ni kaede sa ama

Lumabas mag papahangin lang daw" sagot nito sa anak

Kainis alam niya bang maraming mga gago dito sa kanagawa baka mapagdiskitahan ang babaeng yon, alam nyo po ba kong saan siya pumunta" tanong uli nito sa ama

Sa tingin ko nasa park yon" sagot ng papa niya, kaya naman nag madaling lumabas si kaede para hanapin ang kapatid

Kazumi sana walang mangyaring masama sayo" bulong ni kaede habang tumatakbo papuntang park

Kazumi POV

Ang ganda parin talaga dito sa kanagawa" bulong ko habang nag lalakad

Matignan nga sa park kong saan kami nag lalaro dati ni kuya" sabi ko saaking sarili

Habang nag lalakad ako papuntang park maraming nag bago sa daan pero still maganda parin, ng makarating ako sa park may napansin akong isang matangkad at matipunong lalaki nanakikipaglaro sa mga bata, ang nakakatuwa lang sa kanya kahit mukha siyang gangster palangiti ito makikita mo rin sa mga kilos niya na mabait ito hahaha bagay din sa kanya ang kulay ng kanya buhok na pula hahaha para siyang laruan ang cute niya tignan

Kaya naman pinanood ko nalang siya sa hindi kalayuan, hindi naman nag tagal yon dahil may tumawag ng pangalan ko ng tignan ko ito si kuya pala na hinihingal at pinag papawisan

Bakit kuya" tanong ko dito na inis naman ito sakin

Anong bakit kuya hindi bat sabi ko sayo na paglalabas ka mag paalam ka muna sakin o di kaya kay papa kong saan ka pupunta hindi mo pa dala ang cellphone mo pano kong may nangyari sayo, maraming mga lalaking mga gago dito sa kanagawa kaya sa susunod pag lalabas ka ng hindi dala ang cellphone mo mag paalam ka" sagot nito sakin

grabe naman to sana hindi nalang ako nag salita kanina

Opo kuya hindi nato mauulit  ngayon bukas naman" birong sabi ko kay kuya tinignan lang ako nito kaya naman napayuko ako sa takot alam ko kasing iba magalit si kuya kahit na mukha siyang patpatin

Hindi na po mauulit kuya pangako" nakayuko kong paghingi ng tawad sa kanya

Sige na umuwi na tayo" aya ni kuya sakin at nag lakad na kaya naman sumunod nako sa kanya

Kahit na mag kaedad lang kami ni kuya dahil kambal naman kami kuya ang tawag ko sa kanya dahil sabi ni mama at papa mas nauna si kuya kaede ilabas ni mama sa mundo second lang ako nakakapagtampo nga eh, hahaha joke lang, over protective si kuya sakin dahil siguro sa babae ako at higit sa lahat kami lang dalawa ni kuya ang mag kapatid kaya siguro napaka over protective niya mga bata palang kami ganon at mag pahanggang sa ngayon ganon parin siya sakin minsan nga naiinis nako sa kanya eh kaso pag sinusuntok ko naman siya baliwala lang kaya hindi ko nalang siya pinakikialaman

Kinabukasan

Sa bahay nila mito

Maagang na gising si sakuragi para mag jogging mga 5:30 palang gising na ito

Oh hanamichi gising kana pala tara at mag kape ka muna" aya ng papa ni mito kaya naman umupo na si sakuragi at pinag Timplahan naman siya ng kape ng mama ni mito

Salamat po tita" wika ni sakuragi at kinuha na ang kape

Matanong ko lang hanamichi hindi ba kaya ka sumali sa basketball dahil sa babae tapos ang babae naman nayon binastid ka anong plano mo" tanong ng mama ni mito

Ipagpapatuloy ko nalang po sayang naman kong hindi ko mapapakinabangan ang talento ko" sagot ni sakuragi

Good decision yan hanamichi baka balang araw ikaw naman ang susunod na magiging NBA player" wika ng papa ni mito

Hahaha hindi kaya ng powers ko yon tito" birong sagot ni sakuragi kaya naman natawa ang mag asawa

Ikaw talaga puro ka kalokohan" natatawang wika ng papa ni mito

Sya nga pala tito may headset ka po ba dyan pahiram naman po oh, wala kasi akong kasama mag jogging, yong wireless po sana kong meron" sabi ni sakuragi kaya naman tumayo ang papa ni mito at kinuha ang headset

