Chapter Five

95.8K 1.9K 15
                                    

Hi! If you've read my other story Mistakenly it was edited so please excuse my error and just think that Camille here is a different person and not the Camille from Mistakenly. Hehe. I will just edit this next time. Thank you for understanding!

Chapter Five

Malakas ang ulan nang araw na iyon. Hinihintay ko si Papa na siyang susundo sa akin. Siguro'y na-traffic siya o 'di kaya'y natagalan sa trabaho. Nakaupo ako noon sa waiting shed, sa labas lamang ng university. Mag-isa nalang ako doon nang may umupo sa kabilang dulo ng kung saan ako naupo. Bumaling ako sa dumating at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Napayuko ako't kinagat ang pang-ibabang labi upang maitago ang sumisilay na ngiti.

Umihip ang malamig na hangin at mas lalo kong niyakap ang sarili. Napaangat lamang ako ng tingin nang may naglahad ng isang varsity jacket sa aking harapan. Walang bakas ng kahit na anong imosyon ang kanyang mukha. Marahan ko iyong tinanggap mula sa kanya.

"Salamat..." muli kong nakagat ang pang-ibabang labi.

Walang imik siyang bumalik sa kanyang pagkakaupo. Dahan dahan ko namang sinuot iyong jacket niya. Nalanghap ko pa ang mabangong amoy nito. Binalingan ko siya at nakitang diretso lamang ang mga mata niya sa mga patak ng ulan na dumadaloy mula sa atip nitong waiting shed. Ginaya ko siya at pareho naming pinagmasdan ang bawat buhos ng ulan.

Isang itim na pickup ang tumigil sa aming harapan. Tumayo si Alexander at napagtanto kong para sa kanya ito. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Wala pa ba ang sundo mo?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Alexander na kinausap ako! "H-Huh?" napalunok ako't umiling iling. "Hinihintay ko pa si Papa..."

Bumaling siya sa suot na wristwatch. "It's getting late. You might want to send a message to your Dad, instead. Sabihin mong ihahatid ka nalang namin."

Kailangan kong kurutin ang aking kamay dahil natutulala ako sa guwapong mukha ni Alexander. "Ah, oo, s-sige."

Nilahad niya sa 'kin ang nakabukas na pinto ng kanilang pickup. Mabilis naman akong pumasok doon dahil mababasa kami ng ulan. Sunod siyang pumasok at tumabi sa akin. Ngayong mas malapit ay lalo kong naamoy ang kanyang bango. Pinatakbo ng Driver ang sasakyan. Nilabas ko naman ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking school uniform. Tinext ko si Papa.

"Ituro mo nalang sa amin ang daan patungo sa bahay niyo."

Bumaling ako kay Alexander na nanatiling seryoso at nakatingin lamang sa harap. Tumango ako. "Okay..."

Ang alam ko'y may sarili na siyang kotse. Dumapo ang mga mata ko sa kamay niyang may benda. Tahimik akong napabuntong hininga. Oo nga pala at nasangkot na naman siya sa gulo noong isang araw.

Sinalubong ako ni Mama sa gate ng aming bahay. Agad niya akong pinayungan. "Naku Celine, sisipunin ka nito. Ang bilis mo pa namang magkasakit..."

"Ma, si Alexander po...schoolmate ko." Pakilala ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin kong magkaibigan kami gayong ngayon nga lang kami nagkausap at ang ikli pa...

Bahagyang kumunot ang noo ni Mama na kalauna'y naging isang tipid at makahulugang ngiti. Alam kong namumula na ngayon ang mukha ko!

"Alexander Fajardo?" pagkukumpirma ni Mama.

Medyo naguluhang tumango naman si Alexander. Pinapayungan siya ng kanilang driver.

"Ma..." saway ko sa kay Mama.

Ngumiti siya at bahagyang umiling. "Salamat sa paghatid sa anak ko, hijo. Pasok tayo sa loob? Dito ka na mag-dinner." Anyaya pa ni Mama.

Agad na umiling si Alexander. "Thanks, pero hindi narin po kami magtatagal. Hinatid lang po namin si Celine."

Parang nagpantig naman ang taynga ko nang marinig na binigkas niya ang pangalan ko. Kilala niya ako?

Pumasok na sila sa loob ng sasakyan at maya maya pa ay umalis narin ito. Natulala ako sa palayong pickup...

"Pasensya ka na anak at nasiraan ako kanina sa may hi-way." Paliwanag ni Papa nang dumating siya.

Umiling ako't ngumiti. "Okay lang po Papa."

