Chapter 18 (Jealousy)

Start from the beginning
                                    

"Ayos ka lang?" tanong ni Leo.

Pilit siyang ngumiti at kapagkuwan ay tumango.

"Ayos lang ako. Salamat, Leo," tugon niya.

Mataman naman siya nitong tiningnan sa mga mata.

"Ilang araw mo na siyang iniiwasan. Sigurado kang ayos ka lang?" Muling tanong nito.

Hindi siya umimik at naupo na lamang sa bangka. Si Leo ay napabuntong-hininga.

"Hindi mo siya maiiwasan ngayon kaya pasensya na. Kailangan ko siyang imbitahan dahil natutuwa ang lola ko kay Hunter. Kilalang matulungin din dito kahit napakatahimik. Pasensya na," anito at nahihiyang napakamot sa ulo.

"Ayos lang, Leo. Huwag mo akong alalahanin. Happy birthday nga pala," nakangiting sabi niya.

"Salamat," nakangiting sabi nito. "Tara na at nandoon na rin ang iba pang mga bisita sa bahay," anito at pinaandar na ang bangka.

Nang makarating sila sa bahay nina Leo ay kaagad niyang binati ang mga naroroon. Puro mangingisda rin ang naroroon. Mga binata, mga kadalagahan, at ang iba ay mga matatanda.

Nang sumapit ang gabi ay nag-umpisa na ang kasiyahan. Meron ng nag-iinuman at iba ay nagsasayawan na, sinasabayan ang tugtog.

Hindi niya mapigilang iikot ang paningin sa paligid. Nakita ng mga mata niya si Hunter na kasama ang ibang mangingisda. Umiinom ng alak ang mga ito.

Saktong tumingin ang binata sa kaniya habang umiinom ito ng alak. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

Awtomatiko siyang napalingon kay Leo.

"Mamaya na. Medyo busog pa ako," tugon niya.

"Seiranel! Leo! Hali kayo rito at samahan ninyo kaming sumayaw!" Sigaw ni Aling Mercy, kinakawayan sila habang sumasayaw.

Mahina siyang natawa. Maging si Leo ay natawa na rin. Ayaw niya sanang sumali pero hinila siya ni Leo papunta kina Aling Mercy. Kaya nasa gitna na sila ngayon, sinasayawan ng ilang matatanda.

Mahina na lamang siyang natawa at tumayo lamang doon. Hindi siya mahilig sumayaw pero hindi naman siya makaalis dahil pinapalibutan sila ng mga matatanda.

Ilang sandali lang ay nag-iba ang tugtog. Hindi iyon pang disco. Para iyon sa mga mag-nobyo. Napangiwi naman siya at akmang aalis na pero itinulak siya ni Aling Mercy patungo kay Leo.

"Isayaw mo na 'yan, Leo. Sei, pagbigyan mo na. Birthday naman," natatawang sabi ni Aling Mercy at sumang-ayon naman ang iba pa.

"Aling Mercy, tama na po. Nakakahiya kay Sei," nahihiyang sabi ni Leo.

"Ano ka ba? Ayos lang 'yan, hindi ba, hija? Kaarawan mo ngayon kaya sige na!" Pamimilit ni Aling Mercy.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Napailing na lamang siya at tumingin kay Leo.

"Sige na. Para matapos na sila," mahinang sabi niya, mahinang natawa.

"P-Pasensya na," nahihiya pa ring sabi ni Leo.

"Ayos lang," aniya at yumakap sa leeg ni Leo.

Awtomatikong hinawakan siya nito sa beywang at kapagkuwan ay mabagal silang sumayaw, sinasabayan ang mabagal na tugtog.

Halos magkayakap na silang dalawa ni Leo. Sa hindi malamang kadahilanan, kahit nakadikit ang katawan niya ngayon kay Leo ay wala siyang kakaibang nararamdaman. Iyon ang pinag-aalala niya kanina kaya nakahinga siya ng maluwag ngayon.

Hindi sinasadyang napatingin siya sa gawi ni Hunter habang mabagal silang sumasayaw ni Leo. Nakita niya si Hunter na diretsong nakatingin sa kanila. Madilim ang mukha nito habang umiinom ng alak ng hindi man lang humihiwalay ang tingin sa kaniya.

Nang matapos ang tugtog ay kaagad siyang binitawan ni Leo. Tipid niya itong nginitian.

"Pasensya ka na ulit sa mga kalokohan nila," nahihiya pa ring sabi nito.

"Ayos lang. Happy birthday ulit, Leo. 'Yung regalo ko, nandoon na sa lola mo. Marami kang bisita at maraming kausap kanina kaya hindi ko na naabot ng personal," aniya sa kaibigan.

Nakangiting nagpasalamat naman ito. Akmang tatalikod na siya nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa paligid. Kaagad niyang inabot si Leo dahil nabigla siya sa biglang pagkamatay ng mga ilaw.

Hinawakan niya sa kamay si Leo at kaagad naman siya nitong hinila. Nagtataka man ay sumunod siya sa kaibigan habang hila-hila siya nito.

Dinala siya nito sa kung saan at ganoon na lamang ang pagsinghap niya nang siniil siya nito ng halik sa mga labi habang sinasandal siya sa malaking bato. Nanlaki ang mga mata niya at akmang itutulak ito nang mariin siya nitong hinawakan sa beywang.

Patuloy siya nitong siniil ng halik sa labi. Nanlaban siya pero masyado itong malakas. Patuloy siya nitong sinisiil ng halik hanggang sa may napagtanto siya.

Awtomatiko siyang tumigil sa panlalaban nang mapagtanto na hindi si Leo ang humahalik sa kaniya ngayon. Alam na alam niya ang labi nito. Alam na alam niya ang halik na ito. At maging ang amoy nito ay alam na alam niya.

Hindi si Leo ang humahalik sa kaniya ngayon kundi si Hunter. Dahan-dahang bumaba ang kamay niyang nasa malapad na dibdib nito.

Kasabay ng pagbalik ng mga ilaw sa paligid ay ang pagtingin niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Tama siya. Si Hunter nga ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

Naikuyom niya ang mga kamao at sinuntok niya ang binata. Sumakit ang kamay niya pero wala siyang pakialam.

Pinunasan niya ang sariling mga labi habang galit na galit na tumingin kay Hunter.

Awtomatiko nitong hinawakan ang sariling labi, dinama ang dugo sa gilid ng labi nito dahil sa malakas na suntok niya.

Ngumisi ito at kapagkuwan ay dinilaan ang sariling dugo. Matalim ang mga matang tumingin ito sa kaniya at muli ay siniil siya ng halik sa labi. Mariin ang halik nito sa kaniya hanggang sa nalasahan niya ang sariling dugo.

Malakas niyang itinulak ang binata. Nagawa niya itong itulak pero muli ay siniil na naman siya nito ng halik sa mga labi. Mas mariin, mas magaspang.

Itinulak niya itong muli at kumuha ng maliit at matulis na bato. Akmang hahalikan siya ulit ng binata nang biglang dumugo ang kanang pisngi nito. Dahil sa matulis na batong pinadaan niya sa pisngi nito ay lumikha iyon ng mahabang sugat sa kanang pisngi ng binata.

Tila walang pakialam na pinunasan lamang nito ang dugo sa kanang pisngi.

"Isang halik mo pa sa'kin, sisiguraduhin kong babaon itong bato sa leeg mo," mariing sabi niya.

Ngumisi lamang ang binata at inilapit ang bibig sa tainga niya.

"Isang hawak pa ng lalaking iyon sa'yo, sisiguraduhin kong mababaon siya sa lupa," bulong nito sa mariin at mapanganib na boses.

Madilim ang mukha na tumingin ito sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin nito.

"Yes, I'm jealous. And even me doesn't even know what I can do just because of this fucking jealousy," anito sa mariing boses at iniwan siya.

Ramdam niya na tila nanghihina siya. Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi niya ito maintindihan. Nakipaghiwalay ito sa kaniya at ngayon ay nagseselos ito?

"Isa ka talagang napakalaking gago," mariing bulong niya at ikinuyom ang mga kamao.

Inaamin niyang natatakot siya sa maaaring gawin ni Hunter. Ang mga mata nito ay tila handang pumatay kahit na anong oras. Alam niyang hindi ito masamang tao. Pero alam din niya kung ano ang kaya nitong gawin.

To be continued...

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now