Ito oh" sabi nito sabay abot ng headset kay sakuragi

Marami pong salamat tito" wika ni sakuragi ng papa labas na sana ito bigla naman sumigaw si mito

Sama ako" sigaw nito kaya naman binatokan siya ng kanyang mama

Wag kang sumigaw napakaaga pa ngayon loko" saway nito

Sorry" wika naman ni mito

Tara na mito, wag kang papahuli ha" aya ni sakuragi sa kaibigan

Kaya naman lumabas na ang dalawa ng bahay at nag simula ng mag jogging

Anong plano mo tol bukas na ang pasukan" tanong ni mito

Ang totoo niyan mito wala pakong plano bukas sa pasukan gusto ko nga mag absent eh Wala din naman kasing gagawin sa unang pasukan" sagot nito sa kaibigan

Hindi ganon, ang ibig kong sabihin okay kana ba sa pagbastid sayo ni haruko hindi na ba masakit" paliwanag nito kay sakuragi

Hindi ko din alam mito kong masakit pa ba oh hindi na" sagot nito kaya naman natahimik sandali si mito

Ibig sabihin ba may pag tingin ka parin kay haruko" tanong uli ni mito

Iwan" tanging sagot nito, hindi nalang nag tanong pa si mito at baka mainis pa ito sa kanya

Nag patuloy ang jogging nila hanggang sa nag 7:00, naisipan naman ng dalawa na umuwi na, ng makarating na sila sa bahay bumongad naman sakanila ang tatlo nilang kaibigan

Mito bakit kayo lang ang nag mall kahapon bakit hindi mo kami sinabihan" reklamo ni ohkusu

Oo nga ang daya nyo" sabi ni takamiya

Hanap ako ng hanap sainyo kahapon, saan ba kayo nag punta" sabi ni mito sakanila sumagot naman si sakuragi dito

Nasa pachinko parlor siguro ang mga itlog na yan" sagot ni sakuragi kay mito, umiwas naman ng tingin ang tatlo

oh Yon naman pala eh, kasalanan nyo naman pala kong bakit hindi kayo na kasama" sabi ni mito sa kanila

ito kasing si noma aya ng aya eh" sabi ni takamiya

si ohkusu kaya ang una nag aya satin hindi ako wag mo nga akong sisihin taba" wika naman ni noma kaya naman nainis ni ohkusu

Anong ako, eh wala naman akong pera kahapon kaya bakit naman ako mag sasayang ng oras don" inis na wika naman ni ohkusu, kaya naman nag rambolan ang tatlo nakita naman yon ng mama ni mito

kaya naman dalidali nitong inutusan si sakuragi na awatin, habang nag rarambolan sila sa sahig bigla naman silang nilapitan ni sakuragi at sinipa kaya naman tumilapon ang tatlo napangiwi naman ang mama ni mito sa ginawa ni sakuragi habang si mito naman tawa ng tawa

hoy tignan nyo" sabi ni sakuragi sabay kuha ng iPhone niya sa bulsa at sabay pakita sa tatlo

Na kinainggit naman ng mga ito si mito naman Lumapit din at pinakita ang iPhone niya nag katinginan naman ang dalawa sabay inikot-ikotan ang tatlo habang sinasabi ang salitang mainggit kayo

mainggit kayo mainggit kayo" sabi ng dalawa, pinalo naman sila ng malakas ng mama ni mito kaya naman napaupo sa sahig ang mga ito

Akin na yang mga cellphone nyo at wag kayong lalabas ng bahay ngayon hanggang hindi nyo pa nalilinisan ang bahay at hindi nyo makukuha sakin yang mga cellphone nyo hanggat hindi ko kayo pinapayagang umalis dito nag kakaintindihan ba tayo at may bonus pa kayo din ang mag lalaba ngayon" wika ng mama ni mito habang may madilim na awra,

sila sakuragi at mito naman naiiyak habang binibigay ang kani kanilang cellphone ang tatlo naman tawa ng tawa kaya naman hindi nakapagpigil si sakuragi at na headbat sila

kayo ang may kasalanan nito" sigaw ni sakuragi sabay headbat sa tatlo

buong araw na nag sisihan sila mito at sakuragi habang nag tratrabaho, kalahating araw din silang nag linis ng bahay at tatlong oras naman silang nag laba at pag katapos naman nilang mag laba namalengke pa sila kahit wala naman sa usapan

MAYBE MEANT TO BE [Slamdunk]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang