Chapter 47

1.3K 62 26
                                    

[Honey]

Jameson's entire family now knows about Honey's pregnancy. Masayang ibinalita nito sa mga magulang ang tungkol sa kalagayan niya pagkatapos nitong malaman. Sa sobrang saya pa nga ni Jameson, biglang nagpahanda ng celebration nilang pamilya.

They are all happy. Everyone's excited with the new life growing inside her womb, except her.

This is the worst thing that could ever happen to her right now. Especially in her current situation. Sarili nga lang niya ay hindi niya mailigtas sa kamay ni Jameson, dadagdag pa ng bata?

Oh God... please, make this just an addition to her nightmare.

"Masaya kami para sa inyong dalawa," wika ni Jaime Ledesma sa gitna ng kanilang dinner.

Pagdating nito kanina ay may dala nga kaagad itong vitamins para kay Honey. Ang ama lang ni Jameson ang tanging kinakikitaan niya ng sinseridad sa pamamahay na 'to.

"You should take extra care of yourself now that you are carrying my grandchild," wika naman ni senyora Cecilia at saka marahang pinunasan ang bibig bago muling nagsalita. "Kung may kailangan ka ay 'wag kang mag-aatubiling lumapit sa akin. Para na rin kitang anak."

"Did you hear that?" baling sa kanya ni Jameson. "Kapag wala ako sa tabi mo, you can always count on her."

Tinignan nito ang ina at gustong masuka ni Honey oramismo dahil sa pagmumukha ng mga ito.

Walang pagpapanggap niyang tiningnan ng masama ang senyora na tila hindi naman nito ikinabahala. Sa halip ay nakangiti ito sa kanya na parang demonyo.

Fuck that old woman. Kung pwede lang niyang ibuga ang laman ng bibig niya sa mukha ng matandang 'to ay malamang ginawa na niya. God knows how much she'd love to wipe off that fake smile on her face!

Pero s'yempre ay hindi niya pwedeng gawin 'yon.

Huminga si Honey ng malalim para kalmahin ang nanginginig niyang mga kamay. Pinili niyang 'wag na lang sumagot kaysa kung ano pa ang lumabas sa bibig niya. Tahimik siya hanggang natapos ang kanilang dinner.

Paakyat na si Honey sa kwarto nang maisipan na gustong niyang magpahangin. Kahit halos hindi na sila magkitaan dito sa mansyon dahil sa sobrang laki nito, pakiramdam pa rin ni Honey ay hindi sapat ang hangin na dumadaloy rito para makahinga siya ng maluwag. The air circulating inside this hellish house is too suffocating for her.

"Ser, maniwala kayo sa 'kin. Hindi na po mauulit!"

Kunot noong napatigil si Honey pagkarinig sa boses na 'yon bago pa man siya makalabas ng mansyon.

"Ano namang mapapala ko kung patatawarin kita ngayon... tapos umulit ka?" Boses ni Jameson.

"Pangako, ser! Utos niyo lang ang susundin ko kahit anon'ng mangyari! Hinding hindi ko na pagbibigyan ang kahit ano'ng iutos ni Ma'am nang walang permiso ninyo!"

Sinubukan niyang sundan ang boses nito ngunit bigla na lamang 'yong naputol. Ngunit patuloy na naglakad pa rin si Honey at sinundan ang mahihinang bulung-bulungan hanggang sa nakarating siya sa isang nakaawang na pinto. Napatingin siya sa paligid at ngayon lang siya nakapunta sa parteng ito ng mansyon ng mga Ledesma.

Dahan dahan na sumilip siya sa awang ng pinto ngunit gano'n na lamang ang panlalamig ng buong katawan niya sa sunod na nasaksihan.

Bumulagta ang duguang katawan ng isang lalaki sa sahig.

Muntik na mawalan ng lakas ang mga tuhod niya sa nakita. Nakatayo si Jameson sa harapan ng lalaking bumulagta at malademonyo itong tumatawa. Bumagsak ang tingin ni Honey sa kamay nitong may hawak na baril.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon