66

137 8 0
                                    


Haréin's POV

"Congrats sa atin guyssss woahhhh!"

Hindi ko mapigilang makaramdam ng saya dahil sa pagkapanalo nila laban sa Black Phoenixes. Halos dikit ang score kanina at magiging tie pa ata but then unexpectedly Isaac scored another three points in two seconds.

Halos magkamayaw ang mga nanonood dahil doon.

"HAHAHA lupit ng three points ni Cap e, hinagis ba naman 'yung bola pasok HAHAHA." Masayang sabi ni Top. Katabi nito sa upuan si Yereisha na mukang busy sa cellphone.

Napangiti ako at binalingan si Hanna na nakabuhat na naman sa Kuya Isaac nya. Halos ayaw nya nang humiwalay dito.

"That was a good shot honestly." Sabi ni Primo habang may isang babae ang nagpupunas ng pawis nya.

Pinagmasdan ko ang babae. Maamo ang mukha nito base sa nakita ko kanina pero pansin ko ang pag-iwas nito sa mga tao. Malayo ang pwesto nila sa amin at nakatalikod pa ito sa gawi namin.

Para syang introvert tapos ka'y Primo lang sya comfortable.

"Kagulat naman kasi talaga gago. Biruin mo two seconds nalang may pumasok pang three points." Sang-ayon ni Damian. Nakita ko pang nakahilig ito sa balikat ni Hyacinth.

"I don't want it tie." Sabi ni Isaac at humarap sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, tumitig ito.

"Did I make you proud?" Malambing nyang tanong sa akin.

Napahawak ako sa laylayan ng jersey nya. "Hm you played so good."

Napangiti sya ng malawak, napapikit naman ako nang maramdaman ang pagdikit ng labi nya sa noo ko. "That was for you and Hanna."

Ngumisi ako, "oh I tho it's for Erika."

Kumunot ang noo nya. Napabaling si Hanna sa kanya, "Who's Erika? Kuya?" Tanong nito sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Isaac na ikina-tawa ko nang bahagya. Tumingin ito sa akin kaya mas nginisian ko pa sya.

Ayan magpaliwanag ka.

"I don't know her too, love. Don't think about it okay?" Masuyo nyang sabi rito. "Are you hungry? Do you want something to eat?"

Umiling si Hanna kaya ako na ang sumagot. "Busog pa sigurado iyan, ang daming binigay ni Primo sa amin kanina na pinabili mo raw."

"Oh, well. I'm sure you both are tired. Come here." Pinaupo ako ni Isaac sa isang upuan at umupo sya sa tabi ko. Kandong nya si Hanna.

Nagpalaam sa amin si Primo na lalabas saglit kaya naiwan ay 'yung babaeng katabi nya kanina. Tahimik lang ito sa isang tabi habang pinaglalaruan ang mga daliri nya. She seems uncomfortable around us.

"She's Aivel, Primo's girl."

Kumunot ang noo ko na medyo nagulat sa sinabi ni Isaac. Hindi ko alam na halos silang lima ang may mga nililigawan o girlfriend na pala.

"Ang tahimik nya," sabi ko.

Tumango sya at masuyong hinawakan ang kamay ko. "She's only comfortable around Primo. She's distance to us."

"Oh introvert ba sya?"

"I think so," kibit-balikat nyang sagot.

Tumango nalang ako at tumingin ulit ka'y Aivel.

Epistolary: More Than Words Can Say. Место, где живут истории. Откройте их для себя