Bumukas ang pinto ng hospital room. Pumasok mula roon sina Kuya Jordan na karga ang anak na si Mara, kasunod ang asawa niyang si Carlyn, at si Hyde. Nanguna si Hyde palapit sa akin.


"Mommy, is that true that you have a baby now in your tummy?" Maaliwalas ang mukha ng batang lalaki. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa amin ni Hugo. Walang nagsasabi rito. Maingat ang lahat.


Naupo ako sa aking hospital bed. "Yes, Hyde. You're now going to be a kuya."


Lumawak ang ngiti ni Hyde. Nagningning ang kulay tansong mga mata. "Is is a baby sister or a baby brother?"


"I'm baby shister!" matabil na sabat ng malusog na batang babae na karga-karga ni Kuya Jordan, ang three-year old na si Mara.


Napangiti naman si Kuya Jordan sa anak. "You want a sibling too, Mara?"


Hindi nakaligtas sa aking mga mata nang kurutin ni Carlyn sa tagiliran ang asawa. "Try natin 'yan pag may sarili na tayong bahay, ha!"


Pasimpleng napangiwi na lang ang kuya ko. Nilambing na lang ang kargang malusog na anak. "Soon, Mara. Kapag tapos na tayo sa lupa at nakapagpatayo na tayo ng house, we'll give you a sibling."


Napanguso naman ang batang babae. "Swibling?" ulit nito na nakanguso. "Ish it mowre delicious than a dumpling?!"


Hindi ko na napigilan ang paghagikhik. Doon tumingin sa akin si Carlyn. "Anyway, Mara. We are here for your tita, kaya 'wag ka muna riyang pabida."


Umusog sina Kuya Jordan nang lapitan ako ni Carlyn. Nagpababa na kasi si Mara para magbutingting sa mga bulaklak na nasa kuwarto.


"How are you, Jill?" my sister in law asked me. Ramdam ko na may iba pa siyang gustong itanong, pero nag-iingat siya. Alam niya na sensitibo ngayon ang kalagayan ko.


"Getting better. Salamat sa pagdalaw niyo nina kuya."


"I-priority mo muna ang kalusugan mo, sissy. Hayaan mo na muna ang ibang bagay. You will have another child; it's been a long time since your last one, so it'll probably feel like the first time."


Si Hyde na nakayakap sa aking bewang ay hinagkan ko sa noo. Yes, a long time had passed since my first pregnancy. Hindi na gaanong maalala ng aking isip at katawan ang pakiramdam, pero hindi iyon nakalimutan ng puso ko kahit kailan.


"I love you, Hyde," sabi ko sa bata. "And I miss you, my first baby."


Bumungisngis naman ito at sumubsob sa aking tiyan. Mayamaya ay tumingala sa akin. "Mommy, is Daddy sick?"


Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Nasa labas nga pala si Hugo. Siguradong nagkita silang mag-ama.


"Because Daddy's eyes are always gloomy and he seems to have lost weight too. Mommy, I asked Daddy several times what was wrong, but he only smiled at me!"

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now