Chapter 2

5 0 0
                                    

Agad kong sinugod yung pinsan kong babae sabay sampal sa kaniya.















"T*rantado ka! Anong karapatan mong saktan ang kapatid ko?" Sigaw ko sa kaniya. Napa hawak naman siya sa pisngi niya, tas bigla akong sinabunutan, pero syempre, hindi ako nagpatalo.















"Wala akong ginawa sa kapatid mo" sabi niya.















"T@nga! Hindi magkaka pasa yan kung hindi mo hinampas" sabi ko sabay suntok sa mukha niya. Lumabas naman si Tita at inawat kami.















"ANONG GINAGAWA NIYO?" Sigaw niya. "IKAW, ANG KAPAL NG MUKHA MONG SAKTAN ANG ANAK KO SA SARILI KONG PAMAMAHAY, NAKIKITIRA KA LANG NAMAN DITO" sabi niya sa akin, at dinuro duro pa ko. Sa sobrang inis ko, pati sarili kong tiyahin nasampal.















"MAS MAKAPAL ANG MUKHA MO! NAKIKINABANG KA SA PERA NG NANAY KO, TAS TATARANTADUHIN NIYO KAPATID KO? AALIS NA KAMI DITO, AT SISIGIRADUHIN KO NA NI-PISO WALA KA NG MAHUHUTA SA NANAY KO!" sigaw ko sa kaniya. Inawat niya pa ko, pero binantaan ko siya na kakasuhan ko sila ng child abuse pag hindi siya tumigil. Andaming pasa sa likod ng kapatid ko. At sigurado akong etong pokp*k kong pinsan ang may gawa nun.















_____

(Anak, pasensya ka na ah? Wala ba kayong matutuluyan ni Khlein ngayong gabi? Hindi ko naman alam na ganyan yang tita mo sa inyong dalawa e.) Sabi ni Mama at tumawag ako sa kaniya.















"Matagal na yan, Ma. Tiniis ko lang. Sumabog na talaga ako kanina nung nakita ko yung pasa ni Khlein sa likod" sabi ko.















OFW sa Middle East ang nanay ko, malaki ang sinasahod, kaya hindi kayang umuwi agad. Naiwan kami ng kapatid kong si Khlein (10) sa tita ko, na may anak na babae.  Si Tita ang nakakatanggap ng perang pinapadala ng nanay ko, pero ngayon? Ako na. Sobra na sila.















I'm Khlay, Khlay Cielo Torres, graduating na ko sa College. And yun nalang inaasahan ko, para makapag work na ko, at maiuwi na si mama dito sa Pilipinas.















(Uuwi ako, kaso next month pa. Paano yan, san kayo tutuloy ngayong magkapatid?) Tanong ni Mama.














"Magtatanong tanong ako sa mga kaibigan ko. Kapag wala, maghahanap nalang ako ng apartment, huwag ka mag alala ma, iuupdate kita." Sabi ko. "Patayin ko muna tong call, para matanong ko mga kaibigan ko" sabi ko pa.















[ Shey: Nasa dorm ako tumutuloy te, bawal bata dito e.]
[ Jero: Madami na kami dito sa bahay te, 5 pamilya na kami. Baka isipin pa nila, bumuo na din ako ng sa akin.]
[Jay: Keribels lang naman kay Motherhood na mag stay kayo dito, sunduin ko kayo, san kayo?]















Sinend ko kay Jay yung location namin. Ilang minutes lang, dumating na siya.















"Kaloka naman yang tita mo, pasabugin ko kaya bahay nila." Sabi niya habang tinutulungan akong ilagay sa compartment ng kotse niya yung gamit namin.















"Panandalian lang to, Jay. Once na umuwi na si Mama. Aalis din kami ni Khlein sa inyo" sabi ko sa kaniya















"Ano ka ba, okay lang. Nung sinabi ko kay mama na makikitira ka sa amin, natuwa pa. Akala niya siguro, mababago mo ko. No gurl! Sa borta pa din kakaldag ang ate niyooo!" Natawa naman ako.

Long Discovery of LoveWhere stories live. Discover now