Chapter 35

1.2K 27 0
                                    

Kira's pov

Habang nanonood ako ay may tumawag naman sa cellphone ko at nakita kong unknown number lang. Nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi, nanginginig na kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito.

"S-sino ito?" Tanong ko sa kabilang linya pero tahimik lang ito kaya nag salita ulit ako. "Sino ka ba? A-anong kaylangan mo?" Tanong ko ulit sa kabilang linya.

(Chill my sister-in-law. It's me Devion my brother twin) napahinga naman ako sa sinabi nito. "Anong kaylangan mo?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.

(Hmm can we meet? In mini park sa subdivision ng bahay ni Demon?) Napakunot naman ang noo ko sa sagot nya. "Sorry pero di ako pwede." Sagot ko sa kanya bago binaba ang tawag.

"Sino yong tumawag?" Napalingon ako sa tanong na yon, nakita ko si Margaret na may hawak na mangko na puro sweets ang nakalagay.

"Si Devion ang tumawag." Sagot ko sa kanya na ikinangiwi nya. "Speaking of devil? Ano naman kaylangan sayo ng hudas na yon?" Taas kilay na tanong nya sa akin, nag kibit balikat naman ako.

"Nasaan pala sila Sean? Bakit di ko makita?" Tanong ko sa kanya na ikinakibit balikat nya rin. "Di sinabi eh, pero hinabilin ka nya sa akin na bantayan daw kita." Napatango nalang ako sa sagot nya.

Muling nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito pero this time muhkang kilala ko na.

Unknown number:
Ate si Denise ito mag kita tayo sa park ngayon gusto sana kita makausap at para din sana ito sa favor ko sayo. Tinext ko na rin sila Daniella para sa meet up natin. Hwag mo muna sasabihin kay kuya Sean ah? Gusto ko sya isupresa.

Napangiti naman ako sa chat ni Denise. Agad na akong tumayo na ikinataka naman ni Margaret.

"Mag bihis ka Margaret may pupuntahan tayo." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Saan naman?" Tanong nito sa akin. "Basta..." hinatak ko na sya patayo.

Fast forward

Naka sumbrero ako ngayon dahil yon ang gusto ni Margaret para daw ito sa safety ko na di ko malaman kung anong meron.

Nandito na ako sa lugar kung saan kami mag kikita, nakita ko na agad si Shaila kasama si Daniella na ngayon ay kausap na si Denise.

"T-teka!!! S-si ms. Denise ba yon?" Di makapaniwalang tanong nito sa akin. "Oo," sagot ko sa kanya. "Omg!! I need to call bos---" napatigil sya ng pigilan ko sya.

"Hwag mo muna sabihin kay Sean dahil ito ang gusto ni Denise." Nag aalalang sagot ko sa kanya. "But why?" Tanong nito sa akin. "Si Denise lang makakasagot nyan." Sagot ko sa kanya.

Hinatak ko na agad sya papalapit kila Denise na ngayon ay nag tatawanan na silang lahat.

"Ano pala sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya. "Wala pa bang sinasabi sayo si kuya?" Balik tanong nya sa akin na ikinailing ko.

"May kaylangan ba akong malaman?" Tanong ko sa kanya. "Hmm wala, di na muna siguro ngayon." Nag taka naman ako sa sagot nya.

"Denise sino pa ba ang may alam na buhay ka?" Tanong ni Shaila sa kanya. "Si Ace palang at ang kuya ni ate Kira." Sagot ni Denise.

"Hwag ka na ngang maging pormal sa akin Denise. Pero teka alam na din pala ni Ace na buhay ka?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo, alam nya na sa una palang. Dahil mismong ang mga magulang nya ang nakakita sa akin noon." Di makapaniwalang nakikinig kami kay Denise.

"Wala ka bang lost memories?" Tanong ni Shaila na ikinabatok naman ni Daniella. "G*ga ka talaga! Ang gandang tanong ah." Sarkastikong sumbat ni Daniella na ikinanguso naman ni Shaila.

"Wala naman. Mabait si Ace, palagi nga akong kalaro noong bata pa ako eh. Pero akala ko talaga kapatid ang turing nya sa akin." Malungkot na sagot ni Denise. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Mula nong tumungtong ako ng 18 umiiwas na sya sa akin. Di ko alam kung bakit pero don ko na pala nalaman na kaibigan nya kapatid ko. Sabi nya sa akin 'di ka pa ba mag papakita sa kuya mo?' Umiling pa ako noon kasi di pa ako handang makita si kuya hanggang sa malaman ko nalang din na marami na rin nabubully ni kuya kasama ka na doon." Mahabang linyanya nya.

"Wala iyon." Sagot ko sa kanya. Nag kwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggang sa may sinagot si Margaret.

"Hello boss?" Nag katinginan kaming tatlo. "A-ahh nag gala p-po kami." Napapansin ko din na napapalunok si Margaret na halatang kinakabahan. "P-pauwi na rin po kami. Opo boss mag iingat po kami lalo na si ms. Akira." Pag kasabi nya non ay binaba nya na ang tawag.

"Aalis na kami ni Margaret, pinapagalitan sya ng kuya mo eh," natatawang sambit ko bago tumayo sa kinauupuan ko.

"Hahaha ikaw na bahala kay kuya." Tumango ako sa kanya bago nag paalam.

Fast forward

Pag uwi ko ay napansin ko na parang ang tahimik naman ata ngayon. Nasaan na ang mga tao dito?

"Hala anong nangyari?" Tanong ko kay Margaret na ngayon ay parang namumtla na ewan hanggang sa sumimangot nalang ito.

"Boss lumabas na kayo, baka naman bigla nalang nyo gulatin si ms. Kira", saad nya hanggang sa lumabas nga si Sean na ngayon ay nakamewang at masama ang tingin sa amin.

"Saan kayo galing?" Nakataas-kilay na tanong nya. "Sa galaan?" Patanong na sagot ko. Narinig ko pa ang mumunting tawa ng mga kasama namin na ikinatahimik din nila dahil sa sama ng tingin ni Sean.

"What time now?" Tanong muli nito sa akin. "Oras na po para mag pahinga ako?" Muli ko na naman narinig ang tawa nila at this time napapalakas na.

"Quite!!!" Galit na sigaw ni Sean na ikinatahimik nila. "Akir---" pinutol ko agad ang sasabihin nito sa akin.

"Pwede ba? Pagod ako mamaya mo nalang ako sermonan." Inis na sabi ko sa kanya bago hinila si Margaret na ikinataranta nito.

"At hwag nyo muna sirain araw ko ngayon itong bwisit na bwisit ako!!!" Sigaw ko na naman bago sinarado ang pinto.

Nakita ko naman ang reaksyon ni Margaret. "Oh bakit?" Masungit na tanong ko sa kanya. "Meron ka ba? Ang sungit mo kasi eh?" Tanong nito sa akin. Napasimangot nalang ako bago tumango. Tumawa naman ito na ikinanguso ko lalo.

"Kaya pala parang bwisit na bwisit ka" tawa na sabi nito. "Bahala ka nga dyan!" Inis na sabi ko bago nahiga.

Continue

(Busy ako kaya madalang makapag update, pasensya na)

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDWhere stories live. Discover now