Chapter 5

1.4K 66 15
                                    

Honey

“Oh my goodness...a-ano ba 'tong ginawa ko...s-shit....” Ibinuhos niya ang buong lakas para maitulak ng husto ang cabinet sa mas preferred niyang pwesto. Hingal na hingal siya pagkatapos at napaupo na lang sa gilid ng kanyang kama.

Naubos ang halos maghapon niya sa pag-aayos ng buong bahay. Maliit lang ang kanyang naupahan pero dahil maselan siya at gusto niya ay 'yong maganda sa paningin, nakailang ulit siya sa paglilipat ng mga gamit bago nakuha ang gustong ayos. Kung may choice lang sana siya na mas maganda at malaking bahay edi hindi na sana siya nagpakahirap ng gan'to sa pagpapaganda. Kaso ay ito lamang ang natatanging pupwede niyang upahan oramismo. Isang maliit na bahay na mukhang mas matanda pa sa kanya.

“Did I already get everything?” bulong na tanong niya sa sarili at pinagmasdan ang ref na punong-puno ng stocks. Daig niya pa ang handa sa anumang sakuna sa dami ng pinamili niyang pagkain. “Okay perfect.”

Tumungo naman siya sa kanyang mini vanity mirror na nasa paanan ng kanyang kama. Tsinek niya isa-isa lahat ng skincare at makeup products niya. Pagkatapos na masigurong kumpleto ang kanyang supply para sa buong buwan, nag-isip na siya ng iluluto.

“This is so hard,” bulong na naman niya at napahilot sa kanyang sentido. “Dapat yata nagdala ako ng kahit isang maid lang. Or maybe even a butler too. Ugh. Why did I just think about it now?” Napasabunot siya sa sariling buhok.

Sa huli, nag-decide siyang magluto ng kahit anong madali para sa kanya. Kumuha siya ng cup noodles at tinapay saka siya nagpakulo ng tubig. She played a song on her cellphone to lessen her boredom while waiting for the boiling water. Sinabayan niya pa ang kanta ngunit bago makabirit ay may biglang kumatok kaya napahinto.

“Panira naman 'to bibirit na 'ko, eh. Tsk.” Simangot siyang naglakad patungong pinto at awtomatikong tumaas ang kayang kilay nang makita ang si Leo sa tapat ng pinto. Isang panira nga. Ano namang ginagawa ng insektong 'to rito?

“Good evening,” milagrong bati nito na ikinagulat niya. Na-wirdohan na nga siya sa pagbati ni Leo, mas lalo pa ng ngumiti ito. Ang creepy!

“What do you want?” masungit niyang tanong.

“Dito ba galing 'yung amoy noodles?”

“Yes, why?” matapat naman niyang sagot.

“Yan ba 'yung... instant spicy seafood na jjampong?” excited na tanong ulit nito at parang umilaw pa bigla ang mga mata. Napaisip siya kung 'yun nga ba 'yong niluluto niya, pero hindi niya na tanda. Basta niya lang kasi kinuha 'yong pouch ng noodles.

“So what?”

“Baka naman may extra ka pa d'yan??” Napahawak ito sa likod ng ulo nito. “Tangina 2 years na 'kong naghahanap niyan dito pero wala akong makita!”

“Ahhh. So you came to my house at this hour para lang... manghingi ng noodles?” Napatawa siya. “Close ba tayo?”

Nalaglag ang mga balikat ni Leo. Alam naman nito na siguradong tatawanan lang ito ni Honey, pero nagbakasali pa rin.

“Sabi ko nga hindi, eh.” Akmang tatalikod na ito at bigong aalis ay tinawag niya ito para papasukin sa loob.

“Bilisan mo bago pa magbago ang isip ko. Just don't you dare rob me or do something bad, I swear, kaya kitang patumbahin.” Bata pa lang ay sinanay na siya ng kanyang ama kung papaano protektahan ang sarili. Kaya subukan lang ng lalaking ito na gumawa ng hindi maganda, siguradong may kalalagyan ito sa kanya.

Napatawa ng malakas si Leo. “Wag kang mag-alala. Sa noodles mo lang ako interesado.”

At dahil sa pagkain nila ng noodles nang gabing 'yon, himalang nagkasundo na sila pagkatapos. Hindi rin sila parehong makapaniwala pero natatawa na lang sila. Isinama pa nga siya ni Leo kinabukasan sa pupuntahan nilang ilog ni Ali dahil maganda raw doon. Pati tuloy si Ali ay nakuha ring magtaka sa biglang pagkakasundo nila.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Where stories live. Discover now