"Nako mahal, 'yang anak mo hinatid rito kanina ng crush niya." panunukso ni Mama.

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. "Mama!"

Tumawa lamang si Mama ngunit nagging seryoso nman si Papa. " 'yang crush, crush na 'yan..."

Umirap si Mama. "Hayaan mo na mahal, para namang hindi tayo dumaan dyan."

Bumuntong hininga si Papa at lumambot ang mga mata nang tumingin kay Mama. Gustong gusto ko talaga ang mga ganyang tingin ni Papa sa kay Mama. Iyong tingin na puno ng adorasyon at pagmamahal. Lumaki akong saksi sa pagmamahalan ng mga magulang ko. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Sa mga sandaling iyon ay tahimik akong nangarap ng buhay kasama ang lalaking mahal ko. Hindi ko alam ngunit sa edad na fifteen ay si Alexander na ang naiisip ko...

"Celine, may practice game ngayon ang business ad. Nood tayo!" sabay hila sa akin ng isang kaklase.

Wala raw kaming pasok sa huling period. Kaya naman mula sa high-school department ay tinungo namin ang university gymnasium. Maraming nanonood kahit pa practice game nga lang ito. Agad kong namataan si Alexander na seryosong naglalro sa court. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang guwapo niya lalo sa suot na varsity jersey. Pawisan na siya ngunit ang fresh parin niyang tingnan.

"Celine, dito!" hinila ako ng aking kaklase paupo sa nakita niyang pwesto.

Maingay dahil sa pag-cheer ng mga kababaihan. Halos puro college students ang narito at mukhang kami lang yata ang high-school na nakapuslit rito. Napapangiti ako sa tuwing nakipagtawanan at biruan si Alexander sa kanyang mga kaibigan sa court. Halos mapatili naman sa tuwing nakaka-shoot siya.

"Ang galing! Sana lang makapanood ulit tayo sa actual game nila, 'no..." anang kaklase ko.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng gym matapos ang laro. Tumango ako. Sana nga. Napahinto ako nang may maalala. Mabuti at dala dala ko ang aking backpack. "Mauna ka na, may kukunin lang ako sa locker."

Nagkibit balikat lamang siya 'tsaka naglakad paalis. Nang makalayo na siya ay bumalik ako sa loob ng gym. Hindi ko makita si Alexander ngunit naroon ang isa sa kanyang mga kaibigan. Nagsisintas ito ng sapatos. Nahihiya ko itong nilapitan. Habang palapit ay kinuha ko na ang jacket na pinahiram sa 'kin ni Alexander noong isang araw sa loob ng aking backpack. Lagi koi tong dala dala at baka sakaling may pagkakataon at maisauli ko sa kanya.

"Ah, excuse me," nag-angat ang tsinito nitong mga mata sa akin. Naramdaman ko ang init s aking mukha. "N-Nakita mo ba si Alexander?"

Tumayo ito ng tuwid at sinipat ako ng tingin. Pagkatapos ay ngumisi. Ngumuso ito habang itinuturo sa akin ang hallway patungo sa lockers. Siguro ay nandon si Alexander...

"Uh, sige...salamat!" mabilis na akong tumungo doon.

Ngunit sa kalagitnaan ng mga hakbang ay napahinto ako. Sa tahimik na hallway ay nadatnan ko ang nakangising si Alexander na kino-corner iyong magandang member ng cheering squad ng school. Sandali akong nanigas sa kinatatayuan bago nagpasyang umatras. Pero isang hakbang pa lamang paatras ay may natabig na akong kung anon a nagdulot ng kaunting ingay. Agad ko itong nilingon at nakitang ang trashcan iyon. Saglit akong napapikit at napakagat labi. Nilingon ko ang dalawa at nakitang nakakalas na sila sa isa't isa. Lumalapit narin sa kinatatayuan ko si Alexander. Nakita ko naman ang pag-ismid noong babae.

Huminto si Alexander sa aking harapan. Nanginginig ang mga kamay kong inangat 'yong jacket niya. "I-Isosoli ko lang sana..."

Nanatili akong nakayuko hanggang sa kinuha niya ito sa akin. "Sige, alis na ako."

Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis na ako pumihit paalis. Halos patakbo akong lumayo doon. Bumagal lang ang lakad ko nang nasa malawak na field na ako ng campus. Bumaba ang mga balikat ko. Girlfried niya ba 'yon? Napailing ako sa sarili. Ano naman ngayon kung girlfriend niya nga...

"Celine!" nahinto ako sa paglalakad at agad nanlaki ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses ng tumawag sa pangalan ko.

WorthlessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum