Ayan pa. Gaslighting pa more. Ganoon naman palagi ang drama niya e. Parang ang labas palagi, siya lang ang nasasaktan. Siya lang ang nahihirapan. Na ako, wala lang. Isang pader na gawa sa adobe. Weather-proof. Eathquake-proof. IP99.
Gusto ko sanang sabihin na I didn't need you to be in my life. Na I didn't need you to be there sa pesteng dinner date na iyan. I just wanted him to be there. Out of respect na lang sa akin, not as a girlfriend but as a fellow human being. Na instead na nakikipag-party siya sa mga naka-two piece na mga babae, sana irespeto man niya ako bilang tao and do things na ipinangako niya.
I wanted him so bad to be my love and not my lesson. Not another fucking lesson.
Pero siyempre, di ko masabi iyon. I don't want to appear petty. Kung may mga bagay na puwedeng itago na lang, mas maganda siguro itago na lang. Just to maintain peace in our relationship. So I just decided to be silent. Isang katahimikan na sana, hopefully, can make him feel what I was feeling.
"Hello, Kiki? Why are you not saying anything?" tanong pa ni Gab sa akin. So iyung hope ko na makaramdam din siya kahit kaunti sa nararamdaman ko, it's all down the drain na kaagad.
"I don't know what to say anymore, Gab. And I have some work to do" sagot ko na lang sa kanya, sabay buntong hininga.
"Goodbye, Gab" sabi ko uli, tapos pinutol ko na lang ang usapan naming dalawa.
***
Pinukaw ng isang emergency call ang kanina ko pa pagninilay-nilay sa situation namin ni Gab noong gabi na iyon. May darating daw na pasyente, self harm daw sabi nila. At dahil ako ang in charge ngayon sa shift na ito, wala na akong magagawa. Kailangan ko gawin ang aking trabaho.
After 5 minutes nang pag-aantay sa may ER, biglang dumating na ang pasyente. Ibinigay sa akin mga taga emergency response ang details ng lalake, which, to be honest, I ignored na din lang. Tinginan ko na lang ang pasyente na nakahiga sa stretcher.
"Parang he looks familiar" sabi ko na lang sa nurse na nag-aassist sa akin papuntang operating room. He has this dishevelled hair, tapos iyung mukha niya e parang di pa nadalaw uli ng kahit anong razor. Razor na dapat ay ginamit niya para ahitin ang balbas at bigote niya. Hindi para laslasin ang kaniyang pulso.
It was a simple operation lang naman. Walang kahit anong vein ang natamaan sa paglalaslas niyang iyon. Madami nga lang dugo, kasi lasing na lasing pa ang pasyente na iyon. After almost 2 hours, natapos na din ang pagsusulsi ko sa sugat niyang iyon.
Habang nakahiga ito sa ICU, pinagmamasdan ko pa rin ang mukha nitong pasyente na ito. Parang there's something in him that makes me extraordinarily concerned about his well being. Something that makes my heart beat faster. Hindi ko alam kung lukso lang nang dugo iyon or whatever, but there's something special that I was feeling for this man.
I read his records na ipinasa sa akin ng emergency rescue team kanina. Leandro Augusto Barcelona. 32 years old. AB- ang blood type. At kung ano-ano pang mga vitals ang nadiskubre ko sa kanya. Mga bagay na, to be honest, hindi naman makakapagpakilala sa kanya sa akin. Makes me wonder, who in hell is this guy.
Biglang pumasok sa kuwarto si Thea, ang isa sa mga nurses na nagaasikaso sa ICU ngayon. She just bowed her head then put in medications sa IV fluids niya.
"He looks kind of familiar, Thea" sabi ko sa kanya habang siya naman ay nagaayos ng flow ng IV fluids niya.
"Ah, baka kasi na-meet mo na siya dati, Doc" sabi naman ng nurse. "Kaibigan siya ni Doctor William, iyung doctor na nag-leave."
"Oh, I see" ang tangi kong nasabi na lang. I started to feel a warm sensation on my cheeks when I heard who he was. Si Mr. V-neck guy pala ito. Iyung lalakeng naging dahilan nang bigla-bigla kong pangba-blush almost a year ago.
Pagkaupo ko sa aking seat sa opisina, I can't help but wonder what happened to him. I mean, he seems to be a happy man. Parang maloko at mapagbiro pa nga ito, to the point na mismong si Dr. Andalusia, napapatawa niya. So bakit siya biglang nagplano magpakamatay?
Ang buhay nga naman nang tao. Mahirap talaga mag-judge kapag cover lang ang nakikita mo.
***
Forty eight hours.
Wala pa ring message sa akin si Gab. Para na akong tanga na kanina pa tingin ng tingin sa phone ko. Umaasa na sana, kahit papaano, kamustahin man lang ako ng kasintahan ko. Pero wala. Matigas din siya masyado. Kaya sa halip na magmukmok at magdalamhati, I decided to just go back to work and visit my patients.
Pagkadating ko sa kuwarto ni Mr. V-Neck guy, I saw Dr. Andalusia, reading through his charts. Ang laki din nang ipinayat ni Doc William. At kagaya ni V-neck guy, parang di pa nadadalaw ng ilang linggo ang balbas at bigote nito.
"Doctora Gil" bati nito sa akin. I just smiled and nodded sa pagbati niyang iyon.
He then proceeded to ask me about his friend's condition, which I reported to him accordingly. He was as serious as ever. Panay tango at tanong lang siya sa aking mga sinasabi.
"Thank you for saving Lean nga pala, Doctora" sabi nito sa akin after I told everything about his friend's condition. "I really appreciate it."
"Wala lang iyon, Doc. You are welcome."
"By the way" sabi uli ni Dr. Andalusia sa akin. His was wearing a worried face, na first time ko lang nakita sa kanya. "I would highly suggest na you let him stay sa hospital for at least 2 months. Or unless makita mo na stable na condition niya."
I gave her a puzzled look. Stable na ang condition niya? Eh ang sugat naman niya wasn't too deep in the first place. I was actually planning on discharging him after a week.
"He's manic depressive, doc" sabi nito sa akin bigla. "I don't know what triggered him again, but I'm afraid of what will happen next."
"I see." Iyon na lang ang naisagot ko sa kaniya. Kaya pala bigla na lang naglaslas ng pulso ang taong masayahin na ito.
"Ano na namang chinichismis mong iyan, Liam?"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was Mr. V-Neck guy, with a smile plastered across his face. Dr. Andalusia's face lit up when he saw his friend wake up from his slumber. He gave him a hug, a very warm hug, sabay binatukan ito.
"How are you feeling, you stupid fuck?" tanong bigla ni Dr. Andalusia sa kanya.
"Aside sa masakit ang batok ko dahil sa kamay mo, I'm feeling fine. Liable ka na for physical injury, Dr. William Andalusia" sagot naman ng pasyente, sabay halakhak. Parang dalawang cute na high schoolers lang ang dalawa. At may isa pa akong na-discover - makulit din pala si Dr. Andalusia.
"By the way, ito pala ang naging saviour ng buhay mo. Doctor Kirstin Gil, meet Leandro Augusto Barcelona. Lean, meet Doctor Kirstin Gil."
I just smiled and offered my hand to him. He was looking at me with funny eyes. Hindi ko alam kung bakit.
"Doctora Kiki?" he said with that impish smile of his. Tipong nangaasar lang.
"Call me Tin instead, Mr. Barcelona." Hindi ko din alam kung bakit, pero bigla akong naasar sa sinabi ng tao na ito. Doctora Kiki ka diyan. Nakangiti itong umiiling na lang, tapos nagpa-assist na i recline ng kaunti ang kanyang bed kay Dr. Andalusia. He then smiled again, that gorgeous, almost innocent smile, held out his hand, then looked at me straight into my eyes. Na parang nanggagayuma lang ang gago.
"Hello, Doctora Tin Gil. Lean, at your service."
KAMU SEDANG MEMBACA
Hello : Goodbye : Hello
RomansaKirstin Gil, a doctor, met Lean Barcelona at the hospital. It was a meeting of two souls. Now, the question is, will love blossom upon the walls of that hospital?
Chapter 2 : The Problem With Goodbye is Hello
Mulai dari awal
