Kabanata 12

1K 29 1
                                    

Dinala na ako ni Aves sa bahay niya, limang bahay ang dinaanan namin bago kami nakarating. Medyo malaki 'to kaysa sa bahay nila mr. Paul.  Nilibot ko ang paningin ko sa ang buong sala na wala naman masiyadong gamit, tanging mahabang upuan at dalawang single chair, may coffee table din sa gitna at may isang malaki ding bookshelf na puno ng libro sa gilid lang ng hagdanan paakyat sa second floor. 

Pinakita niya sa 'kin ang kusina, kompleto naman siya ng gamit sa kusina. May malaking cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit sa pagluto at mga pinggan, platito, baso at mga kubyertos. Sa kabilang banda naman ay ang lutuan at lababo, may cabinet din kung saan ang lagayan niya ng pagkain pero walang laman 'yon dahil hindi daw siya nagtatagal dito dahil sa palasyo nga siya namamalagi.

"So ako lang pala lagi mag-isa dito?" Tanong ko sakaniya

" Hmm... I'm planning to stay here for good"

" Huh?"

"How can I protect you, if I'm not here?"

He have a point, pero okay na sana e akala ko masosolo ko itong bahay lagi.

"Pero paano kung hanapin ka sa palasyo?"

Hindi niya ako sinagot at ginulo lang ang buhok ko.

" Ihahatid na kita sa kwarto mo" sabi niya at nauna ng lumabas ng kusina.

Umakyat na kami papunta sa second floor at naglakad lang ng kaunti at nasa tapat na kami ng isang kwarto. Tatlo ang kwartong nandito sa taas at may nakita akong isang pinto sa baba sa ilalim lang ng hagdan pero hindi ko na 'yon pinansin dahil baka isang private room 'yon.

" That's my room..." Turo niya don sa kwartong katabi lang ng kwartong nasa harap namin.  "Like what I said, bawal ka pumasok diyan. If you need something, just knock and call me"

" Hhm...okay"

" This is your room" sabi niya at binuksan niya yung pinto ng kwartong nasa tapat namin. Una niya akong pinapasok at akala ko susunod siya pero nanatili siyang nasa bungad ng pinto. Hindi ko nalang siya pinansin at nilibot nalang ang paningin sa buong kwarto. 

It's boring!! From the curtain to bed it's white, the wall, the floor, the door and the cabinet it's brown.  Walang kabuhay-buhay ang kwartong 'to.

"I'll go ahead, I have something important to do."

"Saan ka pupunta?" Tanong ko

"Saglit lang ako, I'll be back before the welcome party"

He didn't answer my question again...

"Hhm... Okay"

"Wag kang lalabas ng bahay"

"Eh?"

"Rule number three, bawal mag-reklamo"

Well, wala naman ako balak lumabas. Mas gusto ko pa nga na nasa loob lang ako ng kwartong 'to at magbasa nalang ng libro.

"Okay" kibit balikat na sabi ko.  "Ingat ka"

"Remember my rules"

"Hhm..."

Bahagya siyang umiling at umalis na, sinara ko ang pinto at sinimulan ko ng libutin ang buong kwarto. Malaki naman siya kaso ang boring lang talaga ng kulay. Inayos ko na rin ang mga dala kong gamit at nilagay 'yon lahat sa loob ng cabinet. Mga damit lang naman 'yon at ilang mga personal na gamit. Naligo na rin ako pagkatapos ko mag-ayos ng gamit at nag-ayos ng sarili. Nagbihis lang ako ng sempleng pink dress dahil dito lang naman ako sa loob ng bahay.

After that, dahil wala naman na akong gagawin lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala para maghanap ng librong babasahin. Kumuha ako ng limang libro at after non dinala ko sa kwarto ko para doon basahin. Pagtapos ko basahin ang isang libro sinunod ko naman yung isa hanggang sa matapos ko ang tatlong libro.

"Miss Eilia"

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni miss Shania. Agad akong bumangon sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto, bumaba ako ng hagdan at naglakad papunta sa harap ng pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa akin si miss Shania na nakangiti.

"Miss Shania, m-may kailangan po kayo? Wala po kasi si Aves"

"Oo, nagpaalam siya sa amin at pinagbilin ka nga niya sa akin."

"Hhm...G-Ganun po ba?"

I feel uncomfortable, until now hindi pa rin ako sanay makipag-usap sa ibang tao. Hindi pa ako komportableng kausap sila miss Shania.

"Malapit na magsimula ang welcome party, kailangan mo ng mag-ayos"

"P-Po?"

I forgot about the party!

" Tutulungan na kita, ako bahala sa 'yo"

" Po? Uh...H-Hindi na po kailangan, kaya ko na po--"

" Naku wag ka na mahiya!"  Sabi niya at bigla nalang niya ako hinila palabas.

" T-Teka po..." Pigil ko sakaniya

" Bakit? May problema ba?"

" H-Hindi po ako puwede lumabas"

" Bakit naman?"

" Uhm... Ayon po ang bilin ni Aves sa 'kin" nakayukong sabi ko.

" Hay naku! Napaka-protektive talaga ng batang 'yon!" Buntong-hiningang sabi ni miss Shania.  "O'sha at dadalhin ko nalang dito ang mga gagamitin natin sa pag-aayos sa 'yo, baka pareho pa tayo mapagalitan. Hintayin mo nalang ako diyan"

" Uh...hhm..."

Umalis na siya kaya pumasok na ulit ako sa loob ng bahay, nakahinga ako ng maluwag nang maisara ko na ang pinto pero hindi ko 'yon ni-lock para makapasok na ng deretso si miss Shania.

Saglit lang akong naghintay at maya-maya lang ay dumating na ulit si miss Shania dala ang mga gamit na gagamitin niya daw sa 'kin. Sa kwarto ko niya ako inayusan, nilagyan niya ng kaunting palamuti ang mukha ko at inayos niya din ang buhok ko. Kumuha siya ng kaunting hibla ng buhok sa magkabilang gilid at tinali 'yon sa likod using black ribbon hairband, kinulot niya ang dulo ng buhok ko para daw mas maganda tignan.

"You look beautiful" sabi ni miss Shania habang inaayos ang curtain bangs ko.

"Thank you po" nahihiyang sabi ko

"I think alam ko na ang babagay na damit para sa 'yo" sabi niya at hinalungkat yung bag na dala niya, at maya-maya lang may nilabas siyang white chiffon off shoulder dress na hanggang kalahati ng binti ko ang haba.

"S-Sure po kayo diyan?" Nag-aalingang sabi ko

"Of course, bagay sa 'yo 'to for sure"

Ang pagkakaalala ko welcome party ang magaganap ngayong gabi, bakit parang ikakasal naman ako sa damit na 'to. At saka mahilig ba talaga sila sa white?

"Uhm... W-Wala na po bang iba?"

"Ayaw mo ba nito?"

"H-Hindi naman po, Uhm... Feeling ko lang po hindi siya bagay para sa event ngayon. Maybe a simple dress--and not white"

"Hmm... You are right" sabi niya  "Okay, let's find another one"

Naghanap pa siya sa mga dress na dala niya and I ended up wearing a blue chiffon V neck long sleeve above the knee dress.  It's not simple but not too elegant, sakto lang. I wear a blue flat shoes para bagay sa suot ko at para hindi rin ako mahirapan maglakad.

"You are so gorgeous!"

"T-Thank you po" nahihiyang sabi ko

"O'sha, aalis na ako. Hintayin mo nalang dito si Aves" sabi niya habang nililigpit yung mga gamit niya.

"Hhm... Thank you po ulit"

"Wala 'yon"

Umalis na siya kaya naiwan ulit ako mag-isa sa kwarto ko. Napatingin ako sa salamin at napatitig sa sarili.

Eilianna is really gorgeous... I'm jealous of her...

A Vampire Who Got Reincarnated In Another WorldